Suga's POV
Teka! Ano to!? Bat may address!? Para saan to? Ano nangyayari!?
Lalabas na muna kong kalmado, pupuntahan ko ung security staffs, para makita or mapanuod ko ung CCTV.
Nakatapos na ko gumayak. Lalabas na ko ng kwarto.
"Hyung? San punta?"
-Jimin
"Ah, susunduin ko lang si Lucia sa baba, nag jogging pala sya, nag text sakin"-Sagot ko
"Samahan na kita?"-Jimin
"Wag na, kaya ko naman"-sabi ko
At umalis na ko.
Pupunta na muna ko sa lobby, para itanong sa front desk kung saan ung security office. Swerte naman at madalang ang tao, naka cap lang kasi ko, at nakasuot ng black shorts and white shirt.
Bumukas na ung elevator, at pumasok na ko, ako lang mag isa ung andito. Tangna, may na aalala ako na elevator moments noon e, hindi naman talaga ko nahiya nun e, kasi madami akong Swaeg.
Biglang bumukas ung elevator sa 4th floor? Medyo kinabahan ako, dahil ang ibig sabihin ng 4 sa Korea ay kamatayan.
Sumara na ulit ung elevator, pero hindi ko maintindihan ung nararamdaman ko, parang bumigat, at parang naging crowded tong elevator kahit mag isa lang ako, at lumamig din.
Nakarating na ko sa lobby.
At dumeretso na ko sa front desk, para magawa ko na ung kailangan ko.
"Excuse me miss?"
-tawag ko sa receptionist
"Good morning sir! How can I help you?"-bati nya sakin
"Ahm? I need your CCTV footage last night, my girlfriend was kidnapped last night, and I need more Informations about that"-sabi ko
Syempre nag english ako, wala kabang SWAEG?
"Give me a minute sir"-sagot sakin nung babae
"Okay, take your time"-sagot ko sakany
Yumuko ako ng biglang may dumating na grupo ng babae, siguro nasa 7? Or 8 sila. Mga bata e, baka mga fans to. Jusko!
"excuse me sir, the security room, is in first floor, turn right, after that, turn left, then go straight, then you will see the security office"
-sabi sakin nung receptionist.
"Thankyou miss"-Sagot ko
at umalis na ko, hindi ako nag panic dahil sa mga babaeng to, baka lalo akong mahalata, sumakay na ulit ako ng elevator, para mapuntahan na ung security office.
"Good morning sir! What floor po?"
-bati sakin nung elevator girl
"1st floor po"-sagot ko
"Uhm? Ate? Normal po bang huminhinto ung elevator nyo sa 4th floor?-Tanong ko sa babae
"Yes sir, ganun po ata talaga tong elevator na to, tas minsan kahit walang sasakay galing sa floor na yun, parang ang daming nakasakay"-sagot nya sakin
"Ahhh? Kaya pala"-sabi ko
"Ramdam mo din sir?"-tanong sakin ng babae, at tumingin sa gawi ko
"Oho"-maikling sagot ko
"Sir, we're just arrived at the first floor, enjoy your staying here"
-pag papaalam sakin nung babae
at ngumiti ako sakanya. Pero ng 5 inches nalang ang bukas ng elevator, nakakita ako ng babaeng duguan, mahaba ang buhok, at nangingitim ang mga mata. Pinag sawalang bahala ko nalang yun.
Napaka tahimik dito sa 1st floor, may ibang ilaw na kumukundap kundap na, sabi ni Namjoon luxury hotel to, pero bat ilaw lang di pa mapalitan. Siguro kung wala akong SWAEG? Kanina pa ko umiiyak sa takot.
Nakarating na ko sa security office. Kumatok na ko.
"Yes sir?"
-tanong nung lalaking security staff sakin.
"Listen, my girlfriend was kidnapped last night, I need to watch your CCTV footage"-pag papaliwanag ko.
"Come in sir"-sabi nung lalaki sakin.
At pumasok na ko sa loob.
Bigla nalang may pumalo sa ulo ko, at nakatulog ako.