Chapter 4: Unknown Feelings

173 3 0
                                    


Hindi ko akalaing titibok ng mabilis...

Ang puso kong pag dating sayo ay lumilihis...

Parang gusto kong tumakbo palayo...

Pero hanggang sa huli, sayo pa din pala ang bagsak ko...

JASMINE

"You can say thank you, you know." sabi niya habang nakatitig sa mukha ko. "And you can call me Lance by the way... masyadong off yung Mr. Cockroach." nakangiting sabi niya sa akin habang magkaharap kami. Parang walang pumapasok sa utak ko habang nakatitig siya. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako madaling maapektuhan pag dating sa lalaki pero bakit parang iba ang dating niya sa akin ngayon. 

Nakatitig lang kami sa isa't isa at nakita kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Napalunok siya ng titigan niya ang labi ko kaya napatingin din ako sa mga labi niya. Mapupula ang labi niya na parang mas mapupula pa sa labi ko. Nasa ganun kaming eksena ng biglang nagring ang phone ko. Bigla kaming naglayong dalawa. Biglang naging awkward ang pakiramdam ko at alam kong ganun din sya. Hindi ko malaman kung sasagutin ko ba yung tawag o papatayin ko na lang. 

"ahemm...sagutin mo na." sabi niya at humawak na siya sa manibela. 

Tita Angie calling...

Tiningnan ko na yung cellphone ko at nakita kong si Tita Angie ang tumatawag. Siya yung manager ko sa modeling. Medyo sumasideline na din ako ngayon sa acting. 

"Hi Tita, What's up?" tanong ko. 

"You got accepted to this supporting role. Medyo malaki ang production. This maybe your big break." excited na sabi niya sa kabilang linya. Tinutukoy niya yung role  na inapplyan ko sa isang malaking production ng drama. Gaganap akong kapatid ng bida. 

"Really? As in super duper really?" excited na tanong ko. Nakita kong napangiti si Arthur sa tabi ko. 

"Yes dear, aayusin ko na ang schedule mo para sa mga shooting dates mo." sagot niya. 

"Omgeeee!!!!!!" tili ko kahit alam kong nasa loob ako ng kotse ni Arthur. 

"I'm too happy for you dear, lets talk again later okay. May mga aayusin pa ko." paalam ni Tita Ange.

"Okay Tita, Catch up with you later. Super thank you and love you." paalam ko sa kanya at naputol na ang linya. 

Naramdaman kong nagstart ng magmaneho si Arthur at palabas na kami ng parking lot. "Happy?" nakangiting tanong niya. Bakit ba ngiti ng ngiti itong lalaking ito ngayon. Parang kaylan lang lagi siyang asar ng asar sa akin ha. Genuine akong sumagot. "Yes very." nakangiting sagot ko. 

"Mas maganda ka kapag lagi kang nakangiti at hindi nagtataray. You look beautiful when your sweet as well. " comment niya habang nakatingin pa din siya sa daan. Tumingin ako sa kanya at mukhang di naman siya nambobola. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa mga sinabi niya. Bakit parang ang bait ng tipaklong na ito sa akin ngayon? Bakit parang nagpapalpitate na naman yung puso ko? Ano ba heart! makisama ka naman! bakit naman kung kikiligin ka pa sa lalaking ito pa? Okay naging mabait siya! Okay tinulungan ka niya! Pero alam mo namang off limits siya dahil babaero siya.

"Hindi ka na kumibo diyan? May nasabi akong di mo gusto?" tanong niya sabay tingin sa akin habang nakastop kami sa traffic light. "Namumula ka? Nilalagnat ka ba?" nagaalalang tanong niyang muli pero hindi ako makasagot. Akmang hahawakan niya ko sa noo pero umiwas ako.  Nakita kong nagulat siya sa reaksyon ko. 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon