The last(?)

32 0 0
                                    

Jk's POV

Nagising na ko nung ginising ako ni V, pero di ako nag pahalata, kasi gusto ko munang mag isip.

Bumangon ako nung narinig kong nag sara na sya ng pintuan. Hindi pa rin ako nakakabawi ng lakas sa nangyari kanina. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ko sila Sab at mga anak namin.

Lumabas na ko ng kwarto, at nadatnan kong kumakain na sila.

"Jk, andun ung costumes, pili kana don" sabi ni Lucia sakin, habang naka kandong kay Suga hyung.
Feeling nya naman may forever.
"Baby, kain na" sabi ni V sakin.
At inabot nya ung isang plato sakin na puno ng noodles at kung ano ano pang gulay at karne, sa sala na ako kumain. Sumunod din si V sakin.

"Okay ka lang?" tanong nya sakin.
"Oo" maikling sagot ko.
"Dalian nyong kumain, gagayak pa tayo" sabi ni Lucia.

Sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko. Natatakot ako, baka may magyaring hindi maganda kila Sab at sa mga baby.

Naunang natapos kumain si Jimin. Kaya naligo na sya.

Jimin's POV

Natatakot ako, pero kailangan ko maging matatag para mailigtas sila. Lalo na si Maria.

Matagal ko ng gustong mag tapat kay Maria. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam. Pero parang kinakabahan ako. Kasi natatakot ako mag reject nya. Kasi alam ko at malakas ang kutob ko na, ayaw nya munang magkaroon ng boyfriend. Pero wala na ko pakielam sa mga yan mamaya. Basta pag nailigtas namin sila, aamin na agad ako. Ayokong maunahan pa ko ng kung sino man sakanya. Basta alam ko, mahal ko na sya.

May kumakatok.

Kaya binuksan ko na muna. Paligo na sana ko, nakahubad na ko, boxer nalang suot ko. Kaya medyo nakabakat ung alaga ko.

"Oh Lucia?" sabi ko. Nagulat ako, kung bakit sya andito.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Jimin, alam kong may pagtingin ka kay Maria, kaya sabihin mo na sakanya, bago pa mahuli ang lahat" sabi nya sakin. Nagulat naman ako. At lumayas na sya.
Weird talaga nun.

Kaya naman naligo na ko, di ko pa alam susuotin kong costume. Pero sana naman matino. Para mag mukha akong sincere kay Maria.

Nakatapos na ko maligo.
At andun na yung susuotin ko.
Bat maka tuxedo na naman ako???
Pero sige. Okay na rin to.

Lucia's POV

Di ako naligo sa CR sa kwarto namin ni Suga. Baka may iba pang mangyari pag pumasok ako at andun si Suga. We're on the rush. Kaya need namin i set aside tong kalibugang nararamdaman namin sa isa't isa.

Nilagay ko na sa kada kwarto ang mga susuotin nila.

Di ko din gets kung bat kailangan namin mag costume.

Pero basta. Kung ano man ang mangyayari mamaya. Haharapin namin yon.

Maria's POV

Ang lalim ng pag kakatulog ko dahil sa pag kakabambo ng vase ni Lyn sa ulo ko. Hayop na babae na yan!

"Mariaaa" ingit ni Sab.
Nakita kong nakahawak sya sa tiyan nya at mukhang sumasakit yon. Kaya agad ko syang nilapitan.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ko.
"manganganak na ata ako" sabi nya.
Tangina! Hindi ko alam gagawin ko!
"Ano ba sabi ng doctor mo?" tanong ko kay Sab. Natataranta na ko.
"Normal daw panganganak ko." sagot nya sakin. At medyo naiiyak na sya.
"HUMIHILAB NA TIYAN KO! TULUNGAN MO KO!" Sigaw ni Sab sakin. Hindi ko alam kung san nang galing ung boses nya na yon. Pero ramdam ko ung sakit.
"I-ito na." sagot ko kay Sab na medyo nanginginig.

Natrauma na talaga ko. Pero baka mas lalo nilang ikasama kung hindi ko susubukan.
Kailangan ko silang mailigtas.

Pinahiga ko na muna si Sab.
Kumalma na muna ako. Dahil mahirap kumilos pag nag papanic.
"Kumalma ka Sab" sabi ko sakanya. At sinunod nya naman ako
"Inhale------ exhaleeeee---" utos ko. At ginawa nya naman un
"MARIAAAAAA!!! HINDI KO NA TALAGA KAYA! LALABAS NA SILA!!!" sigaw ulit sakin ni Sab. Kaya nag papanic na naman ako.

SHELTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon