Hindi ako makakapayag na mawala ka...
Ilalaban ko ito kahit kamatayan pa...
Ang humadalang sa ating dalawa...
Hanggang sa dulo dapat kasama kita...
LANCE
"You will do what ever I want from now on. Got it?" seryosong sabi ko. Naiiyak siyang tumango habang nagliliyab pa din ang dibdib ko sa galit. Gusto ko na naman siyang saktan pero nagpipigil ako dahil gusto kong malaman kung sino yung hayop na nag-utos sa kanya para saktan si Jasmine. Gusto kong malaman kung sino ang may galit sa babaeng mahal ko at paano nila naatim na gumawa ng ganitong bagay.
"Sinabi mong wala kang personal na galit sa girlfriend ko. Kung ganoon, may nag-utos sayo? Tama ba?" tanong ko.
"Opo. Napag-utusan lang po talaga ako. Kinailangan ko pong makahanap ng donor para puso ng kapatid ko at kinailangan ko pong makakuha ng malaking pera para sa operasyon niya kaya po kahit ayoko, sinaksak ko po si Ma'am Jasmine." sagot ng lalaki sa akin.
"Elias yung pangalan mo di ba?" tanong ko. Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Now Elias, sino ang walanghiyang nag-utos sayo?" tanong ko.
"Baka po patayin nila ang kapatid ko kapag nagsalita ako." naiiyak na sabi niya. "Ang sabi po ng nag-utos sa akin, may mga tauhan siyang nakabantay sa hospital at kapag nagsalita ako, papatayin nila ang kapatid ko. Kaya patayin ninyo na lang po ako sir..." umiiyak pa ding tugon niya.
"Josh... call your connection. Secure the hospital." sabi ko kay Josh.
"Got it! Consider it done." sagot ni Josh at tumawag na siya sa phone niya. Nakipag-usap siya sa mga tao niya sa loob ng hospital. Minsan naaamaze ako sa mga kaibigan ko eh. Lahat talaga sila may kanya kanyang connection. May security agency kasi itong si Josh eh. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap niya ay lumapit siya sa akin.
"Hospital is clear. Nakuha na nila yung mga tao na sinasabi nitong si Elias. Ang baduy naman nung nag-utos sa kanya. Maglalagay lang ng bantay sa kapatid nitong mokong na ito, kala mo naman madami eh dalawa lang. Ang cheap ah. Nahiya naman yung army ko sa kanila." natatawang sabi ni Josh. "Maghahire lang ng sniper yung gunggong na yun, eh parang uugod-ugod na yung kinuha. Ang cheap talaga." naiiling pa na dugtong niya. Natatawa akong tumingin sa kanya.
"Thanks bro. I owe you one." sagot ko at nakipagfist bump pa ko sa kanya.
"Anong one... madami ka ng utang sa akin noh. Tutulungan mo ko kay Amber pagkatapos nito." sagot niya.
"Sure..." sagot ko.
"Mga sira-ulo kayo. Bilisan niyo na. Nang matapos na ito. Mapapatay ako ni Breena pag late ako umuwi lalo na at alam niyang nasa hospital pa si Jasmine." sabi ni Ethan.
"Under lang pre?" natatawang tukso ni Liam.
"Hindi ako under noh! Mahal ko lang. Mahal ko lang talaga." sagot ni Ethan.
"Eh di wow." sagot naman ni Josh.
"Teka nga... nasa action at drama tayo eh. Nagsisimula na naman kayo ng comedy! mamaya na yan!" saway ko sa tatlo. Ang mga mokong ay kanya-kanya pang nagApir sa isa't isa. Mga mokong talaga! Lumingon ako kay Elias na nanginginig pa din sa takot.
"Mabalik ako sayong sira-ulo ka. Secured na ang kapatid mo. Secured na din ang puso sa operasyon niya. Ngayon, sabihin mo sa akin kung sinong nag-utos sayo kung hindi, hindi ka na aabutan ng araw pati yung kapatid mo. Hanggang dito na lang yung kabaitan ko." seryoso kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...