Chapter 31: Literally and Figuratively Confuse

140 6 0
                                    

You are giving me signals that I can't comprehend...

You are  making my heart vulnerable and I can't defend....

You are making my heart flutter again and I can't pretend...

I can't pretend that I don't love you and again my rules are being bend...

JASMINE

Nandito na ko sa bahay ngayon. Gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko ang mga ngiti ni Lance sa TV habang kausap niya si Kim. Mahal niya nga siguro kasi kung hindi, magtatagal ba sila? It has been what.. 5 years or almost 6 years simula ng maghiwalay kami pero hanggang ngayon ay sila pa din. That means that he loves her. Nakakalungkot lang kasi nakaya niyang tumagal kay Kim ng ganoon katagal samantalang binitawan niya ko ng ganoon na lang noon. It hurts me every time that the thought that he can't love me the way he loves Kim crosses my mind. Yung feeling na hindi niya kayang ibigay yung pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Kim ngayon sa akin noon. 

I started to doubt the love that we had. Did he really love me? Minahal niya ba talaga ako o nagustuhan niya lang yung idea na mahal niya ko noon? If he loves Kim now, bakit parang galit na galit pa din siya sa nangyari sa amin noon? Galit ba talaga siya dahil nasaktan siya o baka naman natapakan ko lang yung ego niya? Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko na hindi ko naman mahanapan ng sagot. Sa dami ng tanong ay mas nangingibabaw pa rin ang sakit sa dibdib ko sa pag-iisip na hindi niya ko minahal kagaya ng inaakala ko noon. 

Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil pagod na kong magisip. Ayoko ng paulit-ulit na saktan ang sarili ko. Nang maramdaman ko ang antok ay bigla naman akong nagising at parang naalimpungatan pa yata ako ng marinig kong ang ingay ng doorbell ko sa labas. Si Tita Ange palang naman ang nakakaalam ng bagong condo ko ah. Binenta ko kasi yung dating unit ko noon bago ako umalis ng bansa. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 10:00 pm na. Sino  naman ang mambubulabog sa akin ng ganitong oras? Normally, nagtetext or tatawag si Tita Ange kapag pupunta sya dito sa condo ko. Naglagay ako ng robe dahil manipis na nighties lang suot ko bago ako lumabas ng kwarto at dumiretso sa pinto. Narinig kong may pumipindot ng number ng access code ko sa labas ng unit ko. Medyo kinabahan ako. Baka mamaya magnanakaw or rapist ang nasa labas. 

Dinampot ko agad ang baseball bat na malapit sa pinto. Binili ko yun para ready ako sa mga ganitong sitwasyon. Narinig ko pa din ang pagtipa nya sa key pass ng condo ko at nagulat ako ng marinig ko ang tunog na ang ibig sabihin ay nabuksan niya ang pinto ko. Paano niya nalaman ang password ko? Nang magbukas ang pinto ko ay nakahanda na kong hampasin ang kung sino man ang nandoon pero sa laking gulat ko ay bumulagta sa harap ko ang pumasok. 

"Lance?" oo si Lance ang pumasok at ngayon ay nakahiga na sa sahig dahil bumulagta siya.  Ngayon gets ko na kung bakit niya alam ang password ko dahil birthday niya yun. Yun din naman ang password ko sa dati kong unit before. Binitawan ko ang baseball bat at lumapit sa kanya.  Inamoy ko siya at naamoy kong amoy alak siya. Anong problema ng isang ito?

"Lance... gising...." tawag ko sa kanya dahil nakapikit siya sa sahig. Napaatras ako ng bigla siyang dumilat. 

"Sweetsss... my sweet lips..." tawag niya sa akin. Yan naman kasi ang endearment niya sa akin noon. 

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit lasing na lasing ka?" inis na tanong ko. Bakit kasi niya pinabayaan ang sarili niya ng ganito. 

"Totoo bang nandito ka sweets? totoong nandito ka sa tabi ko?"' tanong niya at hinawakan niya ang pisngi ko. "You are the most beautiful woman in this world sweets.. ngiti mo pa lang nahuhulog na ko..."dagdag niya na ikinakunot ng noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ba girlfriend niya si Kim?

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon