Kung noon sumuko ako...
Kung noon pinaniwala kong walang tayo...
Ngayon ilalaban ko na ang nararamdaman ko...
Dahil habang buhay nasa iyo ang puso ko...
LANCE
Nakakainis! Ayaw pa din ako pakinggan ni Jasmine. Hindi ko naman mahatak si Kim ngayon para tulungan akong magexplain dahil kailangan siya ng daddy niya sa ibang bansa! Pucha! kakatulong ko sa kaibigan ko, yung puso ko naman ngayon ang dehado. Paano ko masasabi sa kanya ang totoong nangyari kung lagi siyang iiwas at lagi niya kong sisinghalan. Ramdam ko ang galit niya. Kahit nakipaghiwalay ako noon sa kanya never siyang nagalit sa akin ng ganito at never din naging sarado ang utak niya sa mga explanation ko. Dati nga tinawagan niya pa ko para malaman ang totoo ng napabalita ang halikan namin ni Kim sa airport di ba? Pero ngayon ni tingnan o pakinggan man lang. Siguro nga ay napagod na siya. Pero naniniwala akong hindi pa tapos ang love story naming dalawa. Alam ko na worth it lahat kung ilalaban ko ito. Tingnan mo nga si Ethan, nilaban niya yung nararamdaman niya. Ngayon totoong kasal na sila ni Louise at magkakaanak pa! Ang swerte ng mokong na iyon. Kakainggit! Buntisin ko na lang kaya si Jasmine ng hindi na makawala sa akin!
Ang hirap kasi ng sitwasyon ko eh! Gusto kong sabihin sa kanya yung side ko pero ayaw niya ng makinig. Hindi kagaya noong kami pa, papakinggan muna niya ko bago magagalit. Pero ngayon sarado na ang isip niya at ayaw na niya kong pakinggan. Naisip ko, ganito rin kaya yung naramdaman niya noon when I break up with her without listening to her reasons? Ganito din ba kasakit yung naramdaman niya when I didn't pay her any attention because I am busy dealing with my own pain not knowing that she is in pain too? Is there any justifiable reason from what I did before? Ngayon narerealize ko na naging selfish din ako noon. Naging selfish ako dahil hindi ko man lang siya pinagpaliwanag at basta na lang akong bumitaw. Ni hindi ako nakinig sa mga gusto niyang sabihin and worst hinayaan ko pa siyang maniwala na may mahal akong ibang noon dahil lang sa gusto ko siyang masaktan. Mali na nakipaggantihan ako sa kanya noon kaya ngayon hindi ko siya masisi kung masyado na siyang pagod.
Simula ng dumating siya, wala na kong ginawa kung hindi manumbat. Wala na kong ginawa kung hindi sisihin siya sa mga sakit na naramdaman ko and all she did was to say sorry and try to appease me. Lahat ng kasalanan inako niya kahit na alam naming dalawa na may kasalanan din ako noon sa kanya. What did I get from being impulsive and from rushing all my decision in life? Nasaktan lang naman kami pareho and for fuck sake! ayaw niya na, nasagad ko na lahat ng pasensya niya. Ang akala ko kasi noon kaya kong magmahal ng iba. Ang akala ko noon kaya kong kalimutan siya pero ng bumalik siya, nayanig ang mundo ko. Nang makita ko siya sa airport ayaw ko mang aminin noon ay sabik akong yakapin at halikan siya pero nagpigil ako. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na she doesn't deserve my love. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal at hindi ko na siya kailangan sa buhay ko pero maling-mali ako dahil lahat iyon ay hindi totoo. Nang makita kong gusto niya ng sumuko ay biglang nagpanic ang sistema ko. Sobrang nasaktan ako ng sinabi niyang wala na kong babalikan ng kinailangan kong umalis kasama si Kim noon. I wanted to just stay and go back to her pero I don't have any choice back then.
Flashback on 4 months ago...
Kabababa ko lang ng tawag ni Jasmine at kasalukuyang nasa eroplano na ko. Naghihintay na lang kami na umandar ito. Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan ako ni Kim.
"Art... saan ka pupunta? Paalis na tayo." pigil niya sa akin.
"I am sorry Kim. I can't go. Galit na galit na si Jasmine sa akin. I don't want to add another pain to her. If you want susunod na lang ako." sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Любовные романыAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...