Third person's POV
"Bat parang pumutla si Sab?" sabi ni V.
"Kailangan daw syang salinan ng dugo" sabi ni Jk.
"Ano ba blood type mo?" tanong ni V kay Sab.
"AB negative" sabi ni Sab.
"Sab has unique type of blood" sabi ni Namjoon.
"Walang blood type na AB negative sating pito" dagdag pa ni Namjoon.
"Si Maria? At Lucia?" sabi ni V.Tinawagan ni Namjoon si Jin. Para papuntahin si Maria at Lucia dito.
"Hyung! Pwede bang papuntahin nyo si Lucia at Maria dito sa hospital?" sabi ni Namjoon.
"Ano!? Nasisiraan ka na ba Namjoon? Gusto mong sa hospital mag patayan ung dalawa na un?" sabi ni Jin.
"Kailangan namin sila dito hyung!" sabi ni Namjoon.
"Sige sige. Sasabihan ko sila." sabi ni Jin at binaba na nya ung phone nya.Jin's POV
Punyeta naman! Alas 10 na ng gabi! Tsaka sya tatawag ng ganon! Tapos si Maria at Lucia pa kailangan nya! Nalintikan na talaga! Bahala na sila!
Lumabas na ko ng kwarto ko. Ang dilim dito sa labas.
Andito na ko sa kwarto nila Suga.
Huminga muna ko ng malalim. Dahil pag kumatok ako. Panigurado pati si Suga magigising.
"Aaaahhh~ love. Wag mo masyadong diinan. Soft lang. Masakit e." ungol ni Lucia.
"Love, ang sarap~ isa pa" sabi ulit ni Lucia.
Kaya agad agad kong binuksan ung pintuan ng kwarto nila. Wala na kong pakielam kung ano man makita ko!Laking gulat ko nung ............
Makita kong .......
Minamasahe ni Suga ung balakang ni Lucia.
"Oh hyung?" sabi ni Suga. At mukhang biglang bigla silang dalawa.
Tangina nitong si Lucia kung mga ungol. Kala mong inaano e.
"Tumawag si Namjoon! Kailangan daw pumunta ni Lucia at Maria sa hospital.
"A-ANO!?" Tanong sakin ni Suga at tumayo ito.
"Sasamahan ko sya" sabi nya.
"Okay bahala ka" sagot ko sakanya.
At umalis na ko sa kwarto nila.
Gago talaga ung dalawa na un.Papunta na ko sa kwarto ni Maria.
Andito na ko sa pinto.
Kumatok ako ng dalawang beses.
"Mariaaa" tawag ko sakanya.
"Saglit!!" sagot nya.Mga ilang segundo pa ko nag hintay at binuksan na nya ung pintuan nya.
"Anong kailangan mo?" tanong nya sakin.
"Pinapapunta kayo ni Namjoon sa hospital" sabi ko skaanya.
"Kayo?" tanong nya.
"Oo, kayo ni Lucia" sagot ko sakanya. At pinag bagsakan nya naman ako ng pinto.Aba punyeta! Bahala nga sila.
Nakita ko naman na palabas na ng kwarto si Suga at Lucia.
"Sama ka?" tanong sakin ni Lucia.
"Hindi na, dito nalang ako sa bahay" sagot ko sakanya
"Asan na si Maria?" tanong nya sakin
"Asa kwarto pa nya. Dko alam kung pupunta un. Dahil pinag bagsakan nya ako ng pinto kanina" sagot ko sakanya.
"Sige hyung, alis na kami" pag papaalam ni Suga sakin.
"Sige, ingat kayo" sabi ko sakanila. At umalis na sila.
Pupunta kaya si Maria oh ano? Bahala sya.Pumasok na ko sa kwarto ko.
Sab's POV
Nagising na naman ako dito sa hallway ng hospital.
Pero this time, puro manika ung andito. cursed dolls. Natatakot ako.Dahan dahan akong nag lalakad.
Hindi ko alam kung san ako pupunta. Puro dugo ung baba ko.(A/n LOWER BODY Not ❌ chin)
Kanina pa ko umiiyak, dahil hindi ko talaga alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko."Namjoonnn!" sigaw ko. Andito na ko sa psychiatric ward ng hospital. Walang tao dito. Nag papatay sindi din ung mga ilaw.
"Jk!"sigaw ko ng buong lakas. Dahil nang hihina na talaga ko.
Bigla naman akong nakarinig ng weird na tawa mula sa likod ko. Ung tawa ng mangkukulam na parang baliw. At nakakarinig din ako ng parang tulak tulak na wheelchair. Biglang bumilis ung tibok ng puso ko. Dahil pakiramdam ko. Nasa likuran ko lang sya.Gusto kong tumingin sa likuran ko. Pe-pero hindi ko kaya.
Pero pinilit kong tumingin sa likuran ko. Hindi nga nag kamali. Isang baliw na babae ung nasa likod ko. At may hawak hawak syang wheelchair, at kanina pa pala sya nakatingin sakin. At nakangiti ng parang ewan.
"Hihihihihi" rinig kong tawa nya ulit. At tumakbo sya papunta sakin, habang tulak tulak ung wheelchair. Nakakatakot ung mukha nya. Ung ang haba ng mukha nya, tas puro dugo ung hospital dress nya. At may nakasaksak na gunting sa ulo nya, dahilan para lumabas ung mga dugo don.
Tumakbo naman agad ako. Pero naabutan nya ko.
Nag patuloy ako sa pag takbo. At hanggang ngayon ay hinahabol nya pa rin ako.
Pagod na pagod at hinang hina na ako.
Napahinto naman ako, dahil may coffin na naman sa harapan ko. Konti nalang ay malapit na sakin ung baliw na un.
Paatras naman ako ng paatras ng makita ko tong coffin sa harapan ko.
Palapit ng palapit ung tawa at tunog ng tulak ng wheelchair sakin.
Maya maya pa ay.
Napaupo na ko sa wheelchair na tulak ng baliw na to. Pabilis ng pabilis ung tulak nya sakin.
Hanggang sa, makarating kami sa isa sa mga bintana na tong floor na to.
Mas palapit kami ng palapit don. Mas malakas ung pwersa ng pagtulak nya sakin.
Hanggang sa......
Hinulog nya ko sa bintanang yon.
Jk's POV
"SAAAABBBB!!!!" Sigaw ko kay Sab, dahil pangalawang beses na sya nag fa flatline!
"Sabrinaaa!! Gumising ka!!" sigaw ko ulit.
At nagising na sya. Hinahabol nya ung pag hinga nya. At sobrang pawis na pawis sya. At umiiyak na naman sya.Almost 1 hour palang syang nakakatulog. Pero parang napaka lalim ng pag tulog nya.
"Jk" sabi nya. Habang umiiyak.
"Bat ka umiiyak?" tarantang tanong ko sakanya.
"Kukunin talaga nila ung baby natin" sabi nya sakin at umiiyak pa din.
Kaya niyakap ko sya.
"Shhhhh, wag kanang umiyak. Everything will be fine" sabi ko sakanya. At yakap yakap ko pa din sya.Nasa labas kasi si V at Namjoon hyung, sinamahan nag pa test ng blood type si Maria at Lucia.
"Ayoko ng matulog or pumikit manlang. Natatakot na ko" sabi nya
"Ano ba kasi nangyari?" tanong ko sakanya.
"Nakita ko na naman ung coffin" sabi nya
"Shhh, tahan na" sabi ko sakanya.
"Baka isipin nila hyung pinaiiyak kita" sabi ko sakanya. At pinunasan ko na luha nya.May gusto talagang iparating ung napapaginipan ni Sab. Hindi namin pwedeng isawalang bahala lang yon. Buhay ang pinag uusapan.
"GUYS!" biglang pasok na sabi ni Namjoon hyung.
"Good news! Maria's blood type matches to Sab's blood type!" sabi ni Namjoon hyung, kasama ung malaki nyang ngiti."But Maria! Are you willing to donate your blood to Sab?" tanong ni Namjoon hyung.
Tumango lang si Maria.
"We need 5 bags of your blood" sabi ni Namjoon hyung.
"Osige na, tara na. Kunan nyo na ko at ng matapos na to!" sabi ni Maria