Sab's POV
Dumating na si Lucia.
"Bat ang baho mo?" tanong ko.
"Pano ung mga abnong lalaki na sumundo sakin, pinatulog ako, tapos tinapon ako sa imbakan ng basurahan"
"E-e sino daw may gawa sayo nyan?" tanong ni Maria
"Ung hayop na Xandra na yon" sagot ni Lucia.
"Pano mo nalaman?" tanong ko.
"E sabi nung gunggong na lalaki e tinawag nya ung kausap nya ng MAM XANDRA" sabi ni Lucia.
"Sige na, maligo kana" sabi ko.Nag ring naman cp ko.
Si Jin.
"Oh? Hello?" sabi ko.
"Andyan ba si Somi sa sala?" tanong nya.
"Wala naka kulong sa kwarto nya" sagot ko.
"Mag handa ka ng mainit ng tubig, bimpo, at alcohol" sabi ni Jin, at binaba na nya."Sino tumawag?" tanong ni Maria.
"Si Jin" sagot ko, at hinanda ko na ung utos sakin ni Jin. Ano kaya nangyari?Naihanda ko na lahat. Hindi ako mapakali. Kaya nag lakad ako ng pabalik balik lang.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ni Maria sakin.
"Hindi maganda ung kutob ko sa nangyari sakanila e" sagot ko.
"Napapraning ka na naman. Nasinghot mo ba brief ni Jk?" pag bibirong tanong nya sakin.
"Gaga, seryoso ko. Hindi talaga maganda pakiramdam ko" sagot ko.Maya maya pa, nakatapos na din maligo si Lucia. Kaya lumabas na ng kwarto nila ni Suga.
"Oh? Anyare sayo?" tanong nya sakin ng mapansin na balisa ako.
"Si-si Jin kasi, tumawag sakin --" napatigil naman ako ng biglang may bumusina galing sa labas.Sila na siguro un.
Agad agad binuksan ni Lucia ung pintuan.
Tumambad samin ang katawan ni Jk at Suga na buhat buhat nila. Puno ng dugo, sugat at pasa.
"Hyung, dun nalang sa kwarto namin ni Jk" sabi ni V.
At pinasok na nila don.
Kinuha naman ni Lucia ung tubig na maligamgam at bimpo, kinuha ko na din ung alcohol.
Inabot na namin ni Lucia lahat ng kailangan ni Jin.
"A-ano ba nangyari?" tanong ko.
"Hindi din naman alam" sagot ni Jimin.
"Asan si Maria?" tanong ni Jhope.
"Nasa kwarto nya" sagot ni Lucia.
"Teka teka. Naguguluhan ako" sabi ko.
"Kami din Sab, naguguluhan" sagot ni Namjoon sakin.Umalis naman si Lucia sa tabi ko, at tinulungan nya si Jin, sa pag lilinis kay Suga.
"Oh? Bat ka umiiyak dyan? Di pa patay yan gaga!" sabi ni Jin. Dahil mukhang umiiyak na nga si Lucia.
"Sira! Naawa lang ako dito sa dalawa, bat kailangan mangyari to!" sabi ni Lucia.
"Teka! Andito ka na pala? Ano nangyari sayo?" tanong ni V kay Lucia
"Mamaya na ko mag papaliwanag V" sagot ni Lucia.At nag patuloy na sila ni Jin sa paglinis dun sa dalawa.
"Uhm Jin? Need help?" tanong ko kay Jin, sya kasi nag lilinis nung mga sugat ni Jk, so currently, walang damit pantaas si Jk at Suga.
Napatingin naman sakin ung apat.
My gahd SAB! Hindi ka na naman nag iisip! Kay Jk kapa talaga nag volunteer!?"Ah Sab, penge pa ngang maligamgam na tubig" sabi ni V.
Kaya lumabas na muna ko.
Unknown's POV
Hindi pa ito ung tamang oras para malaman nila ung totoo about sa Sta. Catalina. Thanks to Xandra! She helped me a lot!
Ayoko naman kasi talagang masaktan ung dalawa e, kaso nga lang. Masyado silang atat sa katotohanan. Yan tuloy napala nila.
Ito namang si Lucia, tanga tangahan! Naniwala ba namang naaksidente si Suga, napatapon tuloy sa basurahan ng de oras ang gaga. Minsan din kasi di nag iisip tong si Lucia e, kaya napapahamak. Pati tuloy ung ibang tao, nadadamay sa katangahan nya.
Si Sab naman, landi pa ng landi kay Jk. Kahit alam na nyang wala na syang pag asa dun sa tao. Hindi pa ba sapat na, nasira na nya nung una ung relasyon ni V at Jk? May ghad! May tinatago pala talagang kire tong si Sab.
Ito atang si V, forever na ding tanga tangahan sa relasyon nila ni Jk! Hay nako V! Niloloko na naman sya nung isa, wala pa syang kaalam alam.
Oh? Pano ko nalaman na nag loloko na naman si Jk? Well!
Nung isang gabi! Pumuslit ako, nakita kong nag lilingkisan si Jk at Sab, sa harapan ng piano. At nung isang gabi din, nakita kong lumabas si Jk, galing sa kwarto ni Sab.Hay nako Jeong Jungkook! Pusong salawahan ka. Manalangin ka na sana hindi kayo mahuli ni V.
Asang asa si Sab na mapapasakanya ulit si Jk? Well no! Alam ko ang habol ni Jk kay Sab! At hindi sya kayang mahalin ni Jk! Jk's heart only belongs to V, pero Jk cheating on him.
Ang gulo!
Ramdam ko! Konti nalang! Mapapaikot ko na si Jhope. Kay Jimin? Konting push pa.
This shitty relationship!
Third person's POV
Finally nagising na si Suga at Jk
Agad agad na yinakap ni Suga si Lucia.
"Lu-lucia, asan si V?" tanong ni Jk kay Lucia.
"Lumabas muna sila nila Jin" sagot ni Lucia.Sinusubukang tumayo ni Suga.
"Love wag mong pilitin, mag pahinga ka muna dyan" sabi ni Lucia.
"Nabali ata ung ribs ko, sa lakas nung sipa nung mga hayop na yon" sabi ni Suga.
"Wag ka kasi makulit! Humiga ka lang dyan" sabi ni Lucia. At sinunod naman sya"Ano? Kamusta pakiramdam nyo?" tanong ni Lucia sa dalawa.
"Okay kami." sagot ni Suga.
"Kung di lang madami ung mga gung gong na yun, bali na lahat ng buto nun sa bugbog namin ni hyung" sabi ni Jk.
"hay nako! Nabugbog kana't lahat! Nag yayabang ka pa din" sagot ni Lucia."kuha ko muna kayong pagkain" pag papaalam ni Lucia. At lumabas na ng pintuan.
"Nabobored ako dito hyung!" sabi ni Jk, sabay tayo. At lumabas.
"tingnan mo un!" sabi nalang ni Suga sa sarili nya.
Pag labas ni Jk, agad nyang nakita si Sab, topless pa din si Jk hanggang ngayon, dahil nilagyan ni Jin ng benda ung bandang tiyan nila ni Suga.
"Oh?" sabi ni Sab.
"Oh" sagot ni Jk.
"Diba? Sabi ko mag pahinga kayo ni Suga!" sabi ni Lucia at hinatak na ni Lucia ung tenga ni Jk, papasok sa kwarto nila ni V."DITO MUNA KAYO! KUKUNIN KO LANG UNG PAGKAIN NYO! WAG KANG PASAWAY JK! BABALIIN KO TALAGA YANG RIBS MO!" Sabi ni Lucia at lumabas na ulit.
Nakita nya naman si Lucia na nakasilip si Sab.
"Oh? Nong tinitingin mo dyan!?" tanong ni Lucia kay Sab.
At tumalikod naman na si Sab.
"Hay nako Sabrina! Ito na naman ba tayo?" tanong ni Lucia kay Sab.
"Ano?" tanong ni Sab.
"Lagkit ng tingin mo kay Jk! Wag mo sabihing wala lang yon!" panenermon ni Lucia kay Sab.
"Napaka malisyosa naman!" sabi ni Sab sabay walk out."Asan ba kasi ung mga tao dito!?" sigaw ni Lucia, pero walang sumagot sakanya