Maaga akong nagising kinabukasan o mas tamang sabihin na hindi ako nakatulog ng maayos. Alas singko pa lang nakagayak na ako, madami akong lakad ngayon may meeting ako sa architect ng ipapagawa kong building ng Dale sa Ortigas, dadalawin ko sila mommy sa sementeryo at kikitain ko din si tito. Hindi ko na ginising si Jin, nag-iwan lang ako ng note sa may ref na kailangan ko umalis ng maaga.
Dumaan muna ako sa isang flower shop para makabili ng bulaklak para kay daddy at mommy. Bandang alas sais na ng umaga ako nakarating ng sementeryo.
"Hi mommy, daddy". Pinatong ko ang bulaklak na dala ko sa puntod nilang dalawa at nagsindi ng kandila.
"Sobrang miss ko na kayong dalawa. Please guide me always. Siguro kung nandito kayo ngayon baka sobrang proud kayo sa akin. Kilala na akong designer mommy. Sayang hindi kita nagawan ng damit bago niyo ko iwan".
Nagtagal ako ng mahigit isang oras sa sementeryo, mabigat ang mga yapak ko ng umalis ako sa puntod nila. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak, masakit parin talaga. Pero kailangan kong magpakatatag. Dumiretso ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ng architect ng ipapagawa kong building. Pagkatapos ko mag order bumalik ako sa puwesto ko, masyado akong napaaga sa meeting namin.
"One mocha frapuccino for Ms.Yuri". Lumapit ulit ako sa counter para kunin ang order ko.
"Good morning miss delos Reyes". Napaangat ang tingin ko sa nagsalita, busy kasi ako sa pagcheck ng mga emails ko para ngayong araw. Tumambad sa akin ang isang lalaking may katangkaran at may magandang hubog ng katawan, mapupulang labi, maliit at matangos na ilong at singkit ng mga mata. Siya ang architect na nirecommend ni tito? Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya.
"Have a seat. I believe you are Architect Tim Copengco?" Ngumiti siya sa akin at tumango. Umupo siya sa harap ko, sana hindi siya ireto sa akin ni tito.
"Nice meeting you Ms. Yuri Dale delos Reyes". Ngumiti ako sa kanya at tinanong siya kung anong gusto niyang inumin. Nagorder siya ng isang tasa ng black coffeee. Napag-usapan namin kung anong plano ko sa Dale, nagbigay din siya ng mga suggestion. Natapos ang meeting namin bandang alas diyes ng umaga. Ipapadala niya na lang daw ang detalye ng building kapag tapos niya ng gawin.
Dumating ako sa bahay nila tito sa White Plains bago mananghalian. Sinalubong ako agad ni tita ng yakap ng makita ako.
"It's nice to see you again hija". Nagbeso siya sa akin at niyakap ulit ako.
"Where is tito po tita?"
"May bisita siya, magkasunod lang kayong dumating". Pumasok kami ng bahay at dumiretso sa living room.
"Yuri..hija". Tumayo si tito para salubungin ako ng yakap. Saka ko lang napansin ang lalaking kausap niya. Ngumiti ako sa kanya.
"Arch. Copengco". Bati ko sa kanya. Nagkamay ulit kaming dalawa.
"I didn't know na dito rin pala ang punta mo sana nagsabay na lang pala tayo". Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"I told you I have a very beautiful niece Tim". Pagbibida sa akin ni tito. Ito na naman kami sa pagreto-reto na to.
"Kaya nga po tito. Nahiya nga po akong lapitan siya kania. She's beautifully intimidating". This is awkward! Hindi ako sanay na pinupuri ako when it comes to my physical appearance kasi wala pang nagparamdam sa akin na maganda ako.
Niyaya kami ni tita sa dining room para makakain. Kinumusta nila si Mia, tinanong nila ako kung totoo daw ba na may boyfriend na ang anak nila, naisip ko si Yoongi kaya sabi ko meron na.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)