MY SUPERSTAR 25

1.5K 61 2
                                        

Nagtagal ng isang oras ang interview ko, halos tumakbo ako sa parking lot pagkatapos ng interview kasi nag-aalala ako para kay Jin. Pagdating ko sa parking lot, naabutan ko siya na nakasandal sa sasakyan habang busy sa cellphone niya. Nakalagay na ang pekeng bigote, kilay at balat niya sa mukha tapos naka-baseball cap din siya kaya hindi talaga siya makikilala.

Agad siyang ngumiti sa akin ng makita niya ako papalapit sa kanya. "How is it?" tanong niya agad sa akin "It went well" ngumiti siya sa sagot ko. Sumakay kami ng sasakyan, papunta na kami sa sunod na interview ko, dito ako sobrang kinakabahan kasi live to at mapapanood ako sa buong Pilipinas at kahit sa abroad hindi katulad nong sa magazine interview na simpleng interview lang talaga siya. Dumating kami sa tv network sampung minuto bago magsimula ang show, may lumapit sa akin na staff ng show at inorient ako kung anong mga dapat kong gawin mamaya. Nasabi rin sa akin kung ano ang mga itatanong sa akin, kaya nakampante naman ako. Nag-umpisa ang show, medyo nawala ang kaba ko ng maging maayos naman ang flow na usapan. Tinanong nila kung pano ako nahilig sa pagdedesign ng damit, kung pano nagsimula ang Dale at kung ano ang mga future plans ko. Nasabi ko sa kanila na mahilig na talaga ako magdesign ng damit ng mga manika ko nong bata pa lang ako, kaya hiningan nila ako ng on the spot design, habang nagguguhit ako; tinanong ako ng isang host ng show tungkol sa love life ko.

"Do you have any special someone right now? or are you exclusively dating? Are you still single?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nag-adlib lang yong host kasi wala to sa pinakitang mga itatanong nila sa akin o sadyang may surprise question talaga silang nilaan para sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago ko sinagot ang tanong niya "I'm single and I'm not dating anyone".

"Is it true that the eldest member of the famous kpop boy group BTS was your ex?" tanong naman nong isang host sa akin, medyo nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad.

"He's not my ex. We're good friends". Nanginginig ang kamay ko kaya hindi ako makapag focus sa ginagawa kong design.

"BTS were spotted during the grand opening of Dale in London. So, how are they as a friend?" tanong ulit sa akin nong isang host.

"Actaully, they are very supportive and I'm very thankful because they are my friends" . Malamig sa studio kanina pagpasok ko pero ngayon parang pinagpapawisan ako sa mga tanong nila sa akin.

"May posiblidad ba na maging kayo ni Jin? kasi diba dati may mga kumalat kayong pictures na magkasama kayo sa Siargao? I think that was three years ago". Kaya ayaw ko magpaunlak sa mga ganitong tv guesting kasi pilit na nauungkat yong naging issue sa amin dati.

"Imposible po yon. May girlfriend po siya at magkaibigan lang po talaga kami. Jin is a very nice guy, sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya pero hindi po ibig sabihin non na kami ng dalawa. Sana matigil na din po yong issue tungkol sa aming dalawa kasi wala po talagang katotohanan yon".

"Pero kung wala ba siyang girlfriend may posibilidad ba na maging kayo?" tanong ulit nong isang host sa akin, di ko na mapigilan yong inis ko kaya sa sobrang gigil ko nadiinan ko ng husto ang pag-guguhit kaya naputol ang lapis na hawak ko.

"As what I've said earlier, we're good friends". Nginitian ko ang host na nagtanong sa akin, sana marunong siya magbasa ng isip. Hindi ako komportable sa mga ganitong tanong sakin at sana maisip niya na nagiging annoying na sila para sa akin. Pagkatapos ng show, lumapit sila sa akin para magpa-picture. Pinaunlakan ko sila kahit gustong gusto ko ng lumabas ng studio at umuwi ng condo. Nagpasalamat sila sa akin pati ang mga staff ng show, pinipigilan pa sana nila akong umalis pero sabi ko may lakad pa ako.

Lumabas ako ng studio at dumiretso sa parking lot ng building. Nadatnan kong nasa loob ng sasakyan si Jin, sa totoo lang nahihiya ako sa kanya kasi nakaladkad pa ang pangalan niya sa interview kanina, pano na lang kung mapanood yong interview ng girlfriend niya? "You did great. It was an amazing interview". Tiningnan ko ang reaksyon niya, seryoso ba siya sa sinabi niya or nagiging sarcastic lang siya? "I'm sorry about that, I was not being informed that there are some questions about you". Humingi ako ng paumanhin kasi wala talaga akong alam na may mga idadagdag silang tanong.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon