Alam kong tama ako...
Na ikaw ang babaeng minahal ko...
Sapagkat lahat ng bagay ay maganda sayo...
Kaya araw-araw nahuhulog ako...
LANCE
Pauwi na ko sa condo ko ngayon. Nandito na ko sa parking. Napapailing pa din ako dahil hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko. This is one of the best day ever! Kasama ko ang babaeng mahal ko maghapon at katabi ko pa siya matulog kagabi. Kahit na halos mamatay na ko sa mga rides sa Enchanted Kingdom kanina ay sige pa din ako dahil gusto kong sabayan ang trip ni Jasmine. Hindi ko na alam kung kailan pa yung huling beses na naging ganito ako kasaya. Ngayon na lang ako tumawa at ngumiti ng ganito. Ngayon ko lang narealize, si Jasmine lang talaga yung totoong makakapagpasaya sa akin.
Para kaming bata sa amusement park kanina. Ngayon lang kami nakapagdate ng ganito, yung walang istorbo, yung wala kaming pakialam sa buong mundo at ang mahalaga lang ay mahal namin ang isa't-isa. Buti na lang maaasahan ang mga security na ipinadala ni Josh kanina at wala talagang nakaabala sa pagliliwaliw namin.
Papasok na ko ng condo ko ng mapakunot ang noo ko dahil hindi nakalock ang pinto. Sa pagkakatanda ko ay inilock ko yun. Pumasok ako at nakita kong pati ilaw ay bukas. Ano bang nangyayari? Dumiretso ako sa living area ng condo ko at nakita ko ang tatlo kong tukmol na kaibigan na nakasalampak sa sahig. May mga beer sa harapan nila at mga pagkain. Mukhang nagsisimula na silang mag-inuman.
"What the hell is happening in here?" nakakunot na tanong ko. "Bakit ang gulo na ng bahay ko? Isang gabi lang akong di nakauwi... para ng binagyo yung mga gamit ko?" dagdag ko pa. Napatingin sila sa akin at nakangisi pa.
"Hi Baby Artie..." sabi ni Ethan.
"Baby... ginabi ka na... nambabae ka noh." sabi naman ni Josh.
"Baby... hindi ka namin tinuruan na mambabae at uwuwi ng gabi. Dahil diyan... may palo ka sa puwit!" sabi ni Liam.
"What the fuck! Mga bakla kayo?" inis na sabi ko. Napatingin ako sa mga alak na iniinom nila, may beer at hard. Napapunta agad ako sa ref ko para tingnan ang beer ko at sa cabinet ko ng mga hard liquor ko at lahat yun bawas. Ang masaklap, ubos lahat ng beer ko. inis akong bumalik sa kanila. "Inubos niyo yung mga alak ko? Pulubi kayo? Wala kayong pambili?" gigil na sabi ko at ang tatlong tukmol ay tumawa lang.
"Ano ka ba.. loving is sharing." sabi ni Ethan.
"Ganyan ka... palibhasa kayo na ulit ni Jasmine, nagdadamot ka na." nakairap na sabi ni Josh.
"Akala ko ba kami lang love mo.. Ngayon mas love mo na si Jasmine." nakapout pa na sabi ni Liam.
"Diyos ko! Bigyan niyo po ako ng pasensya sa mga animal na kaibigan ko." sabi ko at natawa sila at nagApir pa. Mga siraulo talaga.
"Ang dami mong reklamo! Umupo ka na dito! Inuman tayo." sabi ni Josh.
"Bakit ako magiinom? masaya naman ang love life ko." mapang-asar na sagot ko.
"Yan nga din ang iniisip ko eh. Patay ako sa prinsesa ko kapag umuwi ako ng lasing na lasing." biglang reklamo ni Ethan.
"Eh di kayo na ang may love life." sabay na sabi ni Liam at Josh. Natawa kami ni Ethan at nakipagfist bump ako sa kanya.
"Letche! Tayo na lang mag-inom. Walang kwenta kausap yung dalawang yan. Pag sila dinadamayan natin, pag tayo hindi man lang madamayan." nakasimangot na sabi ni Josh.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...