Hindi ko matanggap na sumuko ka na...
Hindi ko maisip na kaya mo kong iwan mag-isa..
Bakit paulit-ulit na naglalaro ang tadhana sa ating dalawa
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang mawala ka...
LANCE
"What the hell Kim! Ano itong ginawa mo?" Inis na sabi ko ngayong nakalayo na kami sa mga paparazzi.
"Sorry Art, the press didn't give me any option either." naiiyak ng sagot niya sa akin.
"Jasmine was there! Fuck! Ngayon ko pa lang sinusubukang ayusin lahat sa amin pero dahil sa ginawa mo ay hindi ko na alam kung gugustuhin niya pa akong kausapin!" inis na sabi ko. Nandito kami sa loob ng kotse ko ngayon.
"I'm sorry Art, I really am. Hindi ko na din kasi alam kung ano bang dapat kong gawin." Humahagugol ng sabi niya.
"You're crying will not do us any help. I've been supporting you from day 1 Kim, alam mo yan. I've been a supportive friend. Pinagtakpan kita sa lahat... pero this... this is too much!" gigil na sabi ko at nahampas ko na ang manibela sa sobrang inis ko. "Umalis si Jasmine noon ng kumalat ang balita tungkol sa halikan natin sa airport and I admit, ginawa ko yun dahil gusto ko siyang masaktan at para protektahan ka.. but not this time! Not this time Kim! I don't want to loose her this time!" frustrated na dugtong ko. "You have to tell everyone the truth Kim. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang lihim mo." dagdag ko pa.
Inihatid ko si Kim sa condo niya ng hindi kami nagiimikan. Ayoko ng siyang kausapin dahil naiinis na ko. Kapag nagsalita ako ay baka masumbatan ko pa siya. Matapos ko siyang ihatid ay sinubukan ko agad na tawagan si Jasmine. Nakita kong sinagot niya agad kaya kinabahan ako.
"Hello?" malamig na sagot niya sa akin. I can feel na sobra ang galit niya sa akin ngayon and I can't blame her. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya, baka nasapak ko pa kung sino mang Poncio Pilato ang magtangkang humalik sa kanya.
"Sweets... where are you? We need to talk. I need to clarify things. It is not what you think it is." kinakabahang sabi ko. I really hope na makipag-usap muna siya sa akin.
"Okay. Saan tayo magkikita." sagot niya na ikinagulat ko. Hindi ko akalain na papayag siya agad kaya imbes na matuwa ako ay parang mas kinabahan ako. Kilala ko si Jasmine kahit noon pa, she trust me so much. Hindi siya kagaya ko na impulsive. Normally, papakikinggan muna niya ang side ng bawat isa bago siya magsalita kaya sana pakinggan muna niya ko ngayon. Sana lang hindi ko nasagad ang pasensya nya dahil sa mga pinaggagawa ko. I admit I hate her so much before dahil nasaktan ako pero hindi ko din maitago sa sarili ko na mahal ko pa din siya kaya hanggang ngayon ay nasasaktan ako.
This time, pagod na kong magalit. Ang gusto ko na lang ay ayusin naming dalawa yung tungkol sa amin at maging masaya. I hope this event tonight will not ruin everything.
"Really, papayag kang makipagkita sa akin?" naamaze na sabi ko.
"Yes. We need to talk. May mga sasabihin din ako." Sagot niya na talagang ikinakaba ko. Mukha kasing seryoso siya.
"Okay, gusto mo ba sunduin kita?" tanong ko dahil gusto ko na agad siyang makita.
"No need. I have my car." malamig na sabi niya. Mukhang hindi talaga maganda ito.
"Okay, magkita na lang tayo sa bahay mo. It is much safer there." sagot ko dahil ayoko na namang madamay siya sa issue ni Kim. I will need to fix it. Ayokong pagpiyestahan na naman siya ng mga paparazzi. I know that she hates it.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...