Chapter 62: While She Was Sleeping

130 4 2
                                    




Kamatayan man ang kalaban ko...

Lumindol man o magdelubyo...

Kahit magunaw pa ang mundo...

Paulit-ulit akong babalik sa tabi mo...



JASMINE

Ninanam ko ang halik at yakap ni Lance ngayon matapos ang near death experience ko. Sabik na sabik  kami sa yakap at halik ng isa't isa. Kung gaano ako natakot na baka mamatay ako ng makita ko ang dugong tumatagas sa tagiliran ko ay ganoon naman kaluwalhati ang pakiramdam ko ngayon. Naalala ko pa ang mga naganap ng araw na masaksak ako.

Flashback....

Excited akong makita si Lance ngayon dahil sasamahan ko siya sa property na gusto niyang bilhin. Natutuwa ako kapag sinasabi niyang para din sa future naming dalawa kaya maingat na siya sa pagacquire at pagpili ng mga panibagong properties.   Mukhang handang-handa na talaga siyang magsettled down with me. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nadarama ko kapag nababanggit niya ang salitang kasal. Hinihintay ko lamang siyang magpropose at agad akong OO.

I am about to finish my commercial shoot when I saw him calling me on my phone. Agad kong sinagot iyon.

My Heart is Calling...

"Hello Heart." excited na sagot ko.

"Hi Sweets. I'm on my way. Are you done with your shoot?" tanong niya sa akin.

"Nope pero malapit na matapos ito. Just give 15-20 minutes and I will be done by that time." sagot ko sa kanya.

"That's good. I will fetch you right away. I miss you." sagot niya sa akin at hindi ko maiwasan ang kiligin kahit madalas naman siyang sweet sa akin. Hindi ko maitago ang kilig sa mukha ko. Napapangiti sa akin ang PA ko na katabi ko lang.

"I miss you too... I'm excited to see you." sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Nakita kong nagheart sign si Tita Ange sa akin gamit ang kamay niya para tuksuhin ako at nangingiti akong tumingin.

"Me too...Love you." sabi ni Lance.

"Love you too.... Need to go Heart... See you." sagot niya at nawala na siya sa linya.  Nakita kong nagfinger heart si Tita Ange sa akin na parang Korean at kinikilig na silang lahat sa loob ng dressing room. Natatawa lang ako sa kanila at ibinaba ko na ang tawag.

End of Call...

"Baliw ka talaga Tita Ange." sabi ko kay Tita na nakangiti ng lumapit.

"Ang sweet nyo kasi. Tsaka ngayon na lang kita ulit nakitang masaya." sabi ni Tita Ange.

"Yes I am too happy Tita. Minsan hindi na ko makapaniwala kung gaano ako kasaya. Natatakot akong panandalian lang ito." honest na sabi ko.

"Ano ka ba, wag kang negative. Everything will be okay. Just follow your heart and let God control your destiny. Just enjoy the moment and live your life to the fullest with the man you love." sabi niya.

"Thank you Tita, for always supporting me." nakangiting sabi ko at hinalikan niya ko sa noo.

"Ikaw pa ba.. eh malakas ka sa akin." sabi niya. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

Tinapos ko yung last part ng commercial shoot ko. Madaling natapos yun ng 10 minutes dahil last scene na lang. Pababa na ko ng muling tumawag si Lance.

"Hello Heart..." sagot ko.

"Sweets...tapos ka na ba?" tanong niya sa akin sa kabilang linya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon