Masakit na hindi ako ang laging una sayo...
Masakit na madalas ay nababalewala mo ko...
Pero anong magagawa ko?
Patuloy pa din akong umaasa na mamahalin mo...
LANCE
Naiwan ako dito sa parking lot na tuliro. Hindi ko gustong makapagsalita ng masasakit pero kapag nandiyan na si Jasmine ay bumabalik lahat ng sakit. Lahat ng mga nararamdaman ko noon, noong mga panahong kailangan ko siya at hindi siya dumating parang nanariwa ulit lahat. Ang masakit pa dun, kahit anong tapang ko, kahit gaano kakapal ang pader na inihaharang ko sa sarili ko, makita ko lang siyang umiiyak, bumibigay na ang buong sistema ko. Do I still love her? Do I still want her? Do I want to take the risk again? Paulit ulit na pumapasok yang mga tanong na iyan sa utak ko.
Kaya ko bang masaktan ulit? Jasmine has always been my weakness ever since. Kahit noon, konting luha lang niya, konting tampo lang niya, wala na kong magawa. Mahal ko eh. Mahal na mahal ko siya noon. Letcheng puso naman kasi to' eh. Wagas magmahal kaya ang epic ding masaktan. Kanina ng makita ko siya sa store, hindi ko malaman kung nasasabik ba ko o naiinis. Pero ng makausap ko na siya, mas nangibabaw yung inis ko dahil sa nangyari noon. Parang lahat ng galit, lahat ng tampo at lahat ng inis ko ay nagbalik lahat kaya wala akong ginawa kung hindi manumbat.
Kung iisipin, tama naman siya, ako yung nagkipaghiwalay. Ako yung sumuko sa aming dalawa, pero masisisi niya ba ako? Nasaktan ako ng hindi siya umuwi. Una siyang nang-iwan. Ano bang ginawa niya matapos kong makipaghiwalay noon... ilang beses niya kong sinuyo pero ano?Umalis din naman siya dahil mas gusto niyang unahin ang mga pangarap niya. I was never her priority. I was never the person na hindi niya kayang mawala. Pagkatapos sasabihin niya ngayon na hindi lang ako ang nasaktan? Sasabihin niyang ako yung unang nang-iwan? I never expected her to be the perfect girlfriend. I just wanted her to be with me, sa mga oras na masaya ako, sa mga oras na malungkot ako at sa mga oras na kailangan namin ang isa't isa.
Naakakainis lang kasi, naiinis ako sa sarili ko dahil ng sinabi niyang mahal niya pa ko kanina ay para na namang akong gagong madaling maniwala sa lahat ng sasabihin niya. Nang sabihin niyang gusto niya ng second chance, that she wants to prove to me that we deserve to be with each other again, para akong gagong natatangay na naman sa mga salita niya. Ulol na kung ulol pero hanggang ngayon, naapektuhan pa din ako sa bawat sabihin niya. Pero ayaw ko ng magpakatanga, ayaw ko ng magpakagago, ayaw ko ng ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman alam ang worth ko. Sa tuwing maalala ko yung mga oras na umiiyak ako ng mag-isa habang hinihintay kong bumalik siya, sa tuwing maalala ko yung mga tawag kong hindi niya sinagot, sa tuwing maalala ko ang mga oras na naghihintay ako ng mga text niya kung uuwi ba siya, nadudurog ulit ako.. nadudurog ulit yung puso ko.
Flashback from 5 years ago:
Nandito ako ngayon sa burol ni Daddy. 3 Days na siyang pinaglalamayan pero wala pa ding Jasmine na dumadating. Ilang tawag ko na ang hindi niya sinasagot. Ilang text ko na ang hindi niya nirereplyan. Hindi ko alam kung saan pa ko huhugot ng lakas ng loob para magpatuloy sa araw-araw. I need her, I need my sweet lips with me pero hanggang ngayon ay wala pa din siya.
Nalulungkot ako na wala siya sa tabi ko. Gusto kong mainis dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko pero mas nangingibabaw pa din yung pagmamahal ko sa kanya. Gusto kong magtampo dahil pakiramdam ko kahit kailan hindi niya ko naging priority pero parang wala akong karapatang maghinanakit dahil kailangan kong intindihin ang trabaho niya dahil iyon din naman ang trabaho ko.
Hindi ko naman gusto ang magulo at maingay na buhay ng show business. Dati ay hobby ko lang naman ang modelling. Naenjoy ko lang naman ang showbiz ng madalas ko ng makatrabaho si Jasmine. I have learned to appreciate my job ng maging kami na pero parang ngayon, ito pa ata ang maglalayo sa aming dalawa. Alam kong kailangan siya sa Cannes pero kahit isang araw ba ay hindi niya kayang umuwi para lang damayan ako. Sa lahat ng taong nandito ngayon ay higit kong mas kailangan siya. I felt so alone, I felt so left out.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...