Chapter 37: Ang Tamis!

152 7 0
                                    

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sayo...

Susuko na lang ba ako at papatalo?

Sa tuwing pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko...

Paulit-ulit mo namang binibihag ang puso ko...


JASMINE


Arrrrrgggggghhhhhh! Gusto kong magsisigaw. Ano ba itong ginagawa ni Lance? Siraulo ba siya? Bakit niya sinabi in public? For what? Para macorner ako? Sinabi ko na sa kanyang ayaw ko na! Pero pinipilit niya naman na gusto niya pa. Eh di sana noon niya ginawa hindi yung ngayong pagod na ko tsaka siya mangungulit. 

"Jas Are you okay?"tanong ni Bree.

"Mamamatay na ata sa kilig yan."sabi ni Miley

" I agree, ikaw ba naman ang sabihin ng mahal kita in public tingnan ko lang kung hindi ka maihi sa kilig."natatawang sabi ni Amber. 

"Will you stop it girls! Hindi ako natutuwa sa ginawa niya! kahapon lang nakikipaghalikan siya kay Kimberly! Tapos ngayon iaannounce niya na mahal niya ko? Like what the fuck is going on?Sinong tangang maniniwala sa kanya. Masasapak ko talaga yang impaktong yan pag nagkita kami."sagot ko.

"Eh mahal mo pa di ba? Ikaw ang nagsabi na mahal mo pa at tsaka gusto mong maging kayo ulit."sagot ni Miley. 

"Sinabi ko nga yon nung kababalik ko lang, pero sa tingin nyo ba gugustuhin ko pang makipagbalikan after ng nangyari? I've been hurt for so many time by him. I've given my all, my everything but what did I get? Too much heartache? Too much pain? Too much self pity? I will never let my self to stoop so low again, not in front of him and not in front of anyone else" sagot ko.

"Well baka may explanation naman talaga si Artie, malay mo wala naman talaga sila ni Kim. Malay mo may hindi pa siya nasasabi sayo pero bago pa man siya magsalita ay hindi mo na siya pinakinggang"sagot ni Bree at makahulugan niya kong tiningnan.

"Nasa iyo pa rin yan kung paano mo iaccept at iaapproach ang mga nangyayari. All we can say Jas is, its okay to guard your heart but don't ever let your happiness pass by" sagot ni Amber. 

"Ah basta, Ang dami ninyong sinasabi. Hindi ko na malaman kung gusto niyo ba kaming mag-away or magkabalikan.  I need to go guys."sagot ko.

"Saan ka pupunta?"tanong  nila.

"Susugurin ko yung ipis na yun. Bibigyan ko ng upper cut ng manahimik na siya." sagot ko. Natawa naman yung tatlo at nagpaalam na. 

Agad akong nagbihis. Hindi ako makakatiis na hindi siya kausapin tungkol dito. Ano bang binabalak ng lalaking yun? Nananahimik na ko? Hindi siya mapakali! Nung halos magmakaawa ako para pakinggan niya, ayaw niyang makinig. Ngayon namang suko na ko, siya itong naghahabol? Ano bang trip niya sa buhay! Oo mahal ko pa siya pero hindi sapat yun para bumalik na lang ako sa  kanya ng basta-basta. Akala niya siguro matatouch ako kapag inannounce niya sa TV na mahal niya ko, pwes nagkakamali siya. Makakatikim siya sa akin ng bugbog mamaya. Tinawagan ko si Tita George ng nasa sasakyan na ko. Agad naman siyang sumagot.

"Hello Jasmine." masiglang sagot niya. 

"Hi Tita, good evening. Kasama mo ba si Lance ngayon?" tanong ko. 

"Oo kasama ko itong boyfriend mo, bakit hindi siya ang tawagan mo?" masayang sabi niya. Ito talagang si Tita, kahit kailan botong-boto sa akin. Noon pa nila gusto ni Tita Ange na magkabalikan kami. 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon