~ All rights and reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.
Note: Any resemblances of person, place or events are purely coincidental.
(c) 2014 | MeetTheEpalAuthor
A/N: Base po tong story sa "The Space Between" ni Soyou. {Italic letters are character's thoughts}
***
Isang ordinaryong araw para sa ordinaryong buhay ni Naomi. Type dito. Type doon. Isa siyang writer sa isang sikat na publishing company, pero kahit nakakatamasa siya ng kasikatan hindi pa rin niya nakakalimutan na maging humble.
"Delivery for... Ms. Naomi Nam," napatunghay ang ulo ni Naomi ng madinig niya ang pangalan niya. Naalala niya na may inorder nga pala syang underwear sa internet. Pinag-ipunan niya talaga yon para mabili kaya naman sobrang excited na siya. Dali dali siyang lumapit sa delivery boy para kuhanin ang inorder nya. Pinirmahan na niya ito at kinuha na ang package niya. Excited na talaga siya. Kumuha siya ng kutsilyo para sirain ang tape ng box.
Whoo... ito na ang pinbakahihintay ko. Ang gintong underwear!! Naisip ni Naomi.
Nang binuksan na niya ng tuluyan ang box. Biglang naging malungkot ang mukha niya. Bigla namang napadaan ang isa sa mga co-writer ni Naomi, na si Lina. Nakita niya ang malungkot at dismayadong mukha ni Naomi. Naisip niyang tanungin ito."Hoy, Nam parang nalugi ka dyan. Ano bang nangyari?" tanong nito sa kanyang kaibigan. Mula sa pagkakatayo ni Naomi kanina bigla na lang siyang napasalampak ng upo sa kanyang swivel chair.
Huh? Ano tong box na 'to? Napansin ni Lina ang box na nakabukas at may lamang mga CD ng isang sikat na Korean Girl Group.
"Dumating na yung package mo. Bakit ang lungkot mo pa rin?" tanong ni Lina kay Naomi. Tumingin sa kanya ang kaibigan niya at parang asong nawalan ng amo.
Sa kabilang, opisina naman kung saan lahat ng bussiness personel ay busy sa pag-aayos ng presentation nila. Biglang dumating ang isang delivery boy.
"Delivery for... Mr. Jae-hyun Ahn," mula sa swivel chair na nakaharap sa may labas ng bintana umikot ito at hinarap ang delivery boy. Singit na mata, magandang kutis, polo, slux, at matipunong pangangatawan ayan ang bumungad sa delivery boy. "S-sir.. ito po yung p-package ninyo," kinuha ni Jae o mas kilala sa pangalan na Jasper ang package at pinirmahan ang papel.
Tinanggal niya ang tape at binuksan ang box. Biglang napakunot ang noo nya at ang nakita niya ay...
Panty at bra...
Na may print ng zebra.. Hindi naman ito ang inorder ko?! Nakita siya ng mga kasama niya na hawak hawak ang underwear ng isang babae. Nagkatinginan sila ng mga kasama niya at sinabi na...
"Wala po kaming nakita, Sir,"
"Oo nga po, Sir. Itutuloy na po namin yung trabaho," Nag-okay sign pa siya. Napaface-palm naman si Jasper. Wrong package!!.
"Paano na yung pinag-ipunan ko? Nasayang lang dahil sa maling package na yan," sinipa ni Naomi ang package. Naiinis na talaga siya. Hinimas na lamang ni Lina ang likod ni Naomi para pakalmahin. Nakakaawa naman siya. Naisip ni Lina habang tinitingnan niya ang package may biglang pumasok sa isip niya.
"Bakit hindi mo kaya itext yung number doon sa box?" nawala ang lungkot sa mukha ni Naomi sa halip napalitan ito ng isang 'bright idea'. Kinuha agad agad ni Naomi ang package at tinext ang number na nasa box.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jasper at nakita niya ang isang hindi pamilyar na number. Binasa nya ang text na nilalaman nito.
~Message from: 0908******
Kung may natanggap kang kakaibang bagay, na alam mo sa sarili mo na hindi ito sayo, please reply. I just really need that thing because it is very important to me. Pinagpawisan ko talaga yan para lang mabili so please... please do reply. Thanks~
Pagkatapos niyang basahin ang text parang napatawa naman siya. Naisip niya... Kailan pa pinagiipunan ang underwear? Sa isip niya utas na siya kakatawa pero sa panlabas na anyo niya halatang naiinis siya sa text na na-receive niya. Wala na siyang sinayang na oras at ni-replayan na kaagad ang nagtext sa kanya.
Tumunog ang paboritong kanta ni Naomi na "All of me by John Legend", ayun ang message alert tone niya. Binasa niya kaagad agad ang message at nakita niya ang sagot ng lalaki.
~Message from: 0919*******
Ikaw ba ang may ari ng package? Can we meet? I just really need the package that you have... mahalaga kasi sa akin yon~
Nakahinga naman ng maluwag si Naomi sa na-recieve nyang text. Naisip niya... Haay, salamat naman at nag-reply siya. Tumunog ulit ang phone kaya tiningnan niya ang cellphone nya.
~Message from: 0919*******
Just meet me at *whatever* park at 7pm. If you don't come I will just leave you're package~
Tanga ba siya?! Anong iiwan?! Dali daling nagtext si Naomi at sinabi rito na okay sa kanya na magkita sila. Sa kabilang building makikita mo ang nakangising mukha ni Jasper. Anong kayang plano niya?
***
7:30 pm. Kaninang kanina pa naghihintay si Naomi sa sinabing lugar ng nakapalit niyang package. 5 minutes.. na lang aalis na talaga ako. Sigurado na talaga si Naomi sa desisyon niyang umalis after 5 minutes.
1 minute....
4 minutes left. Naisip ni Naomi.
2 minutes...
Ang tagal naman!!
3 minutes...
Pag ako nainip... sisirain ko tong mga CD's.
4 minutes...
Jusko! Isang minuto na lang at talagang aalis ako ng hindi kasama 'tong box na 'to!!
5 minutes...
UGH!! AALIS NA AKO!!!
Tumalikod na si Naomi para umalis pero sa pag-turn around niya hindi niya inaasahan na may bata pala kaya, napaupo ang bata at umiyak. Ano namang ginagawa ng batang 'to sa park? at saka anong oras na at nasa labas pa rin siya? Hindi alam ni Naomi kung anong gagawin niya sa bata para mapatahan. Hindi pa naman siya mahilig sa bata, isa pa nakakairita ang bata lalo na kapag umiyak. Natataranta na siya.
"Wag ka ng umiyak. Kapag umiyak ka Iiyak rin ako!!" Sa halip na tumahan ang bata lalo pa itong umiyak ng napakalakas. Ibinababa niya ang box at pilit na pinatahan ang bata. Ano bang dapat kong gawin?
"Bata, Candy oh.." mula sa tabi niya nakita niya ang isang lalaki na may hawak na candy at iniabot ito sa bata. Kinuha naman ng bata ang candy at tumigil na ito sa pag-iyak. Nang mas lalong tiningnan ni Naomi ang lalaki isa lang ang lumabas sa bibig niya.
"Jae.."
Sino siya sa buhay ni Naomi?
***
A/N: Thanks for reading the story. Yung video nga po pala doon inspired yung Story 'to.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*