Chapter 12: Missing Him

137 5 0
                                    

Sobra ako ng nangungulila

Dahil sa iyong pagkawala

Ano nga bang dapat kong ginawa

Ang maghintay o huminto na lang bigla?

JASMINE

Natapos ang photo shoot ko in 3 days na para bang wala ako sa sarili ko. Hindi na muling nagparamdam si Lance after ng huling pag-uusap namin sa phone. Napufrustrate ako at gusto ko na siyang tawagan ulit pero ayokong magmukhang naghahabol sa kanya. Ayokong magmukhang kawawa kakasend ng message sa kanya kaya kumalma na lang muna ako.

Nang makabalik ako ng Manila ay pagod na pagod ako. Humiga agad ako sa kama. Buti na lang weekend na bukas at wala akong pasok sa school kung hindi, baka magkasakit na naman ako sa ginagawa kong pang-aabuso sa katawan ko. Naalala ko na naman si Lance. Kung nandito siya ay malamang na sesermunan na naman niya ako. Kung nandito siya ay baka siya pa ang mag-alaga sa akin. Kung nandito siya ay hindi sana ako malungkot ngayon.. sana lang ay nandito siya.

Namimiss ko na yung mga kwela niyang text at chat. Yung mga pangungulit niya. Yung mga paglalambing niya. And then I remember the kiss again, it was sweet actually. Hindi ko naramdamang nabastos ako or what. I felt respected while he is kissing me. Maingat, walang pagmamadali at malambing ang paghalik niya as if he wanted to savor the moment, as if he wanted to savor my lips. Pakiramdam ko biglang uminit ang paligid habang naaalala ko ang halik na pinagsaluhan namin. Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng marinig kong nagriring ang phone ko. Nakita kong bukas pala ang messenger ko at gusto makipag video call ng tatlo kong friends. Ano kayang trip nitong mga ito at tumatawag sila.

"Hi Jas!!!!!" tili ni Miley

"Bakit ang ingay mo, gabi na" sagot ko.

"OMGEEE Jas! buti you're still up!" tili din ni Breeana.

"Mukhang hindi ata makatulog... iniisip siguro si kwan." sabi naman ni Amber.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Bakit niyo ginugulo yung pananahimik ko?" sabi ko pa sa kanila.

"May hindi ka kinukwento..." sabi ni Bree.

"What? ano naman yun?" tanong ko.

"Nag-mamaang-maangan siya girl... Kaloka!" sabi ni Miley.

"Girls, I don't get you. Anong hindi ko naikukwento and nagmamaang-maangan ako?"tanong ko ulit.

"Okay... we will give you a clue. Simulan natin sa pangalang Arthur Lance Suarez." sagot ni Amber. Natahimik ako bigla at lalo silang nagtilian sa kabilang linya.

"Nakita niyo? Biglang natahimik si Jas?" sabi ni Bree.

"Omgeeee. She's affected!" sagot naman ni Miley.

"Tumigil nga kayong tatlo. What about Lance? Anong meron?" tanong ko.

"Like duuuh! Hindi mo naikukwento na nagkakamabutihan na pala kayo ni Artie?" sagot naman ni Bree.

"OO nga, kung hindi pa aligaga si Art kakahanap sayo last week, hindi pa namin malalaman." sagot ni Amber.

"Malalaman ang alin?" tanong ko.

"That you are special to him." sagot ni Miley.

"Look Jas, you don't know how worried he is last week. Nagpifreak out na siya dahil hindi ka niya macontact. He kept sending us messages, kaming tatlo, and then I asked him why he is super worried about you." kwento ni Bree. "Tinanong ko siya kung bakit siya worried eh hindi naman kayo close. And then sabi niya na close na nga daw kayo and he feels something special towards you kaya daw sabihin ko na kung nasaan ka. Hindi naman ako makasagot dahil hindi mo naman din kami sinabihan. Nalaman na lang namin nasa Bora ka na." dagdag pa ni Bree.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon