Hindi ko maintindihan ang nararamdaman mo...
Madalas ay nanghuhula ako...
Kung ang pinapakita mo ay totoo...
O sadyang umaasa lang talaga ako...
LANCE
Bumalik na ako dito sa music room ngayon at ako lamang mag-isa. Ayokong pumasok sa klase ko dahil nakakabadtrip itong araw na ito. I don't know what is happening to Jasmine. One minute, we're okay then after another minute, she will be acting cold. Ang gulo niyang kausap. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya niyang iparamdam sa akin yung ganito kalaking frustration sa buhay. Naiinis ako na hindi ko malaman.
Before, wala naman talaga akong paki sa kanya at sa ibang kaibigan niya. Si Louise lang naman talaga ang kaibigan namin sa kanilang apat na babae. I call Breeana on her second name Louise because it fits her. Wala, Trip ko lang. Parang mas feminine kasi yung Louise. Noong una may crush din talaga ako kay Louise pero alam kong si Ethan lang ang gusto ng isang yon. Isa pa, alam kong ganoon din naman ang nararamdaman ni Ethan so tinigilan ko na yung paghanga ko kay Louise. Later on, narealize ko na hindi ko naman pala talaga siya gusto. Parang kapatid na babae lang pala ang turing ko sa kanya since puro lalaki ang mga kapatid ko at wala akong kapatid na babae kaya ako natutuwa sa kanya. She is like a sister and a bestfriend to me kaya nga close kami. Madalas din siya magconfide sa akin ng mga problema nila ni Ethan. Ewan ko ba sa dalawang yun, ang aarte, ang hilig magtaguan ng feelings.
Mabalik tayo kay Jasmine Rose Rivera, yung babaeng yun... hindi ko na alam kung paano ko pakikisamahan. Lahat na ata ng ginawa ko. I've been an asshole to caught her attention, nang hindi ko siya madaan sa pang-aasar ko, pinakita ko naman yung gentleness ko pero wala pa ding effect. Hindi ko naman talaga siya napapansin noon. Wala talaga akong pakialam. Sanay na kong makakita ng magagandang babaeng kagaya niya kaya parang wala ng dating sa akin.
Nagsimula lang ang interest ko sa kanya ng makita ko siya minsan sa isang park habang nagjajogging ako malapit sa subdivision namin nung. Nakaupo siya sa ilalim ng puno habang nakikinig ng music dahil may earphone ang tenga niya. Nakapikit siya at parang sobrang peaceful niya. Hindi ko malaman kung bakit napahinto ako at tiningnan lang siya.
Maraming tao sa park ng araw na yun pero hindi ko magets kung bakit naisipan kong tingnan lang siya. Umupo ako sa bench na katapat ng kinauupuan niya. She look simple but beautiful. Ni wala siyang make up. Nakasimpleng dress at slippers lang siya habang nakasandal sa puno. Hindi ko maintindihan pero parang gandang-ganda ako sa kanya ng mga oras na iyon. She's smiling while listening to the music kahit na nakapikit pa din siya. Parang ibang-iba siya sa sikat na model na si Jasmine Rose Rivera na magaling mangsnob at puro katarayan lang ang laman ng utak. Maarte kasi ang pagkakakilala ko sa kanya at amazona kaya nga hindi ko siya madalas pansinin kapag may gathering kaming magkakaibigan. Pero hindi ko malaman kung bakit parang nageenjoy akong tingnan siya ng araw na iyon. o
Mostly mga bata at buong family ang nasa park ng mga oras na iyon. Habang nakaupo siya ay may batang tumatakbo na nadapa sa harapan niya at saktong natapon sa kanya ang ice cream na hawak nito. Ineexpect kong magagalit siya at mag-iinarte pero hindi niya ginawa. Mangiyak ngiyak ang bata sa harapan niya dahil natapon nga ang ice cream. Nakita kong tinanggal niya ang earphones niya at tiningnan ang bata. Pero sa halip na magalit ay itinayo niya ang bata at pinunasan ang mga tuhod nito. Tumigil ang pag-iyak ng bata at tumingin sa kanya. Pinunasan niya ng panyo ang ice cream na kumalat sa damit ng bata at sa damit niya. Nakita kong nginitian niya ang bata at inakay ito. Maya-maya ay nakita ko na lang na binilhan niya ang bata ng bagong ice cream at inihatid sa mga magulang nito.
It felt strange pero natuwa ako sa mga nakita kong ginawa niya. Akala ko maarte siya at hindi mahilig sa mga bata pero hindi pala siya ganun. Sa sobrang curious ko ay sinundan ko siya ng araw na yun. Nakita kong nagpalit siya ng damit matapos niyang umuwi sa bahay nila. Nalaman kong nasa isang subdivision lang pala kami, magkaiba lang ng street. Sinundan ko siya buong maghapon na parang stalker. Ni hindi ko na naituloy yung pagjajogging ko noon. Natatawa ako dahil ang simple niya lang. Hindi kagaya ng ibang babae na kung ano-ano ang ginagawa. Nakita kong nagwindow shopping lang siya pero mukhang wala naman siyang trip bilhin. Halos lahat ata ng lalaking makasalubong niya napapanganga sa kanya pero wala siyang pakialam. Masyado din siyang independent dahil kaya niyang manood ng sine mag-isa at kumain mag-isa. Kapag may nakita siyang matandang tatawid sa kalsada ay tinutulungan niya. Dahil sa pagoobserve ko sa kanya ng araw na iyon ay nagbago ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomantikAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...