Nahuhulog na naman ako...
Nahuhulog na naman sayo...
Mapaglalabanan ko ba ito?
O hahayaan ko na lang ang puso ko?
JASMINE
Maaga akong gumising dahil may commercial shoot ako ngayon. Mukhang wala namang nagbago sa schedule ko dahil hindi naman tumatawag si Tita Ange. Nag-ayos ako ng sarili ko. Sinimplehan ko lang ang ayos since alam ko naman na lalagyan na naman ako ng make up mamaya sa set ng commercial.
Naiisip ko pa din si Lance. Bakit ba ang rupok ko sa isang iyon? konting landi niya lang bumibigay na ko? Nakakailang halik na yung mokong na yun sa akin ah. Umaabuso na siya sa pagnanakaw ng halik. Paduguin ko na lang kaya yung nguso niya? Haaaayyyy! nagiging bayolente na ko dahil sa inis ko sa kanya at sa inis ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung bag ko para makalabas na ko at hindi ako malate. I hate being late. Kahit noong nagsisimula pa lang ako ay napakapunctual ko. Nang binuksan ko na ang pinto ay nagulat ako sa kislap ng mga camera na umiilaw sa harapan ko. Muntikan na kong mapamura ng muntikan na kong kuyugin ng mga reporters kung hindi lang mabilis ang reflexes ko at agad kong isinara ang pinto. Narinig ko bigla ang ingay nila sa labas.
"Miss Jasmine. Gusto ka lang naman namin mainterview. May masasabi ka ba sa naging away ni Arthur at ni Denver kagabi sa isang bar na di umano ay dahil daw sayo?" sabi ng reporter na nasa labas.
"Nakita din kayo ni Arthur na naghalikan sa loob ng isang restaurant... totoo bang nagkabalikan na kayo? Kung ganoon, hindi ba totoong girlfriend niya si Kimberly Fenton?" tanong pa ng isa at narinig kong kumakatok sila.
"Miss Jasmine. Please pabuksan ng pinto. Gusto ka lang namin makausap." sabi pa ng isa at kung ano-ano pang ingay ang narinig ko sa labas kaya lumayo na ko sa pinto.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nagpapalpitate na ko sa kaba. "Okay Jasmine, kalma....breath in.. breath out..." sabi ko sarili ko. Agad kong tinawagan ang security ng condo ko. Nagring ang phone ng security line at agad naman na may sumagot.
"Hello, security... how may I help you?" sagot ng security ng condo namin.
"Hi...This is Jasmine Rose Rivera from the unit 0423. Ano bang nangyayari? Bakit nakapasok ang mga reporters sa facilities ng condo natin?" reklamo ko?
"Po? nakapasok po yung mga reporters?" parang walang alam na sabi ng security.
"Can you check the cctv sa hallway ng condo unit ko, there's a lot of paparazzi. This building is supposed to be secured kaya nga pinili kong bumili dito eh. If you are not monitoring the security of your clients, what is the sense of this building on being exclusive?" gigil na sabi ko.
"Ma'am pasensya na po. Ichecheck na po namin. Paakyat na po kami." sagot naman ng security.
"That's good." sagot ko naman at ibinaba ko na ang phone.
Pagkababa ko ng tawag ay nakita kong tumatawag si Lance.
Bipolar Calling....
Sinagot ko agad ang tawag. "Sweets, are you okay? Sabi ni Tita Nakapila ang mga reporters diyan sa labas ng unit mo. Nandito ako sa parking area ng building. Gusto kong umakyat pero ayaw ako paakyatin ni Tita George." sabi niya.
"I'm okay. Hindi lang ako makalabas and tama si Tita George, it is much better na hindi ka na umakyat dahil baka lalong magwala itong mga reporters na ito pag nakita ka." sagot ko.

BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...