Sab's POV
Napaka emotero naman ni Jk, walk out walk out pa. Buti nga't di sya sinundan ni V. Abay nawiwili naman sya.
"Sab? Diba bukas ung final check up mo?" tanong ni Namjoon, habang kumakain kami.
"Yes" sagot ko.
"Sama ko hyung, pahatid nalang din muna ko kila eomma. Dun muna ko for 1 week." sabi ni V kaya nabigla kaming lahat.
"Di-diba? Akala ko ba okay na kayo ni Jk?" sabi ko.
"Akala ko din" sagot ni V.
"Anong gagawin mo sainyo?" tanong ni Suga kay V.
"Hihinga muna ko hyung, medyo nagiging toxic na yung hangin dito e" Sagot ni V na lalo naming ikinabigla.
"E osige, sumabay kana samin ni Sab. Ako na ulit sasama kay Sab bukas" Sabi ni Namjoon.
"Bukas na din malalaman ung genders nila" sabi ko.
"Gusto kong ikaw unang makaalam V" sabi ko ulit. Kaya napangiti si V.
"Sana maging kasing gwapo or ganda mo sila pag labas nila" dagdag ko pa.
"Hala, si V ba ama nyan?" sabi ni Jhope.
Kaya inirapan ko sya.Gumaan ung loob ko kay V these days. Idk why? Siguro? Dahil pareho lang kaming biktima ng pag mamahal?
Nakatapos na kaming kumain.
"Sab, wag kana mag ligpit, kami na dito. Mag pahinga kana. May check up kapa bukas" sabi ni Lucia.
Kaya sinunod ko na sya. Baka mapagalitan pa nila ko ni Maria e.Pumunta na ko sa kwarto ko. at nag palit ng damit.
hindi ko maabot ung zipper ng dress ko sa likod. aigoooo T.T
may kumakatok.
"Bukas yan" sigaw ko mula sa loob
Si V. at mukhang pinag sakluban ng langit at lupa.
"Oh? bat ka andito" tanong ko sakanya.
"Masama ba? lalabas na ba ko?" sabi nya.
"Ay hinde. nag tataka lang ako. lika tuloy ka. sara mo pinto" aya ko sakanya. at sinunod nya naman ako
"Okay ka lang?" tanong ko sakanya.
"Hindi" sagot nya sakin.
"Kwento ka" sabi ko.
"Di ko alam kung ano ikekwento ko" sagot nya
"Nasayo na diba" sabi ko.
"Oo, nasakin na" sagot nya.
"Ano pang ganap mo?" tanong ko
"Masaya ko kasi ako pinili nya. pero may iba pa rin akong nararamdaman e" sagot nya
"Ha?" tanong ko sakanya habang inaabot ko yung zipper sa likod ng dress ko.
"Kanina kapa nahihirapan dyan. lika tulungan kita" sabi nya
Kaya tumayo na si V, at tinulungan akong mag unzipp ng dress ko.nagulat naman kami ng biglang bumukas ung pintuan ko.
si-si J-jk?!
"Ginagantihan mo ba talaga ko!? Osige! Gusto mo yan? Maglokohan nalang tayo" Sabi ni Jk ng galit na tono at umalis
kaya hindi na nakapag paliwanag si V.
"Labas na muna ko Sab" pag papaalam ni V sakin.
"Ah osige, salamat V" Sabi ko.
"Pahinga kana. gabi na" sabi pa nya bago isarado yung pintuan ko.Lucia's POV
Nagising ako, at 10:30pm pa lang, hindi ko alam kung bakit. Kaya lumabas na muna ko.
may nakita kong lalaking nakatayo sa may garden.
Ano na naman ba to? Kababalaghan na naman? huhuhu
Pero kahit na takot ako, pinuntahan ko pa rin yun.
Hay nako Lucia! Mapapahamak ka na naman sa pag mamaganda mo!
Pero si V pala yun, infairness. GWAPO nya. Lagi naman.
"Oh Gabi na ah? Bat andito kapa?" sabi ko sakanya.
"May iniisip lang" sagot nya
"Ano naman yun? Care to share?" sabi ko
"Alam mo yun? Ang sakit mapag bintangan sa bagay na hindi mo naman ginawa" sabi nya.
"Oo, alam ko yon" sagot ko
"Napaisip ako, na what if, gawin ko nalang yung binibintang nya? Para mas okay? Kasi ganon na tingin nya sakin e." sabi ni V na ikinabigla ko.
"Pero kahit na anong gawin at isip ko, hindi ko magagawang lokohin sya, dahil mahal na mahal ko sya" dagdag pa ni V
narinig ko din kasi ung ganap kanina sa kwarto ni Sab.
"V, Wag mong isipin yung ganyan, wag ka mag paapekto sa bintang nya, dahil alam mo sa sarili mo na mali yung sinasabi nya. Dahil mas kilala mo yung sarili mo sa kahit na sino man" Sabi ko sakanya. at mukhang naiyak na naman sya. Hayyss
"Pumasok na tayo sa loob, pagod lang yan. Tumabi kana kay Jk matulog, kung di ka nya papansinin, hayaan mo lang sya" sabi ko sakanya habang papasok na kami.
Hinatid ko na sya sa pintuan ng kwarto nila.
Nagulat naman ako ng bigla nya kong yakapin.
"Salamat" bulong nya sakin
"Osige, pumasok kana. Baka hinahanap na ko ng hyung mo" sabi ko at pumasok na sya.Jimin's POV
Lumabas ako ng kwarto, may sasabihin kasi ko kay Maria.
Nagulat naman ako ng nakabukas yung pintuan nya.
may kausap sya sa phone.
"Xandra! Tamana, hindi ko na kaya to. Masyado na kong napapalapit at napapamahal sakanila, nakukunsensya na ko. Itigil na natin to" Sabi ni Maria.
Xa-xandra? Ung ex ni Suga hyung na maganda at maputi, pero ang ugali at budhi e kasing itim at kasing pangit ng singit nya.
Pe-pero? Bakit? Pano? Anong koneksyon ni Maria at Xandra? Ano yung pinag uusapan nila?