Chapter 48: Forgiven

137 4 0
                                    

Kahit pala kahit anong inis ko...

Kahit pala anong galit ko...

Kahit pagganti ang nasa isip ko...

Hindi pa din pala ako masamang tao...


JASMINE

"Jasmine, pwede ba kitang makausap. Please..." sabi ng tao sa labas ng pinto.

"Direk Lyla..." bulong ko. Malungkot siyang tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito and how did you know that I live here?" tanong ko.

"I'm sorry. I know it is a bit late and I might disturb you pero sana hayaan mong makausap kita kahit saglit lang." pakiusap niya. Gusto ko siyang tanggihan dahil kinamumuhian ko pa din siya magpahanggang ngayon pero pagod na kong magalit sa mga nangyari noon and besides, okay naman na kami ni Lance ngayon.

"Come in." sagot ko at niluwagan ko ang pinto para makapasok siya. Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Pinaupo ko siya sa sofa sa living room ng condo ko.

"What do you want? Coffee? Tea? Juice? or Beer?" tanong ko.

"Maraming salamat. Hindi ka na dapat mag-abala. Ako yung may atraso sayo eh." sagot niya.

"Nope. I insist. I am still a human and I act like a human. It is proper to give something to a visitor." malamig na sabi ko. Tipid siyang ngumiti.

"Coffee na lang." sagot niya. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng coffee. Naglabas din ako ng slice ng cake na dala pala ni Lance kagabi ng magpunta siya dito. Inihain ko sa kanya ang mga inihanda ko. Umupo ako sa harapan niya at nakita kong tense na tense siya at hindi makatingin ng diretso sa akin. Uminom siya ng kape na inihain ko sa kanya.

"So what do you need? I guess nasabi ko naman na lahat last time na nag-usap tayo." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naiintimidate siya sa akin. Well, iba na kasi ang aura ko ngayon kaysa noong baguhan pa lang ako sa industriya habang handle niya ko. Tumingin siya ng diretso sa akin at nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at umiiyak na tumingin sa akin. Napadiretso ako ng upo.

"What the hell are you doing?" amaze na tanong ko.

"Alam kong desperado na kong tingnan sa ngayon and kinakain ko na din lahat ng pride ko sa mga oras na ito. I am so sorry Jasmine. Alam kong wala akong karapatang hingin ang kapatawaran mo pero susubukan ko pa din ngayon at kakapalan ko na ang mukha ko at makikiusap akong tanggapin mo yung movie offer sa inyo ni Arthur at ako ang magdidirect." umiiyak na sabi niya.

"At bakit ko gagawin yun? Bakit kita gagawan ng pabor? I think I already made my self clear a few days ago na hindi ko tatanggapin ang kahit anong project kung ikaw ang direktor." nakataas kilay na sabi ko. Umiyak na naman siya at patuloy na lumuhod. "Tumayo ka na diyan, hindi ko kayang may lumuluhod sa harapan ko. Hindi ako masamang tao kagaya mo." inis na sabi ko sa kanya.

"You were right back then, na mas importante pa din ang mga taong mahal mo kaysa sa career mo...that was I realized all this year. Karma ko na siguro ito dahil sa ginawa ko sayo noon and I am too sorry. Kung maibabalik ko lang ang lahat ay hinayaan sana kitang umuwi noon para hindi kayo nagkasira ni Arthur. Kung hindi sana ako naging makasarili noon eh di sana hindi ako nakasira ng buhay ng ibang tao." umiiyak na sabi niya and still nakaluhod pa din siya.

"Can you go straight to the point? Ayokong iiyakan mo lang ako at kukunsyensyahin mo ko sa mga nangyayari sayo ngayon." naiinis pero tinatablan na ko ng awa sa itsura niya. Magulo ang buhok niya, ang damit niya ay mukhang hindi pa naplantsa at mukhang ilang araw na siyang walang tulog. Napansin ko na mukhang pagod na pagod siya kaya tinatablan na din ako ng awa.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon