Parang panaginip lamang ang mga nangyari...
Parang noon lamang ikaw ay aking pagmamay-ari...
Ngunit ang kaligayahan natin ay kay daling napawi...
Nagising na lamang ako na wala ka na sa aking tabi...
After 5 years back to present:
JASMINE
Nagising na lang ako na puno ng luha ang aking mga mata. Napaupo ako sa kama ko at narealize kong nandito pala ako sa condo ko sa BGC. Dito ako dumiretso matapos kong iwan si Lance sa airport. Napanaginipan ko na naman ang mga oras na masaya pa kami. Yung mga oras kung paano nagsimulang mahalin naming ang isa't isa. Nagising na naman ako sa panaginip ng mga natirang ala-alang hindi mawala sa isip ko noong mga panahong malaya ko pang mahalin siya.
Sabagay, ako naman ang may kasalanan. Ako naman ang umalis kaya hindi dapat ako magexpect na may babalikan pa ko. Siguro nagtataka kayo kung ano nga bang nangyari sa aming dalawa. Lahat ay perfect sa pagitan naming dalawa noon. Masaya lang, lahat totoo, lahat hindi isang kathang isip lamang. Pero hindi naman sa lahat ng story ay laging may happy ending at isa ang story naming dalawa na makakapagpatunay na hindi naman lahat ng bidang babae ay nakakatuluyan ang bidang lalaki. Sa movie na lang nangyayari yun. Nakakatawa ngang isipin eh, lahat ng magagandang movie na ginawa ko ay may happy ending para lokohin ang lahat ng manonood na totoo ang salitang "forever" pero sa mga sinuswerte lang siguro yun. Dahil kung ako ang tatanungin mo, forever is non-existent. Forever is only for those fool na mahilig manood ng mga chick flicks, romantic movies at magbasa ng mga novels. Sabagay, masisisi mo ba ang mga tao sa mundo ngayon na hindi tangkilikin ang mga ganoong tema ng palabas o babasahin? Sa palagay ko ay hindi, dahil sa iba, ang mga ganoong palabas na lang ang paraan nila to escape the reality of life. Doon na lang siguro sila nakakatakbo sa mga problema nila sa buhay at nakakapagligtas sa kanila sa pagkabaliw sa mga bagay na hindi nila kayang solusyunan.
Hindi naman kasi perpekto ang mundo. All of us have different hang ups in life. Mga problemang pwedeng masolusyunan, at mga problemang pinabayaan na lang dahil takot masaktan. Bakit ba tayo ganoong mga tao? We tend to escape reality and tend to create our own imaginative world just to escape pain? Para sa akin ay para lang yun sa mahihina, para lang sa mga taong hindi marunong tumanggap ng mga kapalaran nila. For me, I made my own choices at kung ano man ang maging consequences noon ay dapat kong panindigan dahil wala naman akong ibang pwedeng sisihin kung hindi sarili ko at hindi ibang tao.
Sa sitwasyon namin ni Lance ay malabo ng maayos kung ano pang mayroon kami noon. I made my decision and he made his. Nasaktan kami pareho pero wala na din naman akong magagawa, nangyari na ang nangyari. Kahit ano pang sabihin o isipin ko ay wala na kong maisip na dahilan para ayusin pa ang yung bagay na tinuldukan niya na. Gusto ko mang isipin ang mga dahilan kung bakit kami nagkahiwalay noon at kung bakit ko piniling iwanan siya ay wala na din namang sense. Pinili ko ang ganitong buhay at ang kapalit nito ay ang pagkawala ng taong pinakamamahal ko.
How ironic, ang akala ko noon ito ang makakapagpasaya sa akin pero ano nga bang napala ko? Masaya nga ba ako sa mga achievements na nakuha ko o ginagawa ko lang yun dahilan para majustify ang mga actions na ginawa ko noon. Siguro ay nakucurious kayo ngayon kung ano nga bang nangyari sa aming dalawa. Wala ako sa mood magkwento ngayon kung ano nga bang nangyari. Ang masasabi ko lang ay kahit pagsisihan ko ng paulit-ulit ang mga desisyong ginawa ko noon ay wala na kong magagawa pa dahil nawala na siya sa akin.
Tumayo na ko at nagshower. Nakatulog din pala ako ng ilang oras matapos kong manggaling sa airport. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko ngayon kaya mas pinili kong dito umuwi sa condong binili ko bago pa man ako umuwi ng bansa. Dito ako dumiretso matapos ang pag-aaway naming ni Lance sa airport. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakalabas sa airport na yun. Nang dumaan ako sa likod ay may taxi akong nakita at sumakay na lang ako basta. Nagbayad ako ng malaki para hindi ako ichismis ng driver na sumakay ako sa taxi niya. Buti na lang mabait si manong. Pagkauwi ko ay nakatulog ako agad dahil sa pagod ko sa pag-iyak kanina sa harap ni Lance. Pag dating talaga sa kanya ay lagi akong nagiging mahina. Kayang-kaya niyang tibagin ang pader na hinaharang ko para protektahan ang sarili ko. I am always been vulnerable in front of him.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Roman d'amourAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...