Kaylangang kong ingatan ang puso ko...
Kaylangang kong mag-ingat sa mga ikikilos mo...
Kaylangan kong pigilan ang sarili ko...
Dahil isang salita mo lang, bumibigay na ako...
JASMINE
Nandito kami sa bahay nila Bree. To be specific sa kwarto niya. Pinagtutulungan namin yung thesis naming dalawa. Kadarating lang ni Ethan. Sinapak niya si Lance kanina dahil ang magaling na lalaki, niloko si Ethan gamit ang phone ni Breeana. Ewan ko ba naman dito kay Ethan, hindi pa umamin eh alam naman ng lahat na gusto nila ni Bree ang isa't isa. Ito namang si Bree, pabebe din eh.
Kanina hindi ako kumportable sa nakikita kong closeness ni Lance at Bree. He calls her Louise. Siya lang ang tumatawag kay Bree sa second name niya and that makes me very uncomfortable. Hindi ko alam, para kasing may special siyang treatment kay Bree o baka napaparanoid lang ako. Sabagay, si Josh at Liam din, mabait at parang kapatid na ang turing kay Breeana. Parang kapatid na babae kumbaga. Pero ewan ko ba, pag si Lance ang kausap niya pakiramdam ko big deal lagi sa akin. Lalo na kapag tinatawag niya si Lance ng Artie instead of Arthur na nakasanayan na ng lahat.
Nang naging busy na si Bree at Ethan ay naramdaman kong tumabi sa akin si Lance. Tahimik lang ako habang umuupo siya sa tabi ko. Katatapos niya lang makipagharutan sa mga kaibigan niya. Sabagay, nakisali din kami, kung ano-ano kasi pinagbabato nila kila Ethan at Bree kanina. Minsan naiisip ko, ganito din ba ang nararamdaman ni Bree pagdating kay Ethan? Laging alanganin? Laging takot sumugal? Laging may doubts at nega sa mga susunod na mangyayari? Kasi ganun ako eh. Lalo na pagdating kay Lance. This is the first time that I felt this way. I never doubted my self. Umaapaw ang self confidence ko lalo na sa aming apat. Breeana is bitchy to those bitchy to her pero may pagkashy type din minsan. Amber was the nerd one, tahimik pero pag kinanti mo, lalaban. Miley is the strongest one, siya yung may pagkawar freak sa aming apat. Ayaw niya ng salita ng salita, gusto aksyon agad and I on the other side is the most bitchy. Yung tipong salita ko pa lang, lalamunin ka na ng lupa. Ako yung tipong pag ayaw ko sayo, makuha ka sa tingin. Yung tipong magaling magpahiya sa mga taong kahiya-hiya.
Dahil sa ganoong ugali ko ay madaming ilag sa akin. Yung tatlo nga lang ata nakakagatagal sa ugali ko eh. Kaya nga pag dating kay Lance alanganin ako lagi. I don't think na ako yung tipo ng babaeng magugustuhan niya. Feeling ko mas gusto niya yung prim and proper na kagaya ni Breeana. Hindi kagaya ko na sexy manamit at parang laging nasa fashion show. Nasa ganun akong pag-iisip ng marinig kong magsalita siya.
"Am I that boring to be with, kaya mas gusto mong mapanis na lang yung laway mo kaysa kausapin mo ako?" narining kong sabi niya. Hindi ako makasagot, ngumiti lang ako sa kanya.
"Or, you don't really want to talk to me kaya hanggang ngiti ka lang." sabi niya pa.
"We're friends, bakit naman kita hindi gustong kausapin."sagot ko.
"Ayan na naman tayo sa friends...friends.. na yan. Hindi naman iyan ang issue dito." inis na sagot niya. Hindi ko alam kung napapansin ba kami ng mga kaibigan namin.
"Lance... ano ka ba.. ano bang ikinagagalit mo?" tanong ko.
"Wala akong ikinagagalit Jasmine, baka ikaw itong may problema sa akin." sagot niya. "I thought everything is okay between us. I thought we are getting closer, but you are pushing me away." dagdag pa niya pero pabulong lang. Tiningnan ko siya para makita yung expression niya. He looks sad. It's like he is pleading for my attention. Gusto kong yakapin siya at sabihing hindi ako galit pero pinipigil ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomantikAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...