Kapag katabi kita ay kuntento ako...
Kapag kasama kita alam kong ligtas ako...
Kapag nandiyan ka alam kong masaya ako...
Kaya ko pa kayang mabuhay kung mawawala ka sa tabi ko?
JASMINE
Hindi ko alam kung saan kami papunta ni Lance ngayon. Sa totoo lang ay medyo kinakabahan na naeexcite ako. This will be our official first date as a couple. I didn't even know if he is going to surprise me or what. I don't want to expect too much but this is Lance we are talking about, everything about him is unpredictable. Medyo traffic kaya naisip kong magbukas ng usapan. "How was your day?" tanong ko. Ngumiti siya at lumingon sa akin. Tutal traffic naman ay malaya kaming makakapag-usap.
"This is a very tiring day but I am just happy that I could spend the rest of it with you." Sagot niya na nakapagpangiti sa akin. "Ganito pala yung feeling no'. Yung feeling na pagod na pagod ka pero mawawala lahat yun kapag nakita mo na yung babaeng mahal mo. It's like, I'm going home." Dagdag niya pa.
"And here is your sweet tongue. Sa iyo na ko, hindi mo na ko kailangang bolahin." Sagot ko na ikinatawa niya.
"No.. hindi kita binobola sweets. Honestly, this is the first time that I felt it." Sagot niya.
"Felt what?" tanong ko.
"Felt that I am complete... because I am with you. Because you complete me." Sagot niya sabay halik sa kamay ko. "Before, yes I believe in love but I never expected that it will happen to me. I never expected that I will not be afraid with the word "commitment". Sabi ko kasi dati, kung darating yan... darating yan. Hindi ko kailangang mageffort at mapagod sa kahahanap ng tamang babae. But then... you came. It was a shock to my system that I can't control my own emotion when it comes with you. I easily get jealous, I easily get angry kahit na ako yung may pinakamahabang pasensya sa aming apat. When it comes to you, everything seems to be a roller coaster ride. Naging maganda lang pakiramdam ko ng inanim ko sa sarili ko na mahal kita." Mahabang dugtong niya.
"Ganoon din naman ang nararamdaman ko. But tell me, how come you fell in love with me? Parang dati lang halos magpatayan na tayo sa pag-aasaran? Kung barahin natin ang isa't isa, kulang na lang ipaassassinate natin ang bawat isa eh" natatawang sabi ko na ikinatawa niyang muli. Muli niyang pinaandar ang sasakyan.
"Seriously, I really don't like you from the very beginning. I hate your guts and the way you can make me shut up with your words." Natatawang sabi niya na ikinatawa ko din. "You're a tigress to be exact. I really hate the idea that you can easily mock me with your words and you didn't even know me personally. Naiinis ako noon sayo kaya hindi talaga ako nagpapatalo kapag binabara mo na ko. Madalas mo pa kong irapan at taasan ng kilay na para bang kahit kailan ay di ako lelebel sayo. Naartehan pa ko sayo kasi kung manamit ka para kang laging nasa New York Fashion Show." Natatawang dagdag niya. Pinalo ko siya sa balikat at umilag naman siya.
"Grabe ka sa akin ah. Lahat na lang ata nilait mo ha pati pananamit ko." Nakairap na sabi ko.
"Totoo naman eh. Normal bang magsuot ng 5 inches heels araw-araw?" natatawang sabi niya.
"So pangit sa akin magheels? Eh bakit mo pa ko nagustuhan? Bakit mo pa ko minahal?" nagtatampo ng sabi ko. Hinalikan niyang muli ang kamay ko.
"Wag ka ngang magtampo. Hindi ko sinabing pangit. In fact, ikaw nga lang ang babaeng nakikita kong napakaganda magdala ng heels. Ang ganda-ganda mo kaya pero dahil inis ako sayo noon, pilit kong sinasabing ordinary ka lang na maarte." Sabi niya at hinampas ko ulit siya na ikinatawa niya. "Hindi naman talaga kita napapansin noon maliban sa mga pag-aaway natin at pagbabatuhan natin ng mga salita para mapahiya ang isa't isa. Then one time, nagjogging ako sa village natin. Lagi naman akong nagjajogging pero that was the first time that I saw you in our village. Hindi ako makapaniwalang nasa isang subdivision lang pala tayo nakatira. I was about to ignore your presence ng makita kitang nasa ilalim ng puno at tahimik na umupo habang nakikinig sa earphone mo. Nakita kitang sumandal sa puno at ngumiti habang nakapikit. Napahinto ako sa pagtakbo..." sabi niya at ngumiti siya sa akin. Hindi ko matandaan ang sinasabi niya kaya tumingin lang akong muli sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...