Epilogue

167 4 0
                                    




My definition of happiness is you...

My every exciting day with you is a new...

My existence in this world was never been blue...

My dream was fulfilled because of you...

LANCE

Nagising ang diwa ko ng maramdaman kong tinatapik ako ni Jasmine. Nandito kami sa master bedroom ng bahay na ipinagawa ko para tirhan namin after the wedding. Gusto kong dumilat agad ng maramdaman kong tinatapik niya ko pero dahil sa sobrang pagod sa trabaho ay parang ayaw sumunod ng katawan ko.


"Lance..... gising ka na please..." sabi niya. Gusto kong tumayo pero talagang antok na antok ako. "Lance... kasi naman eh..." reklamo niya at maya-maya ay narinig ko na ang hikbi niya kaya agad akong napabalikwas ng higaan. Nang tingnan ko siya ay umiiyak talaga siya.

"Sorry Sweets, pagod na pagod lang ako. Please stop crying." pag-alo ko sa kanya.

"Kanina pa kita ginigising pero ayaw mong gumising. Dati naman, isang sabi ko lang sumusunod ka na agad, ngayon binabalewala mo na ako." umiiyak na sabi niya. Gusto kong matawa dahil ang cute niya. "Siguro hindi mo na ako mahal. Siguro ayaw mo na sa akin. Siguro may iba ka na. Siguro di na ko maganda sa paningin mo. Siguro...."umiiyak na sabi niya at hindi ako nakapagpigil at hinalikan ko siya bigla. Bakit ba kahit nagmamaktol siya ng ganito at umiiyak, napakaganda niya pa din talaga sa paningin ko? Wala na.... ang lakas talaga ng tama ko.

Naramdaman ko ang patugon niya sa halik ko at kahit pagod ang pakiramdam ko ay nakaramdaman ako ng init. Fuck! I want to make love to her pero pinigilan ko ang sarili ko. Kumalas ako sa kanya at agad na tinapos ang halik.

"Why did you stop? Ayaw mo na talaga sa akin!" pagmamaktol niya at umiyak na naman siya at natatawa akong yumakap.

"Sweetheart I have never learn how to dislike you Ever! I love you so much but right now, I need to control my self because if we continue kissing each other, I might want to make love to you already but you know that we can't." Paliwanag ko. Nakasimangot siya sa akin.

"Siguro dahil hindi na ko sexy no? Siguro dahil di na ko maganda sa paningin mo? Siguro may iba ka na!" umiiyak na sabi niya at natatawa akong yumakap sa kanya.

"Mahal kita... wala na kong ibang mamahalin kung hindi ikaw. Ikaw lang ang pinakamaganda para sa akin and I am dying to make love to you pero alam mong hindi pwede dahil dito." sagot ko at hinimas ko ang malaking tiyan niya. Napatingin kami pareho sa tiyan niyang malaki na ang umbok. Para tuloy siyang nakalunok ng pakwan but nevertheless, siya pa din ang pinakamaganda sa mata ko. Bakit ba malaki ang tiyan niya? Ofcourse buntis na ang maganda kong misis! Sharp shooter yata to! Jasmine is in her 7th month of pregnancy and I was the happiest when I first learned that she is pregnant.

"Sweets, you know how delicate your pregnancy is and we need to take extra care with your health and with the health of our baby." sabi ko at tumigil na siya sa paghikbi.

"Kahit na mataba na ko maganda pa din ako sa paningin mo? Wala kang ibang babae? ako lang?" parang batang sabi niya. Nangingiti akong tumango sa kanya. I expected this kind of attitude because she is pregnant at nabrief na din ako ng doctor about this kind of behavior due to her hormones.

"Ako lang ang love mo?" paninigurado niya.

"Opo sweets, ikaw lang at wala ng iba." sagot ko at matamis na siyang ngumiti sa akin at yumakap. Yumakap naman ako pabalik sa kanya. "Bakit mo pala ako ginigising? Gutom ka ba?" tanong ko dahil lagi naman siyang ganito kahit tapos na ang paglilihi niya.

"Oo heart, gusto ko ng ice cream. Nagkicrave ako." sagot niya.

"Okay, I'll give you ice cream. Tara baba tayo sa kitchen." sagot ko sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo sa kama. Nang makita kong hirap na siya dahil mabigat na ang tiyan niya ay binuhat ko na siya at kumapit naman siya sa leeg ko.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon