Nasasaktan ako sa panlalamig mo...
Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat maramdaman ko...
Dapat bang hayaan lang kitang lumayo...
O dapat bang ipaglaban ko ang puso ko?
JASMINE
Nandito ako van na dala namin ngayon papuntang Baguio. Hindi natuloy ang plano namin na magPuerto Galera dahil gusto nilang makasama si Bree. Kung ako lang, hahayaan ko muna si Bree. Maybe she needed space and she needed to be away from all of this. Kaso ang magagaling naming mga kaibigan lalo na itong apat na lalaki na kasama ko sa loob ay makulit at ayaw paawat at talagang ginusto pang pumunta sa Baguio.
Gamit namin ang van nila Ethan. Dapat magseseparate na lang kaming mga babae ng sasakyan dahil ayokong kasama itong girlfriend ni Ethan na mukhang kulugo sa loob ng van pero nag-insist sila na isang sasakyan na lang kaya wala akong nagawa. Kanina ko pa gustong sabunutan itong si Celine dahil kung makaPDA kay Ethan wagas na wagas. Wala bang delikadesa itong babaeng ito? Kanina pa lingkis ng lingkis kay Ethan samantalang alam niyang nandito kami at nakikita namin sila. Kung nakakamatay lang ang mga tingin, malamang kanina pa nakabulagta itong maharot na babaeng ito.
Mas pinili ko na lang isuot ang eye mask ko at magkunwaring natutulog kaysa makita ko itong mahaderang babaeng ito. Ewan ko ba naman kay Ethan, halata namang napipilitan lang siya pero ayan, hinahayaan niya lang. Eh kung nagtatapat na siya ng feelings niya kay Bree, eh di sana tapos na ang drama nila ngayon. Ang hirap sa kanila, ang tagal na nilang nagatataguan ng nararamdaman. Well, ayoko na silang ijudge. Ganun din naman kasi ako. Magulo ang utak. Magulo ang lahat pag puso na ang kalaban.
Kanina, noong pasakay na kami ng van, hinatak ko na agad si Amber dahil mukhang si Miley ay kay Liam tatabi. Ayokong magkaroon kami ng pagkakataon na magkatabi ni Lance dahil baka hindi ako makapagpahinga sa biyahe. Gusto ko siyang kausapin kanina pero mukhang ayaw niyang makipag-usap. Seryoso ang itsura niya kanina ng dumating siya. Para ngang hindi niya ko nakita. Para ngang wala siyang intensiyon na tingnan ako. Nandoon sila sa likod ni Josh. Sila ang magkatabi. Si Miley, si Liam, Ethan at Celine ang magkakatabi sa upuan sa likod ng driver. Kami ni Amber ang magkatabi dito sa gitna at sila Josh at Lance nga ang nasa dulo.
Nang sinubukan kong lumingon para makita ang ginagawa niya ay nakita kong nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang nakasuot ang headphone niya sa tenga niya. Dahil alam kong hindi niya napapansin na tinitingnan ko siya ay hindi pa din ako kumilos at nanatiling nakatingin sa kanya. Bakit parang ang lungkot niya? May problema kaya siya ngayon? May masakit ba sa kanya? Ang dami kong gustong itanong. Gusto ko siyang kausapin kagaya noon. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti niya pero anong magagawa ko? Eh mukhang galit na galit siya sa akin. Gusto kong magpaliwanag pero mukhang sarado na ang isip niya. Mukhang hindi na siya interesadong pakinggan ako. Siguro para sa kanya, madali lang talagang magdispose ng babaeng kagaya ko.
"Jas, wag kang masyadong obvious." Bulong ni Amber. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin pala siya sa akin. Dumiretso ako ng upo sa tabi niya.
"Sorry." sagot ko.
"Kaysa tingin ka lang ng tingin sa kanya, bakit hindi mo kausapin?" tanong ni Amber. Ngumiti lang ako sa kanya. "Now I am getting curious kung ano bang nangyari sa inyong dalawa."mahina pang sabi ni Amber para siguro hindi kami marinig ng mga kasama namin.
"It's a bit complicated, I will tell you soon but not now. Masyadong madaming audience dito" sagot ko at inirapan niya lang ako habang nakangiti.
"Ang boring naman ng byahe natin... Bakit ba kasi, itong si Arthuro ang katabi ko sa halip na sexy at magandang babae.." narinig kong comment ni Josh sa likod. Napatingin kami sa kanila. Nakita kong hinubad ni Lance ang headphone niya at nakakunot na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomansaAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...