Ngayon nagiging malinaw na ang lahat...
Na noon ang tiwala ko sayoý hindi naging sapat...
Mamahalin na kita ng marapat...
Kahit humadlang man ang lahat...
LANCE
Nasa office na kami ngayon ng agency nila Jasmine at sadyang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ang kaninang mga matatamis niyang ngiti ay napalitan na ng galit at luha.
"Stop... don''t ever go near me again...Lyla..." matapang na sagot ni Jasmine kay Direk Lyla. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi na ba siya marunong gumalang sa isang direktor ngayon? At bakit parang galit na galit siya? "Ano na namang plano mo? Sa tingin mo ba mapapakinabangan mo na naman ako? Well guess what, go to hell and don't mess up with me again!" matapang na sabi niya kay Direk. Naguguluhan ako na tumingin sa kanya. Bakit nagiging bastos siya. Kahit hindi na sikat si Direk Lyla ngayon ay direktor pa din siya.
"Jasmine!" saway ko sa kanya at galit at naiiyak siyang tumingin sa akin.
"Stop! Just stop Lance. You don't know what that woman did to me... to us.." sagot niya sa akin na lalong ikinagulo ng utak ko. Ano bang ginawa ni Direk Lyla sa babaeng mahal ko? Ang pagkakaalam ko, siya ang direktor noon ni Jasmine sa movie niya na ipinanglaban sa Cannes bago kami maghiwalay.
"Jasmine, matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko and all I ever want is to gain your forgiveness." malungkot na sabi ni direk. Napanganga ako, anong meron? Bakit siya nagsosorry at humihingi ng tawad? Ano bang hindi ko alam.
"You will never...ever gain my forgiveness! You bitch!" maanghang na sabi ni Jasmine. Nagulat ako. Hindi ko siya naririnig magmura madalas. Pwera na lang kapag galit na galit siya.
"Jasmine enough!" saway ni Tita Ange. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Gusto kong lapitan si Jas kahit na gulong-gulo ang utak ko.
"You as well Tita, you shut up as well! Nandoon ka noong halos gumuho yung mundo ko ng dahil sa babaeng yan... then what? Hinayaan mo pa siyang makita ako ngayon? For what? Tell me! For what!" sumisigaw ng sabi niya kay Tita Ange. Kahit kailan ay hindi ko nakitang sumagot-sagot si Jasmine sa manager niya. Mataas ang respeto niya dito kahit noon. She is like her second mom kaya nakakagulat. Hinigit ko ang bewan niya para mapalapit siya sa akin at mapakalma pero nagpumiglas lang siya.
"Jasmine, matagal na iyon. Gusto nang magsorry ni Direk Lyla... Siya ang magiging director niyo ni Lance sa movie nyo." sagot ni Tita Ange. Woooaaahhh. Siya pala ang magiging direktor namin. Aminin ko man o hindi, magaling na direktor si Direk Lyla at noon ko pa siya gustong makatrabaho kaso madaming balita na may attitude problem siya.
"To hell with that Goddamn movie! Hindi ko yan gagawin over my dead body!" umiiyak nang sagot ni Jasmine. Gusto kong manapak ngayong nakikita ko siyang umiyak. Ano bang ginawa ng babaeng ito para magalit sa kanya si Jasmine ng ganito. She have all the great patience at maunawain siya, dahil kung hindi baka di niya ko napagtyagaan kaya nakakapagtaka na galig na galit siya ngayon. Nanghihinang napaupo si Jasmine sa sofa. "Why all of you is trying to hurt me again! Bakit laging ang unfair niyo sa akin!" umiiyak ng sabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot akong itaboy niya ko. "Tita, you were there when I am begging everyday para makauwi lang kay Lance... but what did you do now? Gusto mo pang gumawa ako ng movie at maging direktor ang bruhang yan? Alam mo kung anong pinagdaanan ko! Alam mo kung paano ko binaba ang pride ko! Alam mo kung paano ako nasaktan ng paulit ulit...pero bakit? bakit Tita?" sabi ni Jasmine. Nag-aalala akong tumingin sa kanya? Nagmakaawa siyang makauwi noon sa akin? So ibig sabihin noong inaakala kong masaya siya doon at kinalimutan niyang kailangan ko siya ay hindi totoo. Ibig sabihin sinukukan niya palang umuwi. "At ikaw! Lagi kang paurong-sulong! Wala kang ginawa kung hindi saktan ako ng paulit-ulit! Punong-puno na ko sayo! Ano bang tingin mo sa akin... laruan mo.. pag ayaw mo itatapon mo... pag gusto mo na ulit pupulutin mo? Hanggang kailan mo paglalaruan ang damdamin ko? Ang bilis mong mapagod.. ang bilis mong bumitaw...ang bilis lang sayo na iwan ako ng paulit-ulit gayong hindi mo naman talaga alam ang totoong nangyari noon!" umiiyak na sabi niya. Parang gusto ko ng maiyak sa sinabi niya. Totoo nga, totoong naging selfish ako noon. Sarili ko nga lang talaga ang inisip ko. I was too full about my own pain kaya ni minsan ay hindi ko siya pinakinggan. Tumingin siya kay si Direk Layla na parang maamong tupa na ngayon. "At ikaw! masaya ka ba nang sinira mo ang buhay ko. I beg and beg and beg to you that I want to go home....everyday... every hour... pero anong ginawa mo? You are cruel enough to ruin my life just to save your fucking pride and your fucking career!" sigaw ni Jasmine. So ibig sabihin totoong nagmakaawa siya noon? Fuck! nagiguilty na ko ngayon. Matapos kong isisi sa kanya lahat without knowing what happen tapos ganito pala ang dinanas niya. Gusto ko ng sakalin si Direk Lyla at sakalin ang sarili ko. "And what now? You want me to be the star of your show? Manigas ka! Kahit magmakaawa ka sa akin araw-araw, kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan ko... hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo sa akin..." sigaw ni Jasmine. Grabe ang galit niya kaya mas gusto ko talagang malaman ang buong pangyayari noon. She sarcastically smile. "You even said that you are wrong for choosing me to have the lead role in your movie before...so ano na ngayon? Kinain mo na yung mga sinabi mo?" dagdag niya pa. Nakakatakot pala si Jasmine pag nagagalit na.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...