Chapter 63: Alive and Kicking

151 5 3
                                    

Handa na muli ako...

Handa na sa pag-ibig mo..

Kamatayan ma'y nalagpasan ko...

Upang makabalik lamang sayo...

JASMINE

Continuation of Flashback:

Naiiyak akong kumurap. "Thank you Lord! Tunay na napakabuti mo" sigaw ko sa aking isipan ng maramdaman kong nakagalaw na ko matapos ang taimtim kong pagdadasal mula sa aking isipan. Hindi ko namalayan na naisatinig ko pala iyon. Nakita kong biglang lumapit si Mommy ng siguro ay narinig niya ang mahina kong boses.

"Jasmine? Anak?" Nag-aalalang tumingin siya sa akin. Nang makita niyang dilat na ako ay nakita ko ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata, luha ito ng kaligayahan. "Oh my God! Rain!!! Our daughter is awake. Call the doctors!" Nagmamadaling sabi ni mommy.

"Baby... you're awake! Thank God you're awake!" sabi ni Daddy at hinalikan niya ko sa noo bago siya nagtawag ng doctor sa labas. Nakita kong biglang nagsipasukan ang tatlo kong kaibigan.

"Oh my God Jas... you're awake! Oh Thank God." mangiyak-ngiyak na sabi ni Bree.

"I can't believe this! this is a miracle. Finally, you are awake" sabi ni Amber.

"Sabi ko sayo eh, saksak lang yan, masasamang damo tayo! Hindi tayo madaling mamatay!" umiiyak pero nagbibiro pa din si Miley. Natawa ako pero hindi ko mailakas dahil masakit ang tagiliran ko. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa bibig ko at nakisama naman ang katawan ko ngayon.

"Hi Bitches! Miss me?" nanghihina pero nakangiti kong sabi at lalong umiyak ang tatlo. Lalapit sana sila ng biglang pumasok ang doctor.

"Miss Rivera, how are you feeling?" tanong ng doctor.

"Besides sa masakit ang tagiliran ko, wala naman po akong ibang nararamdama doc." sagot ko. Chineck niya ang vitals ko and everything is good.

"This is a miracle, parang kahapon lang halos maubusan ka na ng dugo sa OR at ilang beses kang nacardiac arrest, pero ngayon you're vitals are good and impressive." sabi ni Doc.

"Prayers lang katapat niyan Doc. Marami po kasing nagmamahal sa akin." nakangiting sabi ko. Pinilit kong umupo sa kama dahil pakiramdam ko nangangalay na ang katawan ko sa kakahiga. Inalalayan naman ako ni Mommy.

"You will need to stay in the hospital in a week or two. We will need to make sure that you are completely fine and we need to run some other test to make sure that everything is okay. I will visit you again later." sagot ng doctor at nakangiti akong tumango.

"Baby..." naiiyak na tawag ni mommy. Nanghihina ako pero pinilit kong ngumiti.

"I need your hug mom." sabi ko at naiiyak siyang yumakap. "Yung hug ko Dad?" baling ko kay Daddy at pareho silang yumakap sa akin.

"Nasaan si Jasmine! Nasaan si Jasmine ko!" maingay na sabi ni Tita Ange pagdating niya sa loob ng kwarto ko.

"Tita hanggang dito sa hospital napakataklesa mo. Nandito lang ako oh! Ang ingay mo." natatawang sabi ko.

"Oh My God! ang baby namin gising na!" naiiyak na sabi niya.

"Puro kayo baby! ano ako sanggol?" natatawang sabi ko.

"Wag niyong tawaging baby, si Arthur lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya noon." sabi ni Amber. Napatingin ako sa kanya at sinikap hanapin kung nasaan si Lance.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon