MY SUPERSTAR 56

1.1K 55 2
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makabalik kami ni JD dito sa Chicago. Madami din akong inayos pagdating namin dito kasi matagal din kaming nawala. Nasa isang Italian restaurant kami ni Zach para pagusapan ang kasal namin. Madami siyang idea at hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagbigay ng sarili kong idea sa kanya. It seems like I am not in the mood to discuss anything. 

"Hon, I've been talking here the whole time and I'm not getting any response from you. Do you have any suggestion about our wedding?" 

"I'm sorry hon, pagod lang siguro ako. I have a lot of things to do lately kaya nawala sa isip ko ang kasal natin. All your ideas are good and I want to be a June bride so maybe we can push through the wedding on the 28th of June". Pinagmasdan niya ako ng maigi, medyo nailang ako sa mga titig niya kaya pinagpatuloy ko ang pagkain ko. 

"Are you hiding something from me? What happened in Seoul?" 

"What are you talking about? I already told you everything even the smallest details. What do you want to know?" tanong ko sa kanya. Pagkadating namin galing ng Seoul kiniwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari--lahat ng napagusapan namin ni Jin. Ang request ng magulang ni Jin na pagbakasyunin si JD sa Seoul lahat yon sinabi ko sa kanya. Because he deserves to know the truth.

"Hey..I didn't mean anything. I'm just aking you". Nawalan na ako ng ganang kumain, napapansin ko sa sarili ko ang pagiging mainitin ng ulo ko ngayong mga nakaraang araw. Hindi man sabihin ni Zach, alam ko na nararamdaman niya din yon. 

"Para kasing simula ng bumalik ka dito you completely changed into someone who I didn't know. Palaging wala ka sa mood makipagusap, you're always spacing out. That's why I'm wondering if something happened in Seoul?" malumanay na paliwanag niya sakin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. 

"I already told you what happened Zach. I'm not hiding anything from you". Pinagmasdan niya ako ulit at tumango, alam ko hindi sapat ang mga sinabi ko para maniwala siya pero wala naman talaga akong tinatago sa kanya, sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari sa Seoul.

"Do you still want to comtinue the weddig?"

"Of course. Why are you asking me like that?" Wala naman nagbago sa desisyon ko, I still want to marry him and I can't understand why he's thinking that way.

"You can't blame me if I am asking you like this. Do you still love him? Are you being true to yourself?"

"You know what? this is nonsense! Bakit ba tinatanong mo ko ng mga ganyan Zach? Hindi ako magpapakasal sayo kung mahal ko parin siya. Pumayag akong magpakasal sayo kasi mahal kita".

"I don't know..maybe you love me but not as deep as your love for him. Let's just talk some other time. Maybe, this is not the right time to discuss our wedding". Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Is he jelous? Hindi ko pa siya nakikitang nagselos at wala din naman siyang pinagselosan dati. Pero ngayon hindi ko maintindihan kung bakit kailangan namin humantong sa ganito.

"Zach, what we had in the past is all gone now. Why do you keep on insisting that I still have something for him?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Mabuti na lang nasa may tagong parte kami ng restaurant at wala masyadong kumakain.

"Because that's what you made me feel Yuri. Simula ng bumalik kayo ng Seoul parang palaging ang layo ng iniisip mo. Just tell me if you want to continue this wedding or not and please be honest to yourself". Hindi na niya ako hinintay makapagsalita basta na lang siya umalis at lumabas ng restaurant. 

Dumaan ako sa school nila JD para sunduin siya. Pagdating namin ng bahay sakto namang tumatawag si Jin. Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko, hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi na lang.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon