Chapter 5: Affected

165 4 0
                                    

Talagang naguguluhan na ako...

Pakiramdam ko dehado na ang puso ko...

Alam kong hindi ko dapat maramdaman ang mga nararamdaman ko...

Sapagkat tuluyan na yatang nahulog ang puso ko sayo...

JASMINE

Nababaliw na ba ako? Bakit parang big deal na hinalikan niya ko sa noo. Sa noo lang yun eh. Halik pangkaibigan lang yun. Halik paggalang lang! Ano ka ba naman Jasmine. Parang hinalikan ka lang humohopya ka na agad! Parang hinalikan ka lang affected ka na? Juskolord! Ang daming lalaking nababaliw sayo, Si Lance lang yun! Si Lance lang yun!

Inaaway ko na yung sarili ko dahil gulong-gulo ako. Parang kahapon lang kaaway tingin ko sa kanya. Pero ngayon... kahit anong isip ko, bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Bakit parang ang cute-cute niya at ang hot-hot niya. Naku ka Jasmine! Tinamaan ka ng magaling! Yung lips niya, yung mata niya, yung ilong niya! lahat perfect! Parang ang sarap niyang halikan! Omgeee! Kinikilabutan na ko sa mga iniisip ko. Nasa matino pa ba akong pag-iisip?

Hindi maalis alis sa isip ko yung mga ngiti niya, yung mga tawa niya sa mga kwela kong sagot, yung mga tingin niyang seryoso kapag nagsasabi siya ng totoo at yung bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing titingnan niya ko. Bakit ganun? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Sanay akong nambabasted ng mga lalaki. Sanay akong nagpapaiyak... pero bakit parang nagkandaleche leche na ang puso ko dahil kay Lance. See, para akong batang sinunod siya ng sabihin niyang Lance ang itawag ko sa kanya. May gayuma kaya siyang ibinigay sa akin? Oh nooooohhhh! I am doom!

Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa kakaisip. Medyo okay na yung paa ko ngayon. Medyo maga pero nailalakad ko na. Pero ang nakakainis ay ang naghuhumiyaw kong eyebags. Kahit anong takip ko ng concealer, pumuputok pa din sa eyebags ang mga mata ko. Kasalan ito ni Lance. Kasalanan ito ng tipaklong na yun. Kasalanan ko din dahil masyado akong apektado. Pinilit kong bumangon kanina dahil masama ang pakiramdam ko. Feeling ko sinisinat ako pero kailangan kong pumasok dahil may ipapasa pa kong papers ngayon. Naulanan kasi ako kahapon kaya siguro ako ganito.

Paakyat na ko ng Architectural Building ng pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko. Pupunta sana ako sa elevator kanina kaso nakita kong maraming tao at malilate na din ako sa klase ko kaya naisip kong akyatin na lang. I can sense sweats all over my body. Ang lamig ng pawis ko pero sige pa din ako sa pag-akyat. Napahinto ako dahil naramdaman kong nanlalabo na ang mata ko. Naramdaman kong nangingnig na ng husto ang tuhod ko at nabitawan ko na ang dala kong bag. Napakapit ako sa hagdan dahil pakiramdam ko ay malalaglag na ko. Gusto kong humingi ng tulong pero parang walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nagdidilim na ang paningin ko ng may makita akong anino sa harapan ko.

"Hi Sweets..." hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero yun ang huli kong narinig bago bumigay ang buong katawan ko at magdilim ang buong paligid ko.

Nagising ang diwa ko dahil pakiramdam ko nauuhaw na ko pero hindi ko maidilat ang mata ko. It felt that my throat seems so dry. I felt so cold and so numb. My whole body is aching and I can't even recognize where is the pain coming from. My head ache, my throat ache, my body ache, lahat na lang ata masakit. Gusto kong dumilat pero di ko magawa dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Pero ramdam kong may mga tao sa paligid ko dahil rinig ko ang boses nila.

"Hey dickhead! Calm down!" rinig kong sabi ng isang boses. Si Liam ba yun?

"Walang magagawa yang kaba at pagiging ngarag mo. Letche ka umupo ka nga." si Josh ata yun.

"You're such an arse! God! Go back to your senses. Mukha kang tanga!" si Ethan naman ata yun.

"Hindi nyo kasi nagegets, paano kung wala ako dun. Paano kung di ko siya nasalo? Paano kung napaano siya?" Si Lance yun. Kilala ko na ang boses niya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon