Jk's POVNakatulog na si V, pinag mamasadan ko lang sya habang natutulog.
Ramdam ko ung mga pag babago between us, hindi ko naman sya masisisi. Dahil ako ung may kasalanan, pasalamat pa nga ako dahil tinanggap nya ulit ako na parang walang nangyari e. Pero hindi talaga maiiwasan ung may mag babago. Nakahandan naman ako don, dahil alam ko namang deserve ko din yun.
Para kong isang lason ba niluwa na nya, pero kinain nya ulit, at wala syang pakielam kahit na ikamatay pa nya yun.
He always taking a risk, for us, or just for me, that's how much he loves me. I accept the fact that I'm the most stupid person because I cheated on him.
others called it "Marupok" but for me that's the true love means.
Naputol ung pag titig ko sa tulog na mukha ni V, dahil tumunog ung phone ko.
Binuksan ko muna ung message, si Namjoon hyung pala.
"Jk and Sab tomorrow, 12:00 noon at Suga hyung's resto." sabi sa message.
"Ano to hyung?" reply ko.
"Basta dalhin mo si Sab don! Okay na lahat, naka reserve na ung resto nila Suga hyung from 12:00 noon to 3:00 pm. This is the right time to talk about the relationship between you and Sab. Goodnight" reply ni Namjoon hyung.Nung gabi na nag kabalikan kami ni V, after na sabihin ko sakanila na buntis si Sab, un din sana ung gabi na mag popropose na ko kay Sab. Pero pag katapos akong bigyan ni V ng isa pang pag kakataon. Parang naguluhan ako sa nararamdaman ko kay Sab , dahil si V parin pala talaga. Kahit na anong mangyari, si V parin ang pipiliin ko, may isa akong salita, at ayoko ng mag kahiwalay ulit kami ni V. Pero ang tanong? Ako pa rin kaya ang gusto ni V? Pag katapos ng lahat?? Handa pa rin ba syang sumugal na ako pa rin hanggang sa huli??
Di ko na sya nireply. Natulog na ko sa tabi ni V, at niyakap sya.
Sinubukan namin ni V na ibalik ung brother relationship between us. Nung una nakaya naman namin, pero nung tumatagal na, hindi na namin natiis. Lalo na't may nararamdaman pa rin pala kami sa isa't isa. We acted like walang nangyari or namagitan samin. Pero wala e. The heart gets what it wants.
Sobrang nag alala ko nung medyo may nararamdaman akong iba kay V at Maria. Natatakot ako na baka mapalitan nya ko agad, lalo na't mahal ko pa rin sya. Pero hindi ko naisip na, ako din pala ung may kagagawan non, para lumayo sya sakin, at mapalapit sya sa iba.
Masaya kami ni V, kontento na ko sakanya, pero may dumating. At natukso ako, kaya andito kami ngayon sa pinaka mahirap na sitwasyon, na hindi namin alam. Kung maaayos pa ba.
Alam kong mag kakasala na naman ako kay V dahil sa gagawin ko bukas. Pero wala na kong magagawa. Kailangan na talaga namin pag usapan kung ano ba ang dapat.
Jimin's POV
Nagising ako ng mga 3:00 am, bigla akong nauhaw. Kaya bumaba na muna ko para uminom ng tubig.
Napadaan ako sa kwarto ni Maria.
May naririnig akong sigaw nya
"Sorry!! Hindi ko sinasadya!!" sigaw ni Maria. Mabuti nalang at nakabukas ung pintuan nya. Kaya agad agad akong pumasok at ginising sya.
"Mariaaa!!" sabi ko dito habang yinuyugyog sya
Nagising naman sya. At agad nya kong niyakap.
"Jimin, hindi ko un sinasadya, hindi ko un ginusto" sabi nya sakin habang nakayakap sya sakin at umiiyak.
"Kumalma ka, panaginip lang yun" sabi ko sakanya
Sakto naman at may tubig sya sa may lampshade nya.
Kinuha ko muna un para painumin sya at para medyo kumalma sya."tumahan kana. Andito na ko" sabi ko sakanya.
Inabot nya sakin ung baso. At ininom ko ung natirang tubig nya. Dahilan para tingnan nya ko ng weird.
"Bakiit? Kaya nga ako bababa para uminom e. Narinig lang kitang sumisigaw. Kaya pinuntahan kita agad dito" sabi ko.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko
"Ayoko pag usapan dito" sabi nya.
"Tara. Labas tayo." aya ko
"Jimin 3:00 palang ng umaga oh." sabi nya.
"Okay lang, wala akong pake, mainam na din ung ganito kaaga para wala pang fans sa labas" sabi ko.
"Pero pagod ka at halos wala kapang tulog, baka mag kasakit ka" sabi nya ulit.
"Ano kaba!? Sanay na ko! Pag di ka pumayag! Pupunitin ko yang suot mong lingerie!" pag babanta ko sakanya.
"Ay punyeta! Teka, mag papalit lang ako. Ung mga mata mo, kanina pa namamagnet sa cleavage ko!" sabi nya sakin.
"Oo den" bulong ko.
"Ano!?" tanong nya.
"Wala!" sagot ko. At pumasok na sya sa Cr nya para mag bihis.Lumabas na muna ko ng kwarto nya. Para uminom pa ng tubig, at para kunin na din ung jacket at cap ko sa kwarto ko.
Sakto namang pag labas ko ng kwarto, lumabas na din si Maria
"Tara?" sabi nya.
