Chapter 29: Baliw lang!

148 4 0
                                    

Bakit pag dating sayo...

Ako ay laging natutuliro...

Hindi makontrol sarili kong puso...

Nagugulo mo ang buong mundo ko...

LANCE

Mukha akong tanga ngayon. Naiwan na naman ako sa parking lot na tuliro. Kanina lang ay gusto kong alisin si Jasmine sa buhay ko at nag-iisip na ko ng mga paraan para mainis siya sa akin at layuan na lang ako. Pero ng makita kong pagod na siya, nang makita kong pagod na siya sa pakikipagtalo sa akin at pagpapaliwanag, nang makita kong gusto niya na lang sumuko at magquit sa lahat, pakiramdam ko nagulo muli ang sistema ko. Nakita kong ready na siyang igive up ang pagiging artista na inaakala kong nagpapasaya sa kanya noon pa. It was a shock to my system when I realize that she is not happy with the decision that she made. Ang buong akala ko, iniwan niya ko noon dahil masaya siya sa buhay na pinili niya pero mali pala ako.

Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa pagpapanic ng sabihin niyang ayaw niya na and that is when I realize that when she give up, wala ng dahilan para magkita kaming muli. She will have her own way and I will have mine. Ang pagiging artista na lang naming dalawa ang nagiging dahilan para magkalapit kami ulit pero kung hihinto siya, wala ng dahilan para magkaroon pa kami ng ugnayan and that fact irritates me. Hindi ko alam na ganoon ang mararamdaman ko. I thought I will be good without her pero bakit ganito ang nararamdaman ko. I was mad and angry whenever the thought of not seeing her again cross my mind. Bakit ganito? Nababaliw na ba ako.

Nasaktan ako noon and I hate her for that. Pero kapag sinasabi niyang sinaktan ko din naman siya, na pinalitan ko din naman agad siya ay may guilt akong nararamdaman. Madalas sampal sa mukha ko sa tuwing sinasabi niyang ako yung unang bumitaw, na ako yung unang nakipaghiwalay. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na ano bang magagawa ko? Nasaktan ako eh! Natural lang na makipaghiwalay ako!

Kapag nakikita kong umiiyak na siya sa harapan ko lahat ng rason ko noon kung bakit ako nakipaghiwalay ay parang nawawala and I hate it. Ang akala ko pag nagkita kami after several years ay okay na ko. Akala ko makakaya ko na siyang harapin pero habang tumatagal ay parang bumabalik lahat sa akin. Bumabalik lahat ng sakit, lahat ng tampo, lahat ng galit ko noon pero hindi lang iyon...bakit parang pati ang nararamdaman ko sa kanya ay nagbabalik din at iyon ang bagay na hindi ko matanggap. I thought I was over her pero bakit parang hindi pa pala. Naalala ko bigla ang last conversation namin over the phone noon.

Flashback:

Nandito ako sa isang commercial shoot. Pumutok na ang balitang paghalik ko kay Kimberly sa airport. Well, ginawa ko lang naman yun para matigil na ang mga chismis sa kanya sa pagiging tomboy niya. Kaibigan ko siya eh, kaya tulungan lang. Boyish kasi yun si Kim pero parang kapatid na ang turing ko dun. Isa pa, ano pa bang dapat kong pangilagan eh hiwalay naman na kami ni Jasmine. Technically ay hiwalay na kami dahil iyon ang sinabi ko.

Wala eh, galit pa din ako sa kanya eh and I don't know kung maayos pa namin ito. She is trying to make an effort pero anong magagawa ko, sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik sa akin yung mga oras na hopeless ako at kailangan ko siya, yung mga oras na binaliwala niya ko. Isang linggo na ang nakalipas matapos yung nangyari sa amin ni Kim sa airport. Tawag pa din ng tawag si Jasmine sa akin pero hindi ko sinasagot. Gusto kong maramdaman niya yung pakiramdam ko noon na para akong praning kakaisip kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.Ganito siguro talaga ang taong nasasaktan, kahit mahal mo pa siya, gaganti ka dahil nasaktan ka.

Nakita kong may text na naman siya. Gusto kong balewalain na lang pero medyo naagaw noon ang pansin ko.

From My Sweet Lips:

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon