Bakit ba laging ganito?
Parang laging alanganin ang puso ko sayo...
Paurong-sulong na lang palagi ako...
Pero paulit-ulit pa ring nabibihag mo...
JASMINE
"I am just announcing to them that you are still mine. At wala ka ng kawala." nakangiti niyang sabi sa akin at muli niyang sinakop ang aking mga labi. Traydor na naman ang aking katawan dahil para lang akong alipin ng kanyang mga halik. Hindi ako makatanggi, hindi ko magawang pumiglas sapagkat nalalasing na ko sa malalim niyang halik. Nakapikit pa rin ata ako ng maramdaman kong wala na ang mga labi niya. Pagdilat ko ay nakangiti siyang nakatingin sa akin at nakaupo na siya ng maayos.
"Nawiwili lang sweets?" tukso niya. Natauhan naman ako bigla.
"Ehemnmm... ehemmm." I cleared my throat dahil pakiramdam ko hindi ko kayang magsalita. Pinatunayan ko na naman sa kanya na kaya kong bumigay sa isang halik niya lang. Pinili kong wag na lang magsalita dahil pakiramdam ko ay mapapahiya lang ako kaya pinili ko na lang kumain.
"Akala ko tatarayan mo na naman ako eh. Well after what happen, tama ka, laman na naman tayo ng mga tabloids bukas. Sikat na naman tayo nito." sabi niya. Tiningnan ko lang siya at tinuloy ang pagkain.
"Hey are you mad at me?" nag-aalalang tanong niya.
"Yan ang gusto mo di ba, ang pinagpipyestahan ka ng mga press... so I will let you be." walang emosyon na sagot ko.
"Are you mad about the kiss? I didn't do that for publicity." nakakunot noong sabi niya.
"Yeah whatever. Tapusin mo na yang kinakain mo. Wag na tayong mag-away dito... baka pati tabloid sa ibang bansa pagpiyestahan din tayo." sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko yun.
"I am sorry. Hindi ako nag-iisip. I just miss you so damn much! Kaya hindi ko napigilang halikan ka kanina. When I mention about the news being explosive... that is merely a joke. Sorry na sweets, kahit kailan talaga ang tanga ko." inis na sabi niya. Tiningnan ko lang siya.
"Tapusin mo na yung kinakain mo ng makauwi na tayo. Pagod na ko." sagot ko. Nakita kong malungkot siyang tumingin sa akin at tahimik na lang kumain.
Wala kaming imikan ng makapasok na kami sa sasakyan. Napatingin sa amin si Tita Ange at nagtataka siyang dumiretso ng tingin sa akin na para bang nagtatanong kung anong nangyari. Nang hindi na siya makapagpigil ay nagsalita na siya.
"Anong nangyari sa inyong dalawa? Nag-away na naman ba kayo?" tanong niya.
"Nope Tita. Pagod lang kami pareho. Can we just drop off Lance sa condo niya?" sagot ko.
"Hindi. Ikaw na muna yung ihahatid namin. Mas malapit yung condo mo dito." sabat ni Lance. Ayoko ng makipagtalo dahil pagod na ko.
"Okay. If you say so." sagot ko at sumandal na lang ako sa upuan at nagkunwaring tulog. Ramdam kong titig na titig si Lance sa akin pero wala na kong pakialam. Naiinis ako sa ginawa niya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi na ko nadala. He can easily get what he wants from me. He can easily sway my heart in a split second. Naiinis ako sa sarili ko dahil konting lambing, halik at yakap niya lang ay bumibigay na ko at dahil doon paulit-ulit lang akong nasasaktan.
Para akong tanga na paulit-ulit na umaasa na baka this time magwork. Na baka kapag patuloy akong lumaban ay baka mahalin niya ko kagaya noon. Pero sa nakikita ko sa ugali niya ngayon, hindi ko na alam kung ano ba yung dapat kong paniwalaan. Para akong laging nasa gilid ng bangin pag dating sa kanya. He will tell me he loves me and then kinabukasan mahuhuli siya ng media na kasama si Kim. Gusto kong magtanong. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala pero lagi kong pinipiling manahimik. Sapat ba talaga ang mga ginagawa ko para makabawi sa nagawa kong kasalanan noon? O nagpapakatanga lang ako sa isang bagay na wala naman talagang kasiguraduhan?
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...