Kaya lumabas na kami.
Napaka tahimik ng bahay. Kabaliktaran pag umaga.
Nakasakay na kami sa sasakyan, syempre ako mag dadrive.
"Suot mo seatbelt mo" utos ko kay Maria.
"Wag na. Malapit lang naman pupuntahan natin diba?" sabi nya.Pasaway talaga! Kaya itinabi ko muna ung sasakyan, para suotan sya ng seatbelt. Jusko ha, ilang minuto palang kami mag kasama, medyo stress na ko sakanya.
Inabot ko ung seatbelt sa may balikat nya, at napaka lapit ng mukha namin sa isa't isa. Dahilan para mamula sya. We almost kiss. Pero syempre, di ko tinuloy. Baka sapakin ako nito e.
Naikabit ko na seatbelt nya. At nag drive na ko.
"Wag pasaway ha?" sabi ko.
"Hmm!" sabi nya.
Nag patuloy na ko sa pag dadrive."San ba kasi tayo pupunta?" tanong nya.
"Basta mag tiwala ka lang sakin" sagot ko sakanya at ngumiti.
"Hay nako jimin! Hindi mo ko madadala sa mga paganyan ganyan mo. Di ako kasing rupok ng inaakala mo" sabi nya.
"defensive mo!" sabi ko sakanya.Pamiya miya pa, nakarating na kami dito sa favorite park ko.
Binuksan ko ung compartment nung sasakyan, at nag latag ng kumot, at dun kami naupo.
"So ano na? Ready ka na ba mag kwento?" tanong ko.
Huminga sya ng malalim. Halata kong nag aalinlangan syang mag sabi sakin
"Mag tiwala ka sakin, ano man ang marinig ko mula sayo ngayon. Sakin lang yun" sabi ko sakanya.
"Okay sige. Medyo mabigat na din kasi sakin e. Wala akong mapag sabihan nito. Kasi natatakot ako na baka kung ano isipin nila sakin." sabi nya at napayuko sya.
"Ano ba kasi un?" tanong ko.
"Yun na nga, intern ako non, as doctor sa isang private hospital, then 12:00 na un ng madaling araw. May nag lalabor na. Pero sabi ni Doc hindi pa daw pumuputok ung panubigan, kaya hindi pa sya manganganak. Then hinayaan na muna namin. Tapos, nag paalam si Doc na uuwi sya, dahil nag karoon ng emergency sakanina. 2:30 na ng umaga. Pumutok na ung panubigan nung nag lalabor. Kaya agad agad namin syang dinala sa emergency room, ilang beses kong tinatawagan si Doc, pero di sya sumasagot. Wala ng ibang Doctor dun, bukod kay Doctor Reyes, at sakin na intern nya. Wala pa kong masyadong alam nun, dahil 3 months palang ako sa ginagawa namin na yun. I witness 5 women who gave births, pero kung ako tatanungin? Kung kaya ko na bang mag paanak? Parang hindi pa, hindi ko pa kaya. Natatakot pa ako, dahil hindi biro ung pag papaanak. Ung isang nurse, pinilit nya kong paanakin ung babae, dahil pag daw hindi nailabas ung bata sa tamang oras, mag kakaroon ng malaking problema. I have no choice! To do my job, kahit natatakot ako ginawa ko. 30 minutes na din ung operations cesarean kasi un, so ayun. Usually kasi ung limang nakita kong pinaanak ni doc is normal, I really don't have experience to this kind of giving birth. May isang nurse na parang nag tataka kung tama ba ung ginagawa ko, she didn't hesitated to asked me. Pati ako nun dko alam kung tama pa ba ung ginagawa ko. Basta ang mahalaga, mailabas ko ng safe ung bata at maging safe din ung mother nya. Nailabas ko na ung bata that time, tas biglang nag flatline ung mother nya. Hindi rin namin narinig na umiyak ung baby, kaya binigay ko agad sa midwife ung bata para icheck, at makapag focus na ko dun sa mother nyang nag aagaw buhay. Ilang beses na namin syang ginamitan ng defibrillator, pero wala. Wala na talaga, 3:05 am time of death. Pati ung baby, hindi ko/namin nailigtas. Agad agad akong tumakbo palabas ng emergency room, kahit na puro dugo pa ako. pumunta ako sa may pinaka malapit na CR, Para mag hugas. at para tawagan na rin si Doctor Reyes, finally, he answered me that time! Pero huli na lahat. Sinabi ko kay Doc lahat ng nangyari. Kaya agad syang pumunta sa hospital" sabi ni Maria.
"Then? Related ba ung panaginip mo kanina sa nangyari nayan sayo?" tanong ko.
"Oo Jimin, hanggang ngayon. Hindi pa rin nila ko pinapatahimik. Ako pa rin ang sinisisi nila sa pag kawala nila. Hindi ko na pinag patuloy ung pag aaral ko, dahil sa nangyari, natatakot ako na baka masundan pa un ng napaka raming beses. At parang natakot na din ako pumasok sa kahit na anong hospital. Pansin nyo naman siguro? Nung mga nahohospital si Sab, hindi ako masyadong sumasama sainyo." sagot nya
"Wag mo sisihin sarili mo" sabi ko sakanya.
"Wala namang iba pang dapat sisihin kundi ako lang e. Kasi nag magaling ako dun, kahit na alam ko sa sarili kong wala naman talaga kong alam don" sabi nya..
"Ssshhhh" sabi ko sakanya. Dahil mukha iiyak na naman sya.