Chapter 69: Surprise!

143 5 2
                                    

Now with your charms, I am trap...

With your embrace I was wrap...

I have fallen for you in just a snap...

In your heart, I had draw my road map...


JASMINE

Nagising ang diwa ko pero hindi ko pa minumulat ang mga mata ko. Naramdaman kong nakahiga ako pero nakadapa sa higaan. Napakunot ang noo ko, ang bango ng paligid, parang amoy bulaklak. Nagpanic ako ng maramdaman kong may mga kamay na humahaplos sa likod ko, sa braso ko at sa binti ko... Napadilat ako bigla. Pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ng mga kamay na humahaplos sa akin. Nakita kong nasa puting kwarto ako.

"What the hell is going on?" reklamo ko.

"Wag po kayong magulo Miss Jasmine. We are giving you a body spa para sa event mamaya." Sabi ng tinig babae sa likod ko.

"What? What event are you talking about?" gigil na tanong ko.

"Surprise po yun kaya makinig na lang po kayo sa amin, dahil kung hindi lalagyan namin ng piring yang mga mata ninyo. Safe po kayo, nasa body spa salon po kayo." sabi pa ng isang babae.

"This is crazy! Kanina nasa thanks giving party ako! tapos nasa spa ako ngayon? Akala ko pa naman nakidnap ako or what! Nasaan si Lance? Ano bang ginagawa ng lalaking yun? Akala niya hindi ko malalaman na siya yung nagtakip ng bibig ko kanina. I saw his ring! That's my proposal ring for Christ sake! Lagot sa akin yung lalaking yun mamaya." gigil na sabi ko at nagtawanan ang mga babae sa likod ko.

"Kumalma kayo Ma'am Jasmine. Matutuwa kayo after nito." sagot naman ng isang babae. Natahimik na lang ako. Nang narerelax na ko sa pagmamasahe nila ay naramdaman kong nilagyan ng piring ang mata ko.

"What the hell are  you doing? Kala ko di ninyo ko lalagyan ng piring?" inis na sabi ko.

"Sorry Ma'am Jas, napagutusan lang po." sagot ng isa.

"Where is Lance? Iharap ninyo siya sa akin yang lalaking yan, ng makotongan ko siya. I am not very happy about this! Alam niyang ayokong may humahawak ng katawan ko. It is like I am held captive here" inis na daldal ko. Naramdaman kong nilagyan nila ako ng robe pero hindi na sila nagsalita. Inalalayan nila akong lumabas ng kwarto kung nasaan kami. Mga ilang minuto lang ay huminto kami at naramdaman kong binitawan nila ako. Narinig ko ang yabag nila palayo.

"Hey.... where are you going? Are you going to leave  me here? Wait!" nagpapanic ng sabi ko. Ano ba talagang pakulo ni Lance ngayon? Ano  bang trip niya sa buhay? Is he going to propose? Kasi kung oo, nagpropose naman na ko ah! If he needs to propose again, why does he have to do this very complicated proposal?

Narinig ko ang pagsarado at pagbukas ng pinto. Nakarinig ako ulit ng mga yabag na palapit sa akin at nakahinga ako ng maluwag. "Thank God! you guys came back." pasasalamat ko sa mga dumating. Naramdaman kong tinanggal nila ang tali ng robe ko at sinisimulan nila akong hubadan. I only have my undies inside and thinking that somebody whom I didn't know is ogling around my body is not acceptable. Agad kong pinigilan ang mga kamay ng kung sino mang Poncio Pilatong naghuhubad sa akin.

"Stop undressing me! Are you insane? I am going to call the police and report you!" singhal ko pero ipinagpatuloy pa din niya ang pagpwersa ng pagtanggal ng robe ko kaya hinataw ko na ang kamay ng kung sino man iyon.

"Ouch Jas! Stop being so feisty!" sabi ng tinig.

"Bree? Ikaw ba yan? My God! kala ko kung sino na!" sabi ko. Narinig ko pa ang hagikhik ng dalawang tao.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon