U#66

37 2 0
                                    

[Authors NOTE]
Ang mga susunod na salita ay pwedeng mag sanhi na iyong kalungkutan o depresyon. Kung mahina ang iyong puso, basahin mo nalang ang susunod na kabanata. Salamat! :>

(please play the multimedia above👆) lubos lubusin na natin ung sakit :)

V's POV

Andito na kami sa company, at pinass na namin ung first song na nagawa ni Jimin.

"What's next?" tanong ni Pdnim.
"V? Any suggestions?? Tanong ni Namjoon hyung. Pero tulala pa rin ako. Gusto kong sumagot. Pero ayaw gumalaw ng sistema ko.

Naramdaman kong siniko ako ni Jimin.
"Ah? i dont have any suggestions hyung. Sorry" sagot ko.
"Jk? How about u?" tanong ni Pdnim.
Narinig kong nag salita si Jk, pero wala ung sistema kong pakinggan sya. Dahil pagod na kong pakinggan sya.

Nakatulala pa rin ako. At kaharap ko si Suga hyung. Feeling ko kanina pa nya ko inoobserbahan.

Hindi ko naman namamalayan na tumutulo na pala ung luha ko.

Nakita kong nanlaki ung mata ni Suga hyung nung nakita nya ung luha kong bumaba mula sa mga mata ko.
"Jimin!" sigaw nya kay Jimin at ngumuso sakin.

Kaya inakbayan ako ni Jimin, at dinukdok sa dibdib nya.

Napahinto naman sila sa discussion nila, Dahil sakin.

"A-are u okay?" tanong ni Pdnim sakin.
"Yes he is Pdnim, he's just tired" sabi ni Jimin.
"Are u sure? He is sick??" tanong ulit ni Pdnim.
Alam kong lahat ng atensyon nila ay na saakin.
"I think he needs to go home pdnim" sabi ni Jk.
"Sorry, but we need to finish this discussion with all of you. The complete 7 of you" sabi ni Pdnim
Kaya pinunasan ko na ung luha ko.
"I'm okay Pdnim, there's just something bothering me" sagot ko. At pinag patuloy na nila ung discussion nila. Pero wala talaga pumasok sa utak ko.


It's been almost 4 years ng maging kami ni Jk, ung talagang masaya kami. Ung talagang kaming dalawa lang. Pero dumating ung araw na nag bago ang lahat. Kahit na sabihin nya na mahal nya ko. Ramdam kong may mahal na din syang iba. Napaka sakit para sakin! Oo, napaka dami kong bagay na hindi kayang ibigay sakanya. Pero it's not enough to make cheat on me. I can accept pa nga if he leaves me, pero hindi e. He cheats on me! Gusto ko mang magalit sakanya. Pero wala akong karapatan, dahil alam kong madami akong pag kukulang sakanya, kaya nya nagawang mag loko. December 13, nag bago ang lahat saamin. Hindi ko alam pero bigla nalang syang naging cold, we talk, pero hindi na tulad ng dati. One time, lumabas kami, Gusto ko syang tanungin kung bat sya nag iba? pero I don't have so much courage to ask him that, kasi natatakot akong makarinig ng kasinungalingan mula sakanya. Alam nya naman na ginagawa ko lahat para sakanya, pero parang hindi enough un. Hanggang sa malaman ko na meron syang karelasyon na babae, pero hindi ko ung pinansin dahil alam kong gusto lang nila kaming sirain. One time nag paalam syang lalabas. Sinundan ko sya at totoo nga, meron na nga syang iba, may girlfriend pala sya. May iba pala sya. Nakita nya ko sa labas ng resto at sinundan nya ko.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ko ung mga nangyari nun

"V! Wait!" sigaw nya sakin non
Pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad, habang umiiyak. Umuulan pa non.
Hindi ko namukhaan ung babae, dahil may luha na ung mata ko

Pero nahabol nya ko.
"Let me explain" sabi nya.
"Explain!? Ano pa ba dapat na ipaliwanag ha!? Nakita ko na lahat. Okay na ko. No need for explanations. Okay ako" sabi ko.
"So? Kaya ka pala nag iba, kasi may iba kana!?" sabi ko.
"HINDI BA KO SAPAT SAYO!?" Tanong ko
"Sorry, I used other people, to test my love and loyalty to you" sabi nya.
"HA!? Gago kaba!?" sigaw ko sakanya.
"Sorry, alam kong mali ako sa part na yon." sabi nya.
"Oo! Maling mali ka! Ang tagal na ng relasyon natin, tapos ngayon kapa gaganyan!?" sabi ko.
"Un nga e, nan lalamig na ko. Kaya I tried to flirt with other girls. Para mapatagal relasyon natin" sabi nya.
"Flirt? Girls??? So ibig sabihin? Madami na?" tanong ko.
"Jk naman! Ganon ba kahirap ipagtapat sakin na sawa kana!? Pwede mo naman aminin sakin un e. Papalayain naman kita e! Hindi mo na kailangang gumanito!" sabi ko sakanya.
"Sorry, akala ko kaya kong isalba ung relasyon natin, sa pamamagitan ng pag hanap ko ng iba." sagot nya.
"Ilang beses na may nangyari sainyo?" tanong ko.
"V, sorry" sabi nya.
"Umamin ka!" sigaw ko sakanya.
"Dapat una palang sinabi mo na ayaw mo na! Hahayaan naman kita e. Hindi ko na ipag pipilitan ung sarili ko sayo. Lalo na't alam kong hindi mo na ko mahal, kaya naging ganyan kana sakin. Sana hindi kana gumamit ng ibang tao o babae para lang sumaya." sabi ko.
"Itigil na natin to! Pareho lang natin sinasaktan sarili natin. Wala na tayong magandang patutunguhan" sabi ko habang umiiyak
"Hindi ko intensyon na saktan ka." sabi nya
"Huli na! ANG SAKIT SAKIT NA! Hindi ko na kayang mag tiis sayo. Lalo na't dalawang mata ko pa mismo ang nakakitang may iba kana"
"Sorry talaga" sabi nya. Pero hindi ko randam ung sincerity.
Tumakbo na ko palayo sakanya.
"V!" sigaw nya. Pero di na nya ko sinundan.
Hindi ko alam kung san ako pupunta that time, wala din akong pakielam kahit san ako makarating, hangga't kaya ng mga paa ko, lalakad ako.

"Okay, that's all for now" rinig kong sabi ni Pdnim. Kaya natapos na ung flashback ko.

"Hoy V, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Suga hyung, dahil tulala pa rin ako hanggang elevator.
"Oo nga babe? Okay ka lang ba? May nangyari ba?" tanong sakin ni Jk.
"Wala pagod lang ako." sabi ko.
"Pagod ng masaktan at mag mukhang tanga" bulong ko.
"Ha?" tanong ni Jhope hyung
"Wala" sabi ko
"Arcade tayo bukas" aya ni Namjoon hyung.
"Sama ko hyung" sabi ni Jk.
"Hindi, kami lang ni V, Jhope, Suga hyung, at Lucia" sabi ni Namjoon hyung
"Ayyy" sabi ni Jk, halatang nalungkot sya. Dahil favorite talaga namin mag arcade noon. Ipapasara namin ung buong mall tsaka kami mag bobonding.
"V, bukas ha. 10:00" sabi ni Namjoon hyung. At bumukas na ung elevator.

Pauwi na kami. 12:00 na din pala.
At halos lahat tulog sila dito.
Si Jk ung nag dadrive. Andito ko sa tabi nya.
Kinuha nya ung kamay ko at hinalikan nya un.
"Babe" sabi nya.
Kaya napatingin ako sakanya.
"I know sorry is not enough. But I love you so much" sabi nya sakin
Ngumiti lang ako sakanya.

Mga ilang minuto pa. Nakarating na kami sa safe house.

Pumasok na kami sa kanya kanya namin kwarto. Dahil drain silang lahat. Malibam sakin, dumiretso na ko sa higaan namin ni Jk, hindi na ko nag bihis at naligo, dahil hindi naman kami nag pawis.

Pero si Jk, naligo pa sya. Andun sya sa Cr.

Kinuha ko na muna ung phone ko at earphones ko.

I played a songs, shuffle songs in my spotify. I want some OPM. Nakakamiss ung Pinoy songs e.

So, I go to the I belong to the zoo folder, parang mga wild ung mga songs nito ah, pang party, dahil sa name ng band

I played "SANA"

I put my earphones to my ears. And enjoyed the song.

Pe-pero, ba-bat ganito ung message ng song? A-ayoko ng ganito. Gusto ko ng ilipat ung kanta pero hindi ko magawa. Dahil na attach na ko sa kanta. At gusto kong tapusin. At nakakarelate ako.

Aigoooo! Naiiyak na naman ako.

nilakasan ko ung volume, at parang wala akong pakielam kahit sino pa makakitang umiiyak ako

Parang nag faflashback na naman lahat ng sakit sakin.

Sa totoo lang, ayoko naman na talaga alalahanin lahat ng sakit na naramdaman ko noon kay Jk. Pero hindi ko alam.

Kahit na nag loko sya, I gave him a second chance. At bumalik kami sa dati na parang walang nangyari.

Noong una, I tried to flirt with Maria, pero hindi ko pala kaya, kahit na gustuhin ko, nahihirapan ako. Tsaka ayoko din gumamit ng ibang tao, dahil alam ko ung pakiramdam ng nasasaktan.

Kinakalabit ako ni Jk.
"Babe? Okay ka lang?" tanong nya.
Humarap ako sakanya. Naka towel lang sya sa baba. Syempre kita ko chest at abs nya
"Oum" sabi ko sabay punas ng luha ko.

Nag suot lang sya ng boxers at tumabi na sakin

Niyakap nya ko. At nakatulog na kami.

SHELTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon