Hindi ko alam kung anong plano mo...Bakit parang ginugulo mo na naman ang mundo ko?
Pero bakit kahit anong iwas ko?
Tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko at kusang bumabalik sayo?
JASMINE
Palabas ako ng condo ngayon at halos hindi ako makatulog kagabi sa dami ng mga tumatawag sa akin regarding sa sinabi ni Lance na gusto niyang magtambal kami ulit sa isang pelikula. Kung hindi ba naman abnormal ang isang iyon, dinamay pa ko sa gulo ng mundo niya. Hindi ko maintindihan kung nagpapakaplastik ba siya sa mga sagot niya o talagang gusto niya lang akong asarin. Kababalik ko lang sa Pilipinas pero bakit parang sobrang stress na naman ako? Minsan iniisip ko kung tama bang bumalik ako eh. Pero kung hindi ako bumalik, makikita ko ba siya ulit?
Aaminin ko, kahit na masasakit ang mga sinabi niya sa akin sa airport kahapon, kahit na napakarude at sarcastic niya, kahit na iyak lang ang napala ko sa lahat... hindi ko maalis sa isip at puso ko na masaya akong nakita ko siyang muli. Namiss ko siya, namiss ko ang lahat sa kanya pero kahit ganoon, alam kong hindi ko pa din kakayaning makatrabaho siya dahil baka maging desperada na lang ako at ipilit ko pa ang sarili ko sa lalaking hindi na ko mahal.
Kung iisipin, hindi lang naman ako yung may kasalanan sa aming dalawa, he chose to let go of me too. Sabagay, hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin. Iniwan ko siya noong mga panahong kailangan niya ko. Wala ako sa tabi niya noong mga panahong ako dapat yung kasama niya at hindi iba. Sa tuwing maalala ko ang mga nangyari sa aming dalawa, pakiramdam ko dinudurog pa din ang puso ko. Bago pa ko maiyak ay nagpasya na kong pumunta sa sasakyan ko. Balak kong magshopping ngayon para mawala ang mga stress ko sa buhay. Nang papunta na ko sa parking lot ay biglang nagring ang phone ko. Nakita kong si Amber ang tumatawag. Oh Shit! Hindi ko nga pala nasabi sa kanila na nakauwi na ko. Sinagot ko agad ang tawag.
"Hello Ambs." sagot ko.
"Hi Stranger." sagot niya at alam kong sarcastic yun. Mukhang nagtampo sila sa biglaan kong pag-uwi ng walang pasabi.
"Ambs naman.. Are you mad at me?" tanong ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga sa kabilang linya.
"Sino bang hindi maiinis sayo... My God Jas! Kung hindi pa kalat na kalat sa news na dumating ka na, hindi pa namin malalaman ni Miley na nandito ka na ulit sa Pinas! Ganyan kayong dalawa ni Breeana... aalis bigla... uuwi bigla ng walang pasabi! Gosh! Ano bang sense namin bilang mga kaibigan niyo?" gigil na sabi niya. Medyo nabingi ako sa panenermon niya.
"I'm sorry okay, biglaan lang din ang desisyon ko. Sorry kung hindi ako nakatawag agad. Alam mo naman ang media, bago pa ko makatawag, naibalita na nila lahat." sagot ko. " By the way, nakauwi na ba si Bree?" tanong ko.
"Hindi pa...baka by next month pa. Yun yung plano nila Tito at Ethan." sagot niya. Napairap ako bigla.
"I don't really know why Tito Lean still likes Ethan, after what happen? Gusto niya pa din ipakasal si Bree kay Ethan? As in seriously?" sabi ko. Oo alam naming tatlo nila Miley ang plano ni Ethan at ng parents ni Bree. They are going to trap her into marrying that guy.
"I don't know. Maybe may hindi tayo alam na alam nila. Well, Tito Lean will not trust Ethan if he knows na hindi ito nararapat sa anak niya."sagot naman ni Amber.
"Don't you think that we are betraying Bree about this? My God! siya yung kaibigan natin. We should be siding with her." sagot ko. Alam ko kung gaano nasaktan si Bree noon kaya hindi ko talaga magets ang logic ng parents niya.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...