Chapter 65: Supporting You

109 5 0
                                    




Kung anong makakapagpasaya sayo...

Yun din ang gusto ko...

Kung ang pagtupad mo sa pangarap mo...

Ang bubuo sayo....

Susuportahan kita hanggang kaya ko.


LANCE

Nasa set ako ng movie namin ni Jasmine. Nasa dressing room siya at nilalagyan ng make up. Bumili ako ng kape since alam kong mahilig siya sa kape. Papasok sana ako sa dressing room para ibigay ang kape ng marinig kong nag-uusap si Jasmine at Tita Ange. Napahinto ako sa pagpasok ng marinig ko ang usapan nila.

"I got a call from LA." sabi ni Tita Ange na narinig ko.

"So? What about the call?" tanong naman ni Jasmine.

"They want you back. You got a big project there. After ng movie mo, gusto nilang maschedule ka agad for your international film. This film will be a big hit."Excited na sabi ni Tita Ange. Natigilan ako. Ibig sabihin pala, after ng movie na ito mukhang magkakalayo kami. Kung malakihang project yun sa LA malamang matatagalan siya bago makabalik ng Pilipinas. It may take 1 year to 2 years. Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Mukhang natahimik din si Jasmine.

"Pero Tita, ngayon pa lang kami nagkakasama ng maayos ni Lance. Ngayon pa lang kami nagkakaroon ng time para sa isa't isa." narinig kong malungkot na sagot ni Jasmine.

"Well... I understand that Hija, I am not giving you any pressure about this but.. this is a huge project. Isa pa namimiss ka na ng mga fans mo sa Hollywood. This is another big come back for you. I am sure Arthur will understand." sagot naman ni Tita Ange. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko parang tumigil na naman ang tibok ng puso ko pero anong magagawa ko, pangarap ito ni Jasmine. Minsan na kaming naghiwalay dahil hindi ko siya nasuportahan sa mga pangarap niya bagkus ay nakipagkumpentensya pa ko sa mga gusto niyang gawin at ayoko ng maulit pa yun.

"I know... Alam kong malaking project yan Tita and it will be great kung tatanggapin ko but I don't think I can last a day without Lance. Isa pa, alam mo naman yung naging issue namin noon di ba? I promise to him that I will never leave him again and I will focus on our relationship pero kung gagawin ko ito, baka magkaproblema na naman kami." sagot ni Jasmine.

"Well, I can talk to him if you want." suggestion ni Tita Ange.

"No Tita, it is my problem and I should be dealing with it on my own. Ito yung wala sa amin ni Lance noon, yung proper communication. I will need to talk to him about it and for the mean time, can you give me some time to think about it as well?" sabi ni Jasmine.

"Okay, no problem. Just tell me what will be your decision para mabigyan ko din sila ng heads up if you are going to accept the project or not." sagot naman ni Tita Ange.

"Okay Tita." sagot ni Jasmine. Kumatok ako ng pinto para di nila isipin na kanina pa ko nakikinig.

"Come in." narinig kong sabi ni Jasmine. Pumasok ako ng nakangiti na para bang wala akong narinig sa kung ano man ang pinag-usapan nila.

"Hi Sweets, here's your coffee." sagot ko ng makalapit ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Oh.. Thank you Heart. Kanina pa ko naghahanap ng kape eh." sagot niya at matamis na ngumiti muli sa akin.

"Ang daya, bakit si Jasmine lang ang may kape?" singit ni Tita Ange.

"Sorry Tita, Bawi ako next time. I didn't know that you were inside." nakangiting sagot ko.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon