Hindi ko alam kung dapat ba kong makampante...
Dapat bang ang kaligayahan ko lang ang maging importante...
Wala akong ibang masabe...
Basta ang alam ko lang ay nagmamahal ako ng grabe...
JASMINE
Matapos kumain ay umupo kami dito sa sofa at ang magaling na lalaki ay nakalingkis na naman sa akin. Ano ba ito? wala ba siyang planong pakawalan ako? Hindi ko alam na kaya niyang maging clingy ng ganito. Gusto kong matawa sa ginagawa niya.
"Ano ba Lance, kung makayakap ka parang mawawala ako." sabi ko sa kanya at pinilit kong kumawala sa yakap niya. Mas lalo naman niya kong nilingkis.
"Ehhhh.. dito ka lang." parang batang sagot niya sa akin.
"Don't tell me, we will stay in the house for the whole day?" maang na tanong ko sa kanya.
"Why? Do you wanna go out?" nakakunot na tanong niya. "Baka mapagkaguluhan na naman tayo ng media." dagdag niya pa. Ngumiti ako.
"Nasa point ako ng buhay ko na wala na kong pakialam sa kanila. So get up now... and lets have a date. Pasyal-pasyal lang just like the old times." sabi ko at matamis siyang ngumiti at hinalikan ako ng mabilis.
"Okay your wish is my command. Lets do everything that you want today." Nakangiti nyang sagot.
Naligo ulit ako at nagbihis ng simpleng floral dress lang at white na flat shoes. Gusto kong magmukhang normal lang ang date namin ngayon. Nang lumabas ako ng kwarto ko ay nakaabang na pala siya sa labas. Nakita kong napatingin siya sa akin at napatulala. Hindi siya agad nakakilos at nakatunganga lang siya sa akin. In fairness, simple lang din ang suot niya. Nakasimpleng denim short at white polo na hapit sa katawan niya with matching shades of course. Ang gwapo niya talaga. Matapos kong suriin ang porma niya ay tulala pa din siyang nakatingin sa akin.
"Will you stop scrutinizing my face." nakataas kilay na sabi ko at namaywang pa ko sa harapan niya. Para naman siyang natauhan at pilyo pa siyang ngumiti sa akin.
"Can't help to stare, you're such a Goddess...and besides, I caught you ogling at my body too so fair lang." nanunuksong sabi niya.
"Whatever." irap ko sa kanya. Natatawa siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go?" tanong niya. Ngumiti ako ng matamis at mahigpit na humawak sa kamay niya.
May mga nakasabay kaming tao sa elevator pababa ng condo unit ko at napapatingin sila sa aming dalawa dahil nakaakbay sa akin si Lance. Parang wala namang pakialam ang lalaking katabi ko sa tingin ng ibang tao kaya sumandal na lang ako sa dibdib niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at ang mga taong nasa paligid namin ay tila nagpipigil sa kilig sa ikinikilos naming dalawa.
Nang makarating na kami sa parking area ay sa hinapit niya naman ang bewang ko palapit sa kanya which I don't mind. Normal naman na ganito siya kaclingy kahit noon. Medyo naging over lang talaga ang pagiging clingy niya kaninang umaga.
Nang makasakay na kami ng sasakyan niya ay siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko. "So saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Anywhere, gusto mo magpark tayo. We can ride a bike, or amusement park...horror house... anywhere you like." nakangiting sagot niya habang pinapaandar niya na ang sasakyan.
"Riding a bike is a good idea. Pwede din tayo sa amusement park. Pero ang horror house....." pabitin na sinabi ko kaya tumingin siya sa akin. "Alam mong matatakutin ako eh. Gusto mo lang makatsansing eh." nakataas kilay na sabi ko. Natawa siya sa sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...