Alam ko na kung anong gusto ko...
Yun ay manatili sa tabi mo...
Hindi ko na kayang magkalayo pa tayo...
Dahil ang pagmamahal mo lang ang kailangan ko...
JASMINE
Mabilis lumipas ang araw. Namalayan na lang namin tapos ng ishoot ang movie namin ni Lance. Nagenjoy kami ng sobra dahil lagi kaming magkasama. Ni hindi na nga kami mapaghiwalay. Madalas nababanggit niya pa din ang kasal pero sabi niya, gawin daw namin yun kapag tapos na daw ang commitment ko sa bago kong project sa LA. Ngumingiti lang ako pag sinasabi niya yun. Sobrang full support kasi siya sa akin. Lagi niya lang sinasabi na maghihintay siya, na hindi siya magsasawang mahalin at hintayin ako. Minsan iniisip ko kung totoong tao ba talaga siya eh. Sobrang sweet at romantic niya na kasi compare noon.
Kapag tinatanong ko siya kung bakit sobrang showy niya na sa nararamdaman niya, sabi niya bumabawi daw siya sa limang taon na di niya ko nakasama. Sabi niya, maiksi lang daw ang buhay ng tao at hindi natin malalaman ang mga susunod na mangyayari kaya hanggang maaga, gusto niyang iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Kahit sinasabi ko minsan na corny siya, ang totoo niyan deep inside ay kinikilig ako. Si Lance naman kasi, sa sobrang showy niya, wala na siyang paki kahit nasa harapan kami ng ibang tao. May times nga na kahit nandiyan ang mga fans namin, biglang mangyayakap or manghahalik yan. Kapag ginagawa niya yun ay pasimpleng kinukurot ko siya. Masyado kasing PDA pero ang magaling na lalaki, tatawanan lang ako at manghahalik ulit kaya tuloy yung mga fans namin parang mahihimatay na sa kilig.
Nandito kami ngayon sa premier night ng movie naming dalawa. Grabe ang daming tao. Ang daming malalaking taong dumating to support us. After nito ay may presscon naman ang pupuntahan namin at may ilang TV commitments din kami this week para ipromote ang movie namin. Naghahanda na din ako para sa surprise ko kay Lance within this week.
"Grabe kinakabahan ako." sabi ko sa kanya habang hawak niya ang kamay ko. Maglalakad na kami sa red carpet ngayon papasok kung saan gaganapin ang premier night namin.
"Chill ka lang sweets, I am here. I won't leave you." sagot niya at hinalikan ako sa noo. Nakangiti akong tumingin sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Magkasabay kaming lumakad sa red carpet. Nang maglakad kami ay naghiyawan ang mga fans na nasa gilid. Ang dami ding reportes. Huminto kami para kumaway sa mga fans at magpapicture sa camera. Nakahawak naman si Lance sa bewang ko at ako din sa kanya.
Nang makapasok na kami sa loob ng sinehan kung saan gaganapin ang premier night ay ang dami talagang tao at ang dami din umattend na kapwa namin artista. Isa-isa namin silang kinamusta bago kami naupo sa upuan namin. "Grabe I didn't expect that there will be a lot of people like this. I mean, sanay na kong madaming umaattend sa premier natin pero hindi ko ineexpect na triple yung dami nila unlike the last time na nagtambal tayo." sabi ko kay Lance.
"Well, siguro namiss talaga nila yung love team natin." sabi niya at inakbayan ako. Humilig naman ako sa dibdib niya. "Malamang malaki ang kikitain ng production kahit sa first day pa lang." dagdag pa ni Lance.
"I hope so. Pinaghirapan natin ito eh." sagot ko. Hinalikan nya ko sa noo at sabay na naming pinanood ang movie namin.
Tahimik at excited ang lahat habang nanoood ng movie. May mga times na sabay-sabay kaming natatawa sa eksena at ganoon din ang ibang nanonood. Kahit na alam kong movie lang ito, kahit ako hindi makapaniwala kung gaano nakakaiyak ang ibang scene namin.
"Grabe Sweets, feel na feel mo yung lines mo diyan. Kahit ako napapaiyak ngayon." bulong ni Lance.
"Oo nga eh, ang ganda ng pagkakakuha ng emotion ko diyan." sabi ko habang nakahilig pa din sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Storie d'amoreAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...