Chapter 39: Hindi Susuko!

145 7 0
                                    

Gusto kong umiwas sayo...

Gusto kong lumayo...

Gusto kong itago ang sarili ko...

Pero kahit anong gawin ko ay nahahanap pa din ako ng mga mata mo....

AFTER 4 MONTHS

JASMINE

Oo apat na buwan na ang nakaraan. Katatapos lang din ng kasal nila Bree at Ethan. Yung totoong kasal talaga nila. It has been a month matapos ang totoong kasal ng dalawa kong kaibigan and I am very happy for them. Nagkabalikan na din sila sa wakas. Ang dami din nilang pinagdaanan na dalawa kaya deserve talaga nila ang isa't isa. Masaya talaga ako at sa wakas nagkaintindihan na din ang mga puso nila. Nakakatuwa lang, nadaan din nila sa huli sa maayos na usapan ang lahat. Bilib din ako kay Ethan dahil inilaban niya si Bree hanggang sa huli. Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal. Ganoon siguro talaga kapag alam mong siya na at wala ka ng hahanaping iba, kahit gaano kasakit, kahit pinagsisigawan ng buong mundo na hindi talaga kayo para sa isa't isa ay ilalaban mo kahit hanggang patayan pa, kasi mahal mo eh. Kasi alam mo sa sarili mong hindi mo kayang mabuhay ng wala siya sa tabi mo. Kasi alam mong walang kulay ang mundo kapag hindi siya ang kasama mo dahil para siyang hangin na bumubuhay at bumubuo sa pagkatao mo.

Sa loob ng 4 months na iyon ay iniwasan ko si Lance. After niyang umalis noon kasama si Kim ay isang buwan siyang nawala. Pagkabalik niya ay sinubukan niya kong kausapin pero hindi ko na siya binigyan ng chance na makapag-usap pa kami. Lagi akong nakaiwas. Madalas sa mga gathering na magkakasama kaming magkakaibigan ay madalas ko siyang barahin. Feeling ko nga napagod na din siya sa paguuagaling pinapakita ko sa kanya. Bitchesa kasi kung bitchesa talaga ang pinapakita ko. Noong minsang sinubukan niyang magpaliwanag ay binara ko na agad siya.

Flashback

Nasa studio kami kung saan gaganapin ang surprise ni Ethan kay Bree. Ito yung surprise proposal niya dahil nga bigla na lang silang ikinasal noon. Nakakakilig silang dalawa sa totoo lang at nakakakilig din ang effort ni Ethan. Kung makikita mo siya ngayon... mapapasabi ka na lang ng "Pahinging Ethan Please" Siya ang epitome ng lalaking gusto mong pakasalan I swear. Sana may ganyan pang lalaki na magmamahal sa akin. Super happy ko para kay Bree at alam kong matutuwa siya sa surprise ni Ethan na ito. Nag-aayos ako ng mga bulaklak ng naramdaman kong lumapit si Lance sa akin.

"Do you need help?" tanong niya.

"I don't" sagot ko at dumistansya ako sa kanya.

"Come on Jas... ni hindi mo man lang ba ako papakinggan?" nakakaawa na ang itsura niya.

"Why would I? Hindi mo rin naman ako pinakinggan noon di ba? Patas lang." cold na sabi ko.

"So maggagantihan na lang tayo? Hindi natin susubukang ayusin ito?" inis ng sabi niya. Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Look Lance, ano bang dapat ayusin? As far as I am concern. Matagal na tayong tapos. Matagal mo ng tinapos di ba?" sagot ko. "And besides, all the efforts came from me and what did you do? You did nothing? Hindi ako magpapakadesperada ulit na parang asong habol ng habol sayo" dagdag ko.

"Kaya nga sinusubukan kong ayusin ngayon di ba? Pero ayaw mo kong pakinggan." reklamo niya.

"I am done loving you! Tapos na ko! hindi na ko magpapakatanga ulit!" sagot ko sabay talikod sa kanya at punta sa mga kaibigan namin. Nakita kong nanlulumo lang siyang napatingin sa akin.

End of Flashback

Nandito kami sa bahay nila Ethan at Bree ngayon dahil may sasabihin daw ang dalawa. Excited na ko at mukhang may idea na ko sa iaannounce nilang dalawa. Nang pumasok ako ng bahay ay nakita ko siya. Kumpleto na ang mga kaibigan ko. Humalik ako sa mga kaibigan ko at sa parents nila Bree maliban kay Lance.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon