Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Ang manatili muli sa tabi at muli kang mahalin?
O ang tumakbo palayo at iwan kang muli...
Dahil alam kong masasaktan na naman ako kung sakali...
JASMINE
Nanginginig pa din ang katawan ko hanggang ngayon kahit alam kong nasa loob na ko ng sasakyan. Yakap pa din ako ni Lance. Hindi ko alam kung natatakot ba ko dahil nakita kon duguan na ang mukha ni Denver kanina o natatakot ako sa lalaking nakayakap sa akin dahil hindi ko alam na kaya niyang manakit ng ganoon at dahil pa iyon sa akin.
Nagiguilty ako. Dapat hindi na ko lumabas ng condo kung alam kong mangyayari ito. Dapat nagstay na lang ako at doon na lang naglibang. Bakit ba kasi hindi available si Miley at si Amber. Hindi ko naman mayaya si Bree dahil maselan ang paglilihi niya. Since alam kong Bar ni Josh yun na normal naman naming puntahan ay naging kampante ako! Malay ko bang nandun yung peste kong ex. Kung ex ko nga ba siyang matatawag dahil hindi naman ako naging seryoso sa kahit na kaninong lalaki noon maliban kay Lance.
Naiiyak pa din ako habang nasa kotse dahil ngayon lang talaga ako nakakita ng ganoong suntukan sa mismong harap ko. Naramdaman ko na humigpit ang yakap sa akin ni Lance kasabay ng paghalik niya sa noo ko kaya medyo kumalma ako. Naramdaman kong may likidong pumatak sa binti ko since nakadress ako. Napatingin ako at nakitang kong may dugo. Napatingin ako sa lalaking katabi ko at nakita kong dumudugo ang kamao niya.
"Oh My God Lance... you are bleeding!" natatarantang sabi ko. Umalis ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ang kamao niyang puro dugo. Napatingin siya sa akin dahil mukhang naiiyak na naman ako.
"Sweets, please stop crying. Alam mong ayoko ng nakikita kang umiiyak and besides, malayo sa bituka yan." mahinahon niyang sagot sa akin.
"No! there is a lot of blood. We need to go to the hospital. Baka mainfect pa yang sugat mo." nag-aalalang sagot ko.
"Hindi na kailangan. You need to go home first. Alam kong nashock ka sa nangyari." malumanay niyang sagot ulit.
"Nope! Arthur Lance Suarez! Pupunta ka sa hospital o bababa ka ngayon sa sasakyan ko?" inis na sabi ko dahil ayaw niyang makinig. Ako pa din ang gusto niyang unahin. Nakakunot ang noo niya ng tumingin sa akin at unti-unti ay sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Kahit kailan talaga tiklop ako pagdating sayo. Oo na. Pupunta na tayo ng hospital. Parang gasgas lang yan eh kumpara naman sa pagdurog ko ng mukha ng gagong iyon!" natatawang sagot niya.
"Yan! Isa pa yan! Sinong nagsabi sayo na bangasin mo yung mukha ng isang iyon. Tingnang mo tuloy ang nangyari sayo." sagot ko. May kakayahan na kong manermon dahil medyo kalmado na ko.
"Eh bastos yung gagong yun eh! Sino siya para bastusin ka! Pucha ni dulo ng daliri mo ayaw kong mahawakan ng iba tapos babastusin ka lang ng taratadong iyon! Kulang pa nga yung ginawa ko sa bwisit na yun eh. Dapat binali ko pa yung buto niya at pinadugo ko pa yung bibig niya ng husto para di na siya makagulapay leche siya." inis na naman na sabi niya.
"Will you stop cursing! Public figure ka tapos bigla ka na lang nakipagsuntukan? Nakita mo ba yung itsura ng mga reporters kanina? Headline na naman tayo! Laman na naman tayo ng tabloids at news paper bukas!" inis na sagot ko.
"So dapat ba hindi ko siya pinatulan even if he is disrespecting you?" nakataas ang kilay na sagot niya sa akin.
"You can talk to him in a civil way, hindi yung kulang na lang patayin mo na siya." sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Любовные романыAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...