Jhope's POV
Nagising kaming lahat dahil sa katok ni Namjoon sa mga kwarto namin. Ngayon nga pala sya nag aaya sa arcade
"Oh?" tanong ni Jin hyung. Wala dito si V, Jk at Sab.
"Mamaya, Jimin, Jhope, Suga hyung, Lucia at Maria syempre pati ako, dadalhin natin si V sa arcade. Ikaw Jin hyung, maiiwan ka dito. Ang sasabihin natin kay V, kaya hindi kayo makakasama ni Jk is, kailangan pa kayo sa company, at si Sab naman ay masama ng pakiramdam"
"Nasabi mo na ba kay Sab yang balak mo?" tanong ni Jin hyung.
"Oo hyung, naitext ko na din si Jk kagabi. At nasabi ko na din kay V kagabi. All set na. Kailangan lang nating maaliw si V" sabi ni Namjoon.
"Tas uuwi si Somi mamaya" sabi ni Lucia.
"Ha? Pano mo nalaman?" tanong ni Jimin.
"Nag text sya e. May kailangan daw sya dito" sagot ni Lucia.
"Osige. Mag handa na lahat 9:00 na din pala. 10:00 am ang sabi ko kay V" sabi ni NamjoonBigla namang nag hikab ng paka lakas lakas si Jimin. Parang puyat na puyat, nangingitim din eyebags nya.
"Ayan kasi! Ang kulit mo. Sabi ko kasi mag pahinga ka nalang kanina e" rinig kong panenermon ni Maria sakanya.
"Mas mahalaga ung nasamahan kita at napakinggan kita. Okay lang ako. Masaya ko" sabi naman ni Jimin.Hay nakoooo! Nambobola na naman si pandak. Pero ano kaya ung sinabi ni Maria sakanya? Bat parang medyo lalo silang naging close sa isa't isa? Ramdam ko din na may special feeling si Jimin kay Maria. Kaya nag decide na ko na wag nang umamin kay Maria. Dahil ako ang matanda, at ako dapat ang mag paraya. Tsaka hindi pa din naman ako ganun kasigurado sa nararamadaman ko sakanya e. Alam kong mawawala pa to.
Kumatok na ko sa kwarto ni V at Jk.
Nakabukas naman pala yon. Haysss!
Tulog pa si Jk, si V nasa CR na ata.
Kaya lumabas na ko. Maliligo na rin ako.
Lucia's POV
Nagulat naman ako sa balak ni Namjoon, hindi agad kami nasabihan. Ang hirap kaya mag sinungaling. Lalo na kay V.
Pansin ko naman na medyo tahimik si Suga. Although tahimik naman talaga sya. Pero iba ngayon e. Parang ang lalim ng iniisip nya.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Oo. Iniisip ko lang si V. Kagabi pa kasi balisa un e. Tas naiyak sya kagabi" sagot sakin ni Suga.
Medyo nabigla naman ako sa sinabi nya. Kaya napahinto ako sa pag hahanap ng damit kong susuotin.
"Ha? Bakit? Ano ba pinag usapan nyo sa company kagabi?" tanong ko sakanya.
"About sa new concept. Wala namang nakakaiyak dun. Kaya nakakapag takang naiyak sya. Parang ang bigat ng dinadala nya e. Pero kung ano man yun? Sigurado akong si Jk un, at ung relasyon nila" sagot nya sakin.
"E baka nga?" sagot ko. At nag patuloy na ko sa pag hahanap ng isusuot namin ni Suga."Love? Mauna na kong maligo" sabi nya sakin.
"Sige, ako na mamimili ng isusuot mo" sabi ko.
"Sumabay kana kaya sakin maligo? Para maka less tayo ng bayarin sa tubig?" sabi nya na ikinabigla ko. Parang uto.
"Style mo bulok! Yaman yaman nyo! Tas pambayad ng tubig. WALA!?" Sagot ko sakanya. Kaya natawa sya at pumasok na sa loob ng CR. Oo, marupok ako. Pero di nya ko makukuha sa paganun ganon nya no.Maria's POV
Masaya ko dahil nakasundo ko na si Jimin. Hindi ko ineexpect na makakapag open ako kay Jimin ng ganon kadali. Ang gaan kasi ng loob ko sakanya, ewan ko ba. Tsaka mukhang mapapag katiwalaan naman ung pandak na un kahit na medyo ma-L minsan.
Buti nalang at nakauwi kami ng before 9:00. Siguro mga 8:30 kakadating lang din namin kasi nung kumatok si Namjoon. Buti nalang talaga. At baka kung ano pa isipin nung mga yun pag nag kataon. Pero mukhang narinig ni jhope ung pag uusap namin ni Jimin kanina. Pero keri lang.
Nag aayos na ko ngayon, ready to go na. Bigla namang may kumatok.
Kaya tumayo ako at binuksan un.