V's POV
Andito ko sa kwarto namin ni Jk. Binihisan ko na din ng bagong damit, dahil nasukahan nya ung damit nya.
Pinag mamasadan ko lang. Hindi ko alam, pero ang sakit ng nararamdaman ko. Ung tipo na? Kahit na sampalin ko sya ng ilang beses? Hindi maiibsan ung sakit na nararamdaman ko. Ang gulo kasi. Hindi ko alam kung sino ba talaga mahal nya? Kung dapat pa ba namin ipag patuloy relasyon namin. Kailangan ko ng sagot. At sya lang makaka sagot sakin.
Oo, mahal na mahal ko si Jk, pero! Pag sinabi nyang, ayaw na nya. I'll let him go. Kasi mas gugustuhin ko syang sumaya sa iba, kesa sakin na hindi na. Ayoko syang mahirapan dahil sakin. Ayoko syang masaktan dahil sakin.
Sumilip ako sa labas. Wala ng tao. Sa couch na muna ko matutulog. Kailangan ko mag isip. Pagkatapos ng mga nangyari kanina, hindi ko na talaga alam.
Kinuha ko na ung dalawang unan. Hindi na ko kumuha ng kumot, dahil kinumutan ko si Jk, para mahimbing ang tulog nya.
Andito na ko sa couch, mas mainam na mag isa muna ko. Napaka tahimik ng bahay. Gabi na din kasi.
Nag papaantok na ko, at pinikit ko na mga mata ko.
Maya maya pa ay, nakaramdam ako ng may nag lalagay ng kumot sakin.
Si Sab pala.
Kaya napatayo agad ako.
"Oh gabi na ah? Bat gising kapa?" tanong ko sakanya.
"Nakita kasi kitang nakahiga dito. At wala kang kumot, baka lamukin ka. Kaya dinalhan kita ng kumot" sabi ni Sab sakin.
"Wag mo kong intindihin. Okay lang ako dito" sabi ko sakanya
"Tsaka baka wala kang gamiting kumot?" dagdag ko pa.
"Meron, extra ko yan. Nag aalala din kasi ko sayo V. Pasensya kana ha?" sabi nya sakin.
"Pasensya?" tanong ko.
"Oo, sa inasta ni Jk kanina. V alam kong mahal na mahal mo si Jk, kaya please! Wag mo syang susukuan. Hangga't kaya mo. Alam kong masaya ka sakanya. At masaya din sya sayo. Pero hindi talaga maiiwasan ung mga problema sa relasyon. Maging matatag ka para sakanya. Alam kong mahal na mahal ka din nya" sabi sakin ni Sab, at medyo nabigla naman ako.
"Sab, kung ayaw na nya sakin. Wala na kong magagawa. Kung ikaw na gusto nya. I'm willing to let him go. Oo hindi madali. Pero kung san sya masaya. Mas sasaya ako para sakanya or sainyo." sagot ko kay Sab.
"Mag pahinga kana" sabi ko kay Sab.
Bigla nya naman ako yinakap. At ramdam kong umiiyak sya
"Shhh, wag ka umiiyak" sabi ko sakanya habang hinihimas likod nya.
"Papasok na ko sa kwarto ko. Kung may kailangan ka. Nakabukas lang ung pintuan ko ha?" sabi ni Sab at umalis na.She's being emotional these days? Dala ba ng pag bubuntis nya un or what?
Third person's POV
Naging tahimik ang gabi nila.
Sa couch na lang talaga natulog si V.
Pero may isang di makatulog at di mapakali.
"Mag tatapat na ba ko kay Maria?" tanong nito sa sarili.
"What if ireject nya ko?" tanong nya ulit.
"Parang masyado atang mabilis?" sabi nya.
"Basta bahala na!" sabi nya ulit.****
Kinaumagahan-
Lucia's POV
Ako ung unang nagising, dahil ang likot ni Suga.
Nakita ko naman si V na sa couch natutulog. Pero di ko sya ginising. Hinyaan ko nalang muna sya don.
Mag luluto na muna ko ng agahan namin.
Binuksan ko na ung ref, pero walang itlog, puro gulay ata andun. Wala ding bacon or ham.
Pano ko mag luluto na to? Huhu.