Akala ko mayroong tayo...
Umasa na naman ako...
Akala ko tayo hanggang dulo...
Pero sa huli, iba pa rin pala ang nasa tabi mo...
JASMINE
It has been so long ng huli kong maramdaman ang ganitong sakit. Gusto kong magtanong. Gusto kong magalit. Gusto kong isigaw sa lahat na bakit lagi na lang ako yung nasasaktan sa huli. Bakit ang dali para sa kanya na paglaruan ang damdamin ko? Dahil ba alam niyang mahal na mahal ko siya? Dahil ba alam niyang hindi ko kayang mawala siya? Bakit laging ang dali lang sa kanya na bitawan at palitan ako? bakit? Ano na naman bang kulang sa akin at nagawa niya kong durugin ng ganito? Ano na naman bang ginawa kong mali para paulit-ulit niya kong saktan at iwan sa ere?
Nakatayo lang ako sa labas ng restaurant habang nakikita kong hinahalikan ni Kim si Lance at pakiramdam ko tumigil na naman ang oras at tumigil na naman ang pagikot ng mundo ko. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay pakiramdam ko nawasak ng husto ang dibdib ko.
"Oo kami na ni Arthur, siguro naman nasagot na ang mga tanong niyo." sabi ni Kim sa mga tao at hindi kumibo si Lance.
Mas lalo silang pinagkaguluhan ng mga paparazzi. Niyakap ni Lance si Kimberly at hirap pa din silang makalabas. Napatingin siya sa direksyon ko habang pinipilit nilang makawala sa maraming tao. Nagulat siya ng makita niya kong nakatayo. I bitterly smile at him. Ang galing lang, nagawa na naman niya kong paikutin ng ganito kabilis. Gusto kong magmura, gusto ko siyang sigawan pero hindi ko ginawa dahil alam kong may reputasyon pa din siyang iniingatan. Napatingin din sa akin ang mga paparazzi at sa isang iglap ay lumipat ang iba sa akin.
"Jasmine, bakit nandito ka? Magkikita ba dapat kayo ni Arthur?" sabi ng reporter.
"Anong masasabi mo sa pagamin nila ni Kimberly na matagal na silang magkasintahan?" tanong pa ng ibang reporter.
"My mensahe ka ba sa kanila?" tanong pa ng isa. Nakita kong nag-aalalang tumingin sa akin si Lance. Gusto ng tumulo ng luha ko pero pinilit kong magpakatatag. Never will I let him see na kaawa-awa ako sa hapar ng iba.
"I am happy for them. Actually matagal ko ng alam na sila na. I am a friend of both of them so I am happy that finally, inamin na nila sa mundo na mahal nila ang isa't isa." pilit sa ngiting sabi ko.
"Hindi mo na ba mahal si Arthur?" tanong ng isang reporter.
"Mahal? Bakit ko mamahalin ang isang lalaking pagmamay-ari na ng iba? Hindi naman ako masokista and besides, Arthur and I remained friends for a couple of years now after we broke up. I am sincerely happy for him." sagot ko. Tinawag ko siya sa pangalan niyang Arthur na tawag ko noon sa kanya noong hindi pa kami. Nakita ko ang lungkot at sakit sa mukha niya pero hindi na ko magpapadala pa doon.
"I guess I have to go. Hindi na kami tuloy ng kameet kong kaibigan dito sa restaurant na ito and besides nakuha niyo na ang biggest news of the year. Let's just congratulate them okay, no more bashers and hatred. Let's just love." fake na sagot ko at sumakay na ko ulit sa kotse ko at mabilis na pinaharurot yun.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko na ngang ibangga ang kotse ko dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko at muntikan pa kong mabangga sa mga traffic cones dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak. Halos hindi na ko makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ganito ang ending naming dalawa. Dapat ba sumuko na lang ako? Dapat ba hindi na lang ako umuwi at di na lang ako bumalik? Dapat ba hinayaan ko na lang matapos ang lahat noon pa? Ito pa yung resulta ng paglaban ko para sa nararamdaman ko? Ang masaktan ng paulit-ulit, ang magmukhang tanga, ang paulit-ulit na madurog... ito ba talaga ang gusto ko? Wala akong dapat sisihin dahil ako ang may gustong lumaban para sa aming dalawa kahit alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Pero ginawa ko naman lahat di ba? Saan pa ba ako nagkulang? Binigay ko naman lahat di ba? Binaba ko yung pride ko, pinagpilitan ko yung sarili ko pero ano bang napala ko? Ang paulit-ulit na hayaang madurog ang buong pagkatao ko?
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Любовные романыAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...