Kung ang babaeng mahal ko ay sinaktan mo...Doble ang sakit na ibabalik ko sayo...
Sisiguraduhin kong pagsisihan mo...
Na nabuhay ka pa sa mundo...
LANCE
Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pagpipigil ko ng galit habang palapit ako sa lalaking nanakit kay Jasmine. Nakatalikod siya habang nakatali sa bangko. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong sabihin. Bakit nagawa niya ito kay Jasmine. If he has been a stalker for a long time, he should have love her pero bakit nagawa niyang saktan ang babaeng pareho naming mahal? Ilang sandali lang ay nakalapit na ko sa harapan niya. Nakayuko siya na para bang pagod na pagod.
"Nice seeing you again bastard!" sabi ko at nakuha ko na ang atensyon niya. Nang tumingin siya sa akin ay ngumisi siya.
"Oh.... hello moron! nice seeing you too!" nakangising sabi niya. "Wala na ba kayong mas nakakatakot na gagawin sa akin? Ito lang ba ang kaya mo?" mayabang na dugtong niya.
Hindi ako nakapagpigil kaya sinuntok ko siya ng sunod-sunod. Pinapabayaan lang ako ng mga kaibigan ko at walang umaawat sa akin. Nang makita kong duguan na ang mukha niya ay tumigil ako. Pero ang siraulong lalaki ay ngumisi pa sa akin.
"That's it? Yun na yun? Parang kagat ng langgam naman yung mga suntok mo." panunuya niya sa akin. Sa asar ko ay tinadyakan ko siya kaya natumba siya.
"How could you? How could you do this to Jasmine!" galit na sigaw ko. Hindi siya kumibo at nagpupumilit umupo ulit ng maayos. "Mahal mo din siya di ba? Kaya bakit? Bakit mo ito ginawa?" frustrated na tanong ko. Nakita kong natigilan siya ng sabihin kong mahal niya din si Jasmine. "Paano mo nagawa ito sa babaeng mahal mo din naman? Paano mo naatim na makita siyang nag-aagaw buhay?" tanong ko. Wala akong marinig na sagot sa kanya. Ipinagpatuloy niya lang ang pag-upo at tahimik na yumuko. Sa sobrang frustration ko ay hinawakan ko ang kwelyo niya at pinilit siyang humarap sa akin. "Sagutin mo ko! Paano mo nagawa ito kay Jasmine! Sa babaeng mahal mo din!" sigaw ko sa kanya. Mapanuya siyang ngumiti sa akin.
"Mahal? OO nga mahal ko nga siya..." sagot niya at malungkot siyang tumingin sa akin. "But she can't love me back... and that is because of you asshole!" galit na sagot niya.
"Kung ganoon bakit hindi na lang ako ang sinaktan mo? Bakit si Jasmine pa!" sigaw ko.
"Because I know that even if I get rid of you, her heart will always belongs to you. Kaya mas mabuti pang tumigil ang pagtibok ng puso niya, atleast sa ganoong paraan, hindi ka na niya magagawang mahalin pa." parang wala sa sariling sagot niya. Sa tindi ng galit ko ay sinapak ko siyang muli.
"Baliw ka na! Baliw ka na! Hayop ka! papatayin kita!" sigaw ko at naramdaman kong inawat na ko nila Ethan.
"Tama na pare, baka mapatay mo pa yang gagong yan." awat ni Ethan sa akin.
"Pare, napuruhan mo na... awat na." sabi ni Liam na nasa kabilang kamay ko nakaawat.
"Kailangang buhay nating maibigay yan sa police." sabi ni Josh.
"Pabayaan niyo ko! papatayin ko yang hayop na yan!" sigaw ko. At nagpupumiglas ako sa hawak nila Ethan at Liam sa akin.
"I have love her so much. Kaya ng mapansin niya ko noon ay sobrang saya ko. Lahat ginawa ko to be perfect for her...pero isang pagkakamali ko lang, she dumps me like a hot potato." sabi pa ni Denver.
"Siraulo ka ba! You have tried to bed her! Paanong hindi siya makikipaghiwalay sayo kung ganoong hindi ka marunong rumespeto ng babae!" sigaw ko at nagpupumilit pa din akong kumawala sa hawak ng mga kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Storie d'amoreAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...