(>Author's NOTE:
A bit background about Miss A. I'm giving some clues in my previous updates. You all better watch out!☺)Simula ng mag bukas ang Sta. Filomina, ako ang naging guidance counselor, natunghayan ko ang pag lago nito, mula sa pinaka mababa hanggang sa naging isa sa pinaka kilalang eskwelahan.
Hindi biro ang mag patakbo nito, halos buwan buwan, nag kaka problema. Pero, kinakaya namin, dahil may mission kami.
Ang mga magulang ni Lucia na sina Victore at Tina, ay nag simulang mag kalabuan, dahil sa pag bubuntis ni Tina kay Lucia. Gusto lang kasi Tina na isa lang ang anak nila. At yun ay si Lyn lang. Pumunta si Victore sa office ko, upang ikwento ang lahat. Hindi ko inaasahang, gustong ipalaglag ni Tina si Lucia na ipinag bubuntis nya. Sinabi sakin yon ni Victore, dahil matagal ko ng kaibigan si Tina, at gusto nyang kausapin ko ito, tungkol dito.
Kinagabihan nayon, pumunta ako sa bahay nila Tina.
Mukhang aligaga lahat ng maids nila.
Tinanong ko si aling Vicky, ung mayordoma sa bahay nila
"Aling Vicky? Ano ho ang nangyayari? Nasaan ho si Tina?" tanong ko sakanya
"Ma'am, yun nga po, andun po si mam Tina sa kwarto nya simula kaninang umaga, hindi ho nalabas, kanina pa din umiiyak si Lyn, sa labas ng kwarto nila mam" sagot sakin ni Aling VickyBinuksan ko agad ang pintuan. Nakita ko si Tina na walang buhay, at nakahandusay sa lapag. Agad agad akong nag patawag ng ambulance, at tinawag ko din agad si Victore.
Sumama ako sa hospital, naiwanan si Lyn, sa yaya nya.
Nababaliw na ata talaga si Tina. Hindi ko talaga maintindihan sya maintindihan, kung bat sya nag kakaganyan.
Nakarating kami ng mabilis sa hospital, at ang sabi ng doctor, maswerte daw ang ipinag bubuntis ni Tina, dahil makapit ito sa kanyang bahay bata, kaya hindi nalaglag.
Mga ilang buwan pa ang nakalipas.
Nanganak na si Tina, at malayo talaga ang loob nya kay Lucia. Bukal sa loob ko na ako na ang mag papalaki kay Lucia, dahil hindi naman na sila iba sakin.
Pumasok na sa eskwela sila Maria, Sabrina at Lucia. Anak ko sina Maria at Sab at si Victore ang ama. Mas matanda ng dalawang taon si Maria kay Sabrina.
Wala kaming itinatagong relasyon ni Victore, gusto ko lang talaga mag kaanak. At kahit kelan, hindi ako nag habol sakanya.
Sobra ng sumisikat ang Sta. Filomina nung mga oras na nag aral na sila Maria.
Nag patawag ng meeting si Tina.
Labis akong nabigla sakanyang mga sinasabi.
Taon taon pala silang pumapatay ng sampong estudyante, upang gawing alay sa Sta. Filomina.
For almost 7 years na pala nila ginagawa yun.
Pero ni isang magulang, walang lumalapit sakin para mag complain. Dahil binibigyan nila ng malaking halaga ng pera ang mga ito, kapalit ng pananahimik nila. At kapalit ng magandang reputasyon ng Sta. Filomina.
Nalalapit na naman ang buwan ng pag aalay. At may nakursunadahan agad silang mga estudyanteng pang alay.
Labis kong ikinabigla ng banggitin ni Tina ang mga pangalan. Sina:
Namjoon
Jin
Yoongi
Hoseok
Jimin
Taehyung
Jungkook
Sabrina
Maria
At
Lucia.Hindi ako makapaniwala, dahil pati ang sarili nyang anak gusto nyang patayin, para sa negosyo nya.
Pagkatapos ng meeting, agad akong umuwi.Laking pasalamat ko at andun ung tatlong maria ko.
May plano na ko.
Tinawag ko si Lucia at kinausap sa kwarto nya."Anak, Lucia. Kilala mo si tita Tina mo diba?" tanong ko kay Lucia.
"Opo mommy" sagot nya. Habang yakap yakap ung paboritong teddy bear nya.
"Anak, sya yung totoong nanay mo" sabi ko.
Pero wala syang imik. At binitawan ang laruan nyang hawak. At niyakap ako.
"ikaw ung totoong mommy ko. Wala na kong ibang mommy" sabi nya sakin.
Naiyak nalang din ako dahil sa sinabi nya.
"Anak, kailangan nyong mag hiwa hiwalay nila Maria at Sabrina. Dahil nanganganib kayo" sabi ko sakanya.
"Ipa-ampon mo nalang ako sa iba mommy, wag lang kay tita Tina" sabi nya sakin. Bakas sa mga mata nya ung takot at alinlangan.
"Sige anak, ayusin mo na lahat ng gamit mo" sabi ko sakanya. At tumakbo na sya sa kwarto nya.
Kinausap ko na rin si Sabrina at Maria
At mukhang naintindihan din nila ung sitwasyon na ipinaliwanag ko.
Nag aayos na sila ng damit nila.
Kaya tinawagan ko na ang mga magulang ng pitong madadamay pa.
Umuulan nung gabing yun. Walang humpay na kulog at kidlat ang nangyayari.Hindi talaga ko sang ayon sa balak ni Tina. Kung alam ko lang na ganon pala ginagawa nya nung una palang. Marami sana akong nailigtas na bata.
Dumating na si Victore.
At sinundo na ung tatlong bata. Sya na ang bahala sa mga lugar at taong pag iiwanan nya sa tatlo.Tatlong magulang palang ang natatawagan at nawawarningan ko.
Kaya pinag patuloy ko ang pag tawag.
Saktong alas dose ng gabi. Natawagan ko na lahat ng magulang nila.
At tumila na rin ang ulan.Naka idlip na ko sa sala. Pero sinikap kong magising, dahil may masama akong pakiramdam na nakahalata si Tina sakin at may binabalak syang hindi maganda.
Nag impake na rin ako. Ang sabi ni Victore. Babalikan nya raw ako.
Pero hindi ko na sya mahihintay, dahil nakakarinig na ako ng kaluskos mula sa labas.
Agad agad akong tumakbo palabas ng bahay.
Palabas na sana ko ng gate ng biglang may humatak sa buhok ko.
Si Tina pala
"Akala mo ba? Hindi ko alam ang pagiging kabit mo ng asawa ko?" sabi nya sakin.
"Bitawan mo ko Tina!" sigaw ko.
"Oh Common Alice! Wag kanang mag panggap na walang alam! Nakadalawang anak ka na nga sa asawa ko e" sagot nya.
Siniko ko ang tiyan nya. Dahilan para mabitawan nya ko
Agad akong tumakbo palabas sa kalsada.
At isang kotse ang bumangga sakin, dahil para mawalan ako ng malay.