MY SUPERSTAR 17

1.8K 76 2
                                        

Napapayag nila akong magbakasyon kaya wala na akong nagawa pa. Magkakasama kaming tatlo ako, si Mia at si Angel sa isang flight pauwi ng Pilipinas. Habang ang BTS naman nauna na sila ng isang araw sa amin papunta ng Pilipinas. Mas pinili namin na magkahiwalay ng flight para iwas tsismis na rin. Hindi ko rin alam kung pano ang gagawin nila sa airport kasi wala silang kasamang staff from Bighit sila lang talagang pito. Ang sabi nila magdidisguise sila para hindi sila makilala. Dalawang airlines lang ang pwede sa Sayak Airport--Skyjet at Cebu Pacific kaya di rin sila pwede magprivate jet. Nagaalala ako para sa kanila pero alam ko naman na sanay na sila sa ganon.

Bago pa sila pumunta ng Pilipinas pinagsabihan ko na ang mga staff ko sa resort na sunduin sila sa Sayak Airport at huwag na munang tumanggap ng guest para naman maging maayos ang pananatili nila sa resort.

Alas tres kami ng hapon dumating sa Sayak Airport. Paglabas namin ng airport sinalubong agad kami ni Jerome. Isa isa niyang kinuha ang gamit namin at nilagay sa likod ng sasakyan. Kasama ni Jerome sina Jin, Yoongi at Jimin sabi nila naiwan daw sa villa yong ibang members kasi busy daw sa paghahanda ng pagkain para mamayang gabi.

"Let me carry your bag for you". Umiling ako sa kanya. Back pack lang naman to kasi yong maleta ko nasa likod na.

"It's okay. I can manage". Magkatabi kami sa back seat ni Jin. Habang si Angel at Jimin naman sa likod at si Yoongi at Mia. Lumingon ako sa likod ng paalis na ang service namin sa airport, saka ko lang napansin ang parehong damit nina Angel at Jimin. Medyo natawa ako kasi floral na polo ang suot ni Jimin habang floral na bestida naman kay Angel. Samantalang si Yoongi at Mia naman hindi nagkikibuan. Nasa magkabilang side sila, ang lawak ng space sa gitna. Ano na naman kayang problema ng dalawang to? 

"Are you tired? You can sleep for awhile, I'll wake you up once we get there". Hindi naman ako pagod, parang hindi lang ako komportable sa posisyon namin. I'm not used to be this close to him. Amoy na amoy ko ang manly scent niya.

"I'm okay. How's your flight?" Tanong ko sa kanya. Pambasag na lang din ng katahimikan sa loob ng van. Tulog kasi si Jimin at Angel.

"It went well. I felt nostalgic when we arrived here. This place never fail to amazed me".

Hindi na ko nagsalita ulit, tinuon ko ang atensyon ko sa bintana, pinagmamasdan ko ang mga luntiang halaman na dinadaanan namin. Nakakamiss din ang buhay dito, simple lang tsaka masaya.

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating kami sa resort, inalalayan ako ni Jin na makababa ng sasakyan, siya narin ang nagbitbit ng maleta ko. Masaya kaming sinalubong ng mga staff ko tsaka ng ibang members na naiwan sa resort.

"Charm, okay na ba yong cabin ko?" Mas pinili ko na manatili sa cabin kasi hindi ako magiging komportoble kung sa villa ako kasama sila.

"Naku ma'am, yon na nga po sana ang ibabalita ko sainyo. Under repair po ang lahat ng cabin natin gawa po nong nakaraang bagyo nawalan po kasi ng bubong since gawa po sa light material". Oo nga pala, may nanalasa palang bagyo dito nong isang buwan lang. Hindi ko man lang yon naisip kanina habang nasa byahe pa kami.

"Sa villa na lang tayong lahat bruh. Kasya naman tayong lahat don. May mga exta beds naman ata kayo dito diba?" Tanong ni Angel kay Charm.

"Naku ma'am wala po kaming extra beds kasi wala namang gumagamit niyan dito kasi halos lahat naman ng cabin dito pang-isahan lang. Don naman po sa family sized cabin wala din pong extra beds don".  Tumango na lang ako kay Charm. Lima lang ang kwarto sa villa, 10 kami lahat kaya madidivide kami into two. Hindi papayag si Angel na hindi sila magkasama ni Jimin at ganon din si Mia kay Yoongi kahit may tampuhan sila. Sa couch na lang ako, malapad naman yong couch sa living room kaya kasya ako don.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon