Hindi ako papatalo sa iba...
Wala akong planong ipamigay ka...
Ngayon na akin ka na...
Wala ka ng kawala...
JASMINE
Matapos naming mangabayo ay nagpunta kami sa hotspring dahil nga mukhang nalunod si Bree. Buti naman okay na siya now. Si Ethan naman ang nag-alaga sa kanya. Tingnan mo yung dalawang yun.... hindi din matiis ang isa't isa. Ngayon hindi na sila mapaghiwalay. At take note, silang dalawa na. Wala na ang asungot na si Celine.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko na alam kung paano ikwento. One moment, magkagalit sila, ngayon ang sweet na nila. At hindi lang iyon, ipinagkasundo sila ng mga magulang nila at after graduation ikakasal na sila. Jusmiyo Marimar! Grabe yung lovestory nila... sumasabay sa digital era. Ang lakas makaroller coaster na romcom ang peg nila. Sana all! yun yung gusto kong isigaw eh.
Pabalik na kami ng Manila ngayon. Magkakaiba na kami ng pwesto. Ang magaling na si Josh, aba! inunahan ako sa pag-upo sa tabi ni Amber. Kaya heto, magkatabi kami ni Lance sa dulo. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang topak nitong lalaking ito. Hindi na naman namamansin. Daig pa yung babae kung magtampo. Actually, nagstart lang naman siyang magsungit ng tumawag sa akin si Matthew sa phone. Ang bakla kong friend. Siyempre hindi ko pinagsasabi yun, kasi nga makakasira sa image niya bilang model at aktor. Nagalit ang magaling na lalaking katabi ko ng sagutin ko yung tawag ni Matt. Hindi ko alam kung bakit.
Flashback:
Nasa garden kami ngayon ni Lance. Uuwi na kami sa Manila bukas. So far, medyo okay na kami. Nagbibiro at nang-aasar na siya ulit. Kapag kumakain nga kami ay sa akin na siya tumatabi. Alam kong nahahalata na din ng mga kaibigan namin pero wala naman kaming paki dalawa.
Nasa swing ako at nakaupo at nasa kabila naman si Lance. Nakatingin ako sa langit dahil madaming start ngayon. Ang ganda talaga ng klima dito at nakakarelax ang mga scenery. Nang tumingin ako kay Lance ay nakita kong nakatingin siya sa akin. Hindi lang tingin...titig na ang ginagawa niya. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Mabuti na lang talaga at medyo madilim dito sa garden.
"You're blushing..." sabi niya. Paano naman niya nakikitang namumula ako eh ang dilim nga.
"Hindi kaya...." nakapout na tanggi ko.
"You're cute when you pout like that." sagot niya.
"Ano ba Lance, gabi na ang landi-landi mo pa." natatawang sabi ko para itago ang kilig ko.
"Sana laging ganito no' walang problema, walang away, walang tampuhan." sabi niya.
"Ikaw lang naman itong, hindi ako hinahayaang magpaliwanag eh." sagot ko.
"Eh sino ba itong bigla na lang lumayas matapos kong halikan?" nakataas na kilay na sagot niya. Natahimik ako ng saglit at nag-isip bago nagsalita.
"I was afraid..." sagot ko at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. "Sanay akong kontrolado ko yung feelings ko. Sanay akong kontrolado ko lahat ng emosyon ko... but when you're around, all my self control just evaporates." dagdag ko. Tahimik siyang nakikinig kaya ipinagpatuloy ko lang ang mga sinasabi ko. "First time kong mawalan ng kontrol sa lahat. I was lost with my own emotion. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Sa sobrang gulo ng isip ko noon ay nagpanic ako. Natakot ako sa na nararamdaman ko kaya pinili ko na lang tumakbo." dagdag ko pa. "I'm sorry if you think that I run away from you, Gusto ko lang makapag-isip noon ng mag-isa. I was about to call you pero nasa Hongkong ka na." dagdag kong muli.

BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...