Third person's POV
Unang nagising ng kinaumagahan si Jin. Mabuti nalang at nakapag ligpit si Namjoon at Jhope. Dahil kung hindi, paniguradong bubungangaan na naman sila ni Jin.
May tumawag sa phone ni Jin. At agad naman nyang sinagot yon.
"Hello, good morning manager nim" sabi ni Jin. At nakinig na sya sa mga sinasabi ni manager nim nila.
"Okay manager nim, 8:00 pm sharp tonight. I'll tell them about this. Annyeong" sabi ni Jin at binaba na nya ung phone call.
Itong mga nakaraang araw parang lumayo ung loob ni Jin sakanilang lahat, si Jin kasi ung tao na, hindi nag papadalos dalos ng desisyon, sa kahit na anong sitwasyon. Sya ang pinaka matanda, kaya dapat talaga ay, taglay nya un.Lumabas na si Suga ng kwarto. Naiwan nya si Lucia dun na nag hihilik pa.
"Oh aga mo ata?" tanong ni Jin sakanya.
"Oo hyung, kailangan ko ayusin kanta ni Jimin e" sagot ni Suga sakanya
"Kape or tea?" alok ni Jin.
"Di na muna hyung. Andun lang ako sa bakanteng kwarto sa taas pag hinanap ako ni Lucia ah" sabi ni Suga. At tumango lang si Jin.Umakyat na si Suga.
Sanay na sila sa ganitong gawain ni Suga lalo na't alam nilang gagawa or mag aayos ito ng kanta. Dahil simula palang ganito na talaga ugali nato. May mga panahon pa ngang umaabot ng 2-3 araw na hindi lumalabas ng kwarto si Suga para lang makagawa ng kanta. Pero ang pinaka malala talaga, ung umabot sya ng 1 week mahigit na nag kulong sa kwarto para lang sa debut song nila.
Nakasalubong naman ni Suga si Namjoon na palabas na ng kwarto.
Nakita ni Namjoon, bitbit bitbit ni Suga ung mga editing tools at laptop nya, pati ung papel na hawak ni Jimin kahapon.
"Oh hyung? Need help?" tanong ni Namjoon dito. Dahil parang nakapikit pa si Suga.
"Hindi na. Kaya ko na to. Isa lang naman to" Sagot ni Suga.
"Baka naman mag kulong ka na naman ng ilang araw dahil dyan? Be health conscious hyung. I know we need to get ready for our comeback, but your health is the most important!" sabi ni Namjoon.
"Ano kaba? Oa naman. Lalapatan ko nalang naman ng tono to. Tsaka mamaya. Papatawag ko kayo isa isa. Para makanta nyo ung parts nyo. Para matapos na natin tong ginawa ni Jimin" sabi ni Suga.
"Sige hyung. Tyt" sagot ni Namjoon at umalis na si Suga.Bumaba na si Namjoon. Nakita nyang andun na si Sab at Jin.
"Oh ayan! Tomato shake! Napaka punyeta mo talaga Sabrina! Uminom ka ng alak alam mong buntis ka!" panenermon ni Jin.
"Alam mo? Kung kasing demonyo lang ako ni Lyn? Baka kinalbo na kitang puta ka!" Galit na galit si Jin. Gusto ng saktan si Sab. Pero parang wala namang paki sa Sab, dahil sanay na sya sa panenermon nito."Isn't too early for that hyung?" sabi ni Namjoon habang pababa, at nakangiti.
"Walang maaga o gabi sa panenermon namjoon! Lalo na't kung ganito ka pasaway!" sabi ni Jin hyung.
"Alam mo Jin? Hindi ko alam kung nanay or tatay kita" pag bibiro ni Sab. Inirapan lang sya ni Jin
"Enough na Jin, baka atakihin ka sa puso sa kunsume kay Sab" sabi ni Lucia na habang sinasara pintuan nila.
"Hanggang dun kaya sa loob ng kwarto namin rinig ung panenermon mo" sabi ulit ni Lucia.
"Hmm! Kung hindi lang kasi pasaway tong si Sab. De hindi ko sana sya nasermunan" sabi ni Jin."Nga pala hyung, can u make a Ginger brew for the seven of us?" sabi ni Namjoon.
"Para san? Bakit??" tanong ni Jin.
"Suga hyung is currently composing or editing Jimin's produced song, later on, ipapatawag daw nya tayo, for our individual parts" sabi ni Namjoon.
"San si Suga?" tanong ni Lucia.
"Nasa taas" sagot ni Jin.
Akma na sana aakyat si Lucia. Pero!
"Ah Lucia? Sorry, but. Suga hyung doesn't want to get bother, when he's composing or editing" sabi ni Namjoon.
"Ay ganun ba? Keri lang" sagot ni Lucia. At ngumiti