Chapter 51: At Awe

134 7 2
                                    

Malinaw na ang lahat...

Alam kong pag-ibig mo'y laging sapat...

Pagtugon ko ay nararapat...

Sa pag-ibig na sa atin lamang dapat...


JASMINE

So far, naging maayos naman ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Lance. Madalas ay ayaw niyang malayo sa tabi ko. Lagi siyang nakadikit. Kulang na nga lang ay tumira na siya sa bahay ko. Ang kulit-kulit niya at super clingy. Hindi naman siya ganito dati pero pakiramdam ko binabawi niya lahat ng oras na nasayang namin.

I have been happy ever since I accepted the fact that I cannot unloved him. It was a shock to my system that I can love him even if it hurts me a million time. Ang akala ko dati, I only have a martyr's soul that's why I am able to forgive him over and over again. Pero isa sa mga narealize ko, once a person is in love... even though the other party have lots of flaws and insecurities... one can't stop loving that person because you know for a fact that your love can be a sort of healing for his/her imperfect world. That, through your love, a person can be complete...that when you embrace all his shortcomings, all his hang ups, all his ups and down, you are giving that person a chance to live in full happiness and contentment. Loving unconditionally and being selfless towards the other person is not being a martyr... it is giving a chance for your self to love without boundaries and without condition, it is giving a chance to your self to know the extent of love you can give and share to others. Always remember that you are not a fool when you are in love, you just chose to give your self fully to the person that you can trust. Love is not perfect... love is not always happiness... love is sometimes full of pain but through those pain.... you became stronger and wiser. Through those pain that you've encountered... you will be able to realize how to love someone properly without inhibitions and expectations. That is love... it can make you do things unimaginable and unbounded.

Nasa malalim akong pag-iisip ng maramdaman kong niyakap ako ni Lance. Nasa van niya kami ngayon at papunta sa studio para sa first reading ng script. "Ang lalim ng iniisip mo sweets..." puna niya sabay halik sa pisngi ko. Napatingin ako sa PA naming dalawa na nasa harapan namin sa likod ng driver. Napangiti sila at mukhang kinikilig.

"May iniisip lang ako..." nakangiti kong sabi at sumandal sa dibdib niya.

"Tulad ng?" tanong niya.

"Wala...it is nothing important...I just had a simple realization." sagot ko.

"Ano nga?" pangungulit niya.

"Sa akin na lang yun." sagot ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

"Ang daya...tungkol nga saan?" pangungulit niya at hinalikan pa ang ilong ko.

"Lance... kanina ka pa halik ng halik ah. Kala mo wala tayong kasama dito sa Van mo." saway ko sa kanya.

"Bakit ba? Si Lily at Anne lang naman ang nandito eh." reklamo niya.

"Kahit na, you have to be discreet kapag may ibang tao." sagot ko pero nakapikit pa din ang mga mata ko.

"Parang naglalambing lang eh." sagot niya at napadilat ako at nakita kong nakapout na siya. Narinig kong humagikhik na ang dalawang PA namin at napangiti na rin ako.

"Para kang bata." sagot ko.

"Para nang bata ang mahalin ka ngayon?" nakapout pa din na tanong niya. Napapailing ako. Dapat masanay na ko na sobrang clingy niya na talaga ngayon.

"Patience... patience is a virtue..." bulong ko sa sarili ko at narinig kong natawa na siya.

"Joke lang sweets... Love you." sagot niya at hinalikan ako ng mabilis. Narinig ko ang impit na kilig ng dalawang PA namin. Naiiling akong napatingin kay Lance. "Pero ano nga yung iniisip mo?" tanong niya ulit. Napairap ako, ang kulit talaga ng isang ito.

"Bakit ba ang kulit mo?" naniningkit akong tumingin sa kanya.

"Parang nagtatanong lang eh..." nakasimangot na sabi niya.

"May naisip lang akong lines... Loving unconditionally and being selfless towards the other person is not being a martyr... it is giving a chance for your self to love without boundaries and without condition." sagot ko

"Wow ang romantic sweets... you can pass as a writer." sagot niya.

"Si Amber ang magaling diyan...ako'y simpleng mamamayan lang." natatawang sagot ko. Niyakap niya ko, hinalikan sa pisngi at bumulong.

"I will love you without boundaries and without condition sweets..." bulong niya.

"Me too... pero nanggagaya ka ng lines." sagot ko at napatawa siya.

Nakarating din kami sa studio despite of the traffic. Grabe naman kasi yung traffic sa EDSA pangmalakasan. Nang makapasok kami ay nandoon na si Direk Lyla. Binati niya ko agad at nakipagbeso. In fairness to her, hindi na nakakatakot ang aura niya ngayon hindi kagaya 5 years ago. First time namin mababasa ni Lance ang script today. Nang makaupo ako ay binasa ko agad ang plot ng story. Napakunot ang noo ko ng mabasa ko yung buong plot.

"This...." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

"The story seems very familiar." segunda ni Lance na nasa tabi ko.

"Yes... it has the same idea of your love story. Ako ang direktor as well as the writer and I want this movie to be a gift to the both of you and a way to say sorry for everything." sabi ni Direk Lyla na nasa harapan ko, sa kabilang side ng table. Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. She did really change. She wanted this movie as a sign to apologized for her mistake. Tumayo ako at lumapit sa kanya at yumakap.

"Thanks Direk... You are already forgiven. Natouch ako sa ginawa mo. I hope we can work well this time. Unlimited naman akong magbigay ng second chances." Nakangiti kong sabi habang nakayakap ako sa kanya. Naiiyak siyang tumango sa akin at gumanti ng yakap. Napatingin ako kay Lance at nakita kong masaya siya sa nangyari.

"Because of this... I will gladly accept you as my direktor. Thanks direk. This story is worth sharing to others." sabi ni Lance at nangingiti namang tumango si Direk Lyla.

Ang light lang ng first script reading namin. Ang dami pa ngang nakakatawang moment. Nakakaenjoy yung ganitong feeling na katrabaho ko ulit si Lance. Parang lahat ng bagay ay sobrang gaang lang. Parang lahat ng bagay ay napakadali lang. Sana magtuloy-tuloy pa yung ganitong pakiramdam, dahil natatakot akong baka ang lahat ay panandalian lamang.




Author's Note:

Sorry Guys, This update will be short... babawi ako next time. Lab yu all.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